Cassandra POV
Nagising ako sa katok na nagmumula sa aking pintuan. Dali dali akong bumangon at pinagbukasan ang tao sa likod ng nakasarang pinto.
"Ang aga bakit andito ka?"
"I told you dadaan ako dito."
"Dito ka ba dumiretso from your flight?"
"Yes, here mga pasalubong ni mommy for you."
"Thank you, ipatong mo na lang diyan. Do you want coffee?"
"Sure, thank you sa offer."
Tinignan ko ito dahil sa sagot nito at hindi ako nagkamaling naka smirk ito habang nakatingin sa akin.
"Please lang Ashton huwag mo akong simulan dahil hindi maganda ang tulog ko."
"Why, I thought you're enjoying your stay here lalo at nagawa mo pang mag bar kagabi."
"Anong gusto mong palabasin?!"
Hindi ko na napigilang mapasigaw dahil sa klase ng pananalita niya.
He's staring at me with a blank face. Anong kasalanan ko? Siya ang nauna kaya bakit sana ako matatakot sa kanya.
"Don't you dare shout at me Cassandra. I don't like you talking to me like that."
"Then get out of my room!"
Tinignan niya ako bago siya lumabas.
"I'll come back later, we'll be having a lunch together."
Hindi ko siya tinignan o kinibo man lang. It's too exhausting to fight with him, I can't do this.
Someone's knocking.
"What?!"
"Gaga si Ashley to, rinig ko sa labas away niyong mag asawa."
"Please, sumasakit ulo ko sa lalaking iyon. At teka nga saan niya nakuha at nalaman na nasa bar tayo kagabi?"
"Gaga ka, Yanna posted our pictures sa bar kagabi. Didn't you check you social media? You were tagged kaya."
"Bulsh*t, ano bang pakealam niya kung uminom ako?"
"Chill, oh ice cream pampalamig ng mainit mong ulo."
Tinignan ko ng masama si Ashley.
"Hahaha eto naman, joke lang. Maupo ka na, ako na kukuha ng bowl and spoon."
Naupo na ako sa couch habang hinihintay si Ashley.
"Magka kape ka ba? May nakita akong baso doon na may lamang coffee."
"No, coffee sana ni Ashton kung hindi lang niya ako pinikon."
"You're too harsh on him Mii, he just got here kaya. I saw his luggage sa lobby with his bodyguards."
"I know, tama na nga baka mas mabwisit lang ako lalo."
"Haynako, ewan ko sa inyong dalawa."
"Saan ka bumili ng ice cream eh ang aga aga pa?"
"Doon sa may kabilang kanto, may 7/11 doon."
"Okay, mag lunch pala kami sa labas mamaya kaya pa check na lang ng mga kasama natin ha?"
"Oo naman, akong bahala."
"Kuha ka pala sa mga food doon, galing Paris bigay ng mommy niya."
Sabi ko sabay turo doon sa table tabi ng counter ng kitchen.
"Infairness sa biyenan mo ha favorite ka, hindi mo na kailangan mag work Mii dahil bubuhayin ka ng kayamanan ng pamilya mo at pamilya ng asawa mo hahaha"
"Siraulo ka ba Ash? Alam mo namang mas gugustuhin kong magtrahabo kaysa makasalamuha silang lahat."
"Sige na nga hahayaan na kita sa mga desisyon mo at mga plano mo. Aalis na ako bye, take care. Balitaan mo ako sa date niyo."
Nginisihan niya ako kasunod ng pagsara ng pinto. Nabato ko na ang Ashley na iyon kung hindi lang niya binilisan magsara.
It's been a while and last day na namin bukas dito sa Cebu at babalik na kami ng Manila.
When Ashton came here nag lunch kami and naging maayos naman ang mga kaganapan, I really tried to control may temper para lang maayos ko syang kausapin. We got to talk about things we need to do for this marriage, nag ikot din kami sa mga spots dito sa cebu. Masaya naman siyang kasama and I know na habang magkasama kami ay pilit din niyang huwag mag banggit ng kahit anumang related sa pamilya namin or about sa pagsasama namin dahil alam niyang masisira ang bonding naming ito. Yes it's a bonding which I really didn't expect myself na pumayag but it's worth it naman.
But I know na pagbalik ko ay marami akong iintindihin lalo at isa siyang professor sa university.
"Mii lagi ka ng lutang simula noong ikinasal ka. You're thinking too much, let's go, tayo na lang ang hinihintay sa bus na maghahatid sa atin sa airport."
"Okay let's go."
I won't deny what Ashley said dahil totoo iyon lahat, I am always preoccupied which is kinda alarming for me kasi sometimes I can't focus. Buti na lang simula noong nagawi si Ashton ng Cebu ay lagi ng naka off ang cellphone ko lahat ng gadgets na dala ko. Kaya minsan si Ashley ang nadi disturb kasi laging sa kanya tumatawag ang family ko. Almost a month na akong walang alam sa mga kaganapan sa mundo at social media pero nakatulong ito para mabawasan ang mga iniisip ko.
"Cassandra Aeli!"
Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Ash.
"What?"
"I need you to focus, please focus. Andito na tayo sa Manila."
"Okay tara na."
Palabas kami ng airport ng makita ko si Ashton na nakasandal sa kotse niya.
"Hoy Ashley, anong ginagawa niyan dito."
"Aba malamang susunduin ang asawa niya. I already told your family kahapon ang oras ng flight natin kaya siguro inutusan nila ang asawa mo para sunduin ka."
"Ano ka ba naman baka may maka kita sa amin."
"Don't worry, tignan mo bago pa siya makita ng mga kasama natin ay pumasok na siya sa sasakyan at ako ang mauunang sasakay para hindi halata."
"Tsk, ewan ko sayo Ash. Kararating lang natin pero pinapasakit niyo agad ang ulo ko."
Pagkasakay ko ay siyang paglingon ni Ashton sa akin.
"You should inform your family."
"Alam na nila sabi ni Ashley."
"Cassandra pwede bang ayusin mo yang ugali mo? You make your parents worry about you."
"Huwag mo akong pakealaman sa mga desisyon ko, baka nakakalimutan mong napagkasunduan na walang pakealamanan!"
"Sir Ashton, hayaan niyo na muna si Cass, pagod lang po siya."
Natahimik naman ito dahil sa sinabi ni Ash. Ngunit maya maya ay nagsalita ulit ito.
"Are you hungry, let's grab some food first syaka natin ihatid si Miss Ashley."
"Ash saan mo gusto?"
"Greenwich na lang tayo Mii and I know na you want pizza."
"Okay, off to Greenwich."
Nang nasa Greenwich na kami ay si Ashton ang nag order at naiwan kaming dalawa sa table namin. Habang naghihintay ay nagsisimula nanaman si Ash mang asar.
"Cass ang sweet ng asawa mo."
Sabi niya sabay tawa.
"Anong sweet dun? Tumahimik ka, paparating na siya."
"Here is the food, let's eat."
"Thank you sa food sir."
Tumango ito kay Ash at nagsimula na ding kumain. Habang ako naman ay tahimik lang.
"After natin ihatid ang kaibigan mo ay dadaan tayo sa bahay niyo."
"For what?"
"Your mom misses you."
"Tsk. Whatever."
Hindi nga siya nagsinungaling dahil pagkahatid namin kay Ashley ay nandito kami sa bahay. Pagpasok ko ay si kuya agad ang hinanap ko.
"Manang si kuya po."
"Nasa kitchen po miss."
Napatingin ako kay manang dahil sa sinabi nito.
"Anong ginagawa niya doon?"
"Nagbe bake po miss."
Pumasok ako ng kitchen upang sumalubong sa akin ang makalat na table.
"Kuya what are you doing?!"
"Baking Princess, I'm baking your favorite cheesecake."
"At kailan ka pa natutong mag bake? Tignan mo nga ang kalat kalat."
"It's okay I'll clean it myself princess."
"Haynako kuya, are you done?"
"Yes maupo ka. Manang pa serve naman po ng juice thank you."
"I know you're tired from work, bakit ka pa nag bake."
"Because I miss you na. Anyway nasaan ang asawa mo? Ashton!!! Halika rito."
Maya maya pa ay pumasok si Ashton at sabay sabay naming kinain ang na bake ni kuya and infairness masarap ang cheesecake.