Chapter 6 - Job

2979 Words
Chapter 6 "Pa, I'm going to work on a clinic, for a week. Baka mag-night class ako," sabi ko kay Papa habang nasa hapagkainan kami. Inangat niya ang ulo niya, "Hmm? A clinic? Where?" tanong niya at seryoso akong tinignan. "Ahmm, hindi ko pa po alam. Dadalhin palang ako ng...ah...kaibigan ko." sagot ko at sumubo ng pagkain. "S-Sabay siguro kaming mag-na-night class," dugtong ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Wooh! Ang ayoko talaga sa lahat ay ang magsinungaling kay Papa at kung makikipagtitigan ako sa kaniya baka mabuking niya 'kong nagsisinungaling ako sa kaniya at baka tanungin niya ko kung sinong kaibigan 'yun. "Sinong kaibigan, Narian?" seryosong tanong ni Papa. Fuck. Sinasabi ko na nga ba, eh. Magtatanong siya kaya peke akong ngumiti at kunwaring kumuha ng bacon, "Ah, si Loraine po. Loraine Ponce." sagot ko at kumagat sa bacon na'yun. Loraine Ponce is truly my classmate and she's nice. Siya na siguro ang matinong kaklase ko kaya siya ang naisip kong idahilan. After all, I want her to become my friend. Kinakabahan ako kay Papa. Alam kong kikilatisin ako niya ko ngunit nagulat ako ng mahina siyang humalakhak kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti si Papa sakin, "That's great, Nari! A new friend! What an achievement!" pabirong sabi ni Papa. Napanguso ako at pabirong sinamaan ng tingin si Papa. I almost got a heart attack. I intend to tell all to Papa. He taught me not to lie kasi kami nalang ang nagdadamayan, magtataguan pa ba kami? But, sometimes it's the last thing to do. Ayoko namang malaman ni Papa na pinagtatrabaho ako ng isang kapwa estudyante ng Thaguro dahil sa mga balak ko. Para kasi kay Papa, prinsesa niya ako. "Pa, inaasar mo nanaman ako." nakangusong sabi ko. Ngumisi si Papa, "I just hope you're fine now, Nari and I want you happy. And maybe I can meet that Loraine you're saying." makahulogang sabi ni Papa and then look at his papers at the side of him. Bahagyang nanlaki ang mata ko. From the sound of his voice mukhang alam niyang nagdadahilan ako...but he wants me to do what I want kaya wala siyang sinasabi? Napanguso ako. Kahit pala malas ako sa love life, swerte naman ako sa Papa ko. I smiled while looking at my dashing Papa. My Papa is still good looking kahit na 43 na siya. He still has those aristocrat nose of his and a perfect jaw. Someday I hope Papa will find his happiness again. Matagal narin nung namatay si Mama. He love her so much that I can't imagine Papa loving someone else but other than Mom. Hindi ko nga alam kung payag ba ako kung sakaling makahanap si Papa ng magiging kabiyak niya. I hope, kung sakali man, hindi ako matulad kay Cinderella dahil super clichè na'yun. Nang matapos ako, kaagad akong nagpaalam kay Papa but he stood up and got his keys. "Hatid na kita kay Loraine, Narian." seryoso niyang sinabi. Napaawang ang bibig ko. Okay! Lagot na talaga ako. Sasabihin ko na ba kay Papa? Tch! Ano naman ang sasabihin ko? Baka makatikim lang ako kay Papa. "Sure, Pa!" Kagat-kagat ko ang labi ko habang nakasakay sa sasakyan ni Papa. Sa trinoma kami magkikita ni Castielle a.k.a Loraine and I really hope hindi na bumaba si Papa. And I hope ma-late siya. I secretly looked at my phone. Castielle got my number at wala akong kaide-ideya kung paano niya nakuha 'yun dahil tanging si Papa, Erene at Staven lang naman ang mayroon ng bago kong number. I recently changed my number. Nakakasura ang mga group messages ng mga blocmates ko na puro quotes na walang kakwenta-kwenta. Kung paano nila nakuha number ko? Ay dahil yun sa mga group activities. Hays. Tumikhim si Papa. "Make sure you don't hurt someone in that clinic, Nari." paalala ni Papa na may ngiti sa labi. "Yeah...yeah." Nakasuot ako ngayon ng nursing uniform ko. Syempre para naman maging makatotohanan at tsyaka isa pa clinic din 'yun kaya wala naman sigurong masama kung naka-attire ako. Disente naman ang suot ko at mayroon naman akong extrang damit dito kung sakali man. "By the way, I might be gone for a couple of days. Business related." ani ni Papa. Tumaas ang kilay ko. "Sa'n kayo pupunta?" tanong ko. "Japan," Nanlaki ang mata ko. "What? Japan?" gulat kong tanong. This is not the first time na aalis ng bansa si Papa pero Japan? That's the place I want to go! I mean the Tokyo Disney Sea! The Universal Studios! Those manga books! "Papa, sama ako!" Gulat siyang napatingin sakin, "No you can't." "Edi pasalubong nalang!" "I will work there, Narian. Hindi ako mamamasyal." Napanguso ako. "Ang daya! I really want to go there! Kahit ipuslit mo lang ako?" Umiling si Papa at seryoso ang mukha niya. "I'm not the boss, Narian." "Baka mabait naman ang boss mo..." "She's not..." "So babae!?" Hindi umimik si Papa. A woman? Ilang taon naman kaya? Magtatanong pa sana ako ng matanaw ko na ang trinoma. Oh god! Nandito na kami! Nakahinga ako ng malalim ng i-park lang ni Papa sa harap ng mall para i-drop ako. "Thanks, Pa! Bye!" paalam ko kay Papa at saka humalik sa pisnge niya. Lumabas ako at tumingin sa kaniya. "Pag-isipan mo ng mabuti, Pa. Isama mo nako, ha? Ba-bye!" nakangiting paalam ko at kumaway sa kaniya. Kumaway pabalik si Papa na umiiling-iling. Seryoso ang mukha niya at tiyak hindi na magbabago ang isip niya. But the thought that his boss is a woman. Hindi ko maiwasanag wag mag-isip ng malisya. Yun ay kung married na ang boss niya o gorang na. Pagkaalis ni Papa kaagad akong umakyat papunta sa mall. Siguro bibili muna ako sa starbucks ng kape dahil medyo inaantok ako but when I was about to step my foot on the stair may malakas na bumusina kaya napalingon ako. Kaagad kong nakita ang isang magarang na puting sports car. I know it's some kind of porsche but I don't the name of it. Ang alam ko, it's too flashy to the point all the people were looking at it.  Tumalikod ako at saktong bumusina nanaman ito ng napakalakas kaya marahas akong nilingon. Magkakilala ba kami? Mariin kong tinignan ang sasakyan nang bumaba ang driver na ikinasinghap ng mga tao sa paligid ko. Acually naglalakad ang mga 'yan kanina pero ng dumating ang sasakyan ay tinigilan talaga nila. Tch. A man wearing a white polo wearing an aviator went out and rested his arms on the roof of his car while looking straight at me kahit na may suot siyang aviator. Napalunok ako sa di malamang dahilan. Honestly, he looks like a fictional character in my books because of his perfect jaw, aristocrat nose and his f*****g goddamn luscious lips. At mas lalo akong namangha ng alisin niya ang kaniyang aviator at pinasadahan ang kaniyang copper blonde na buhok bago ako pukulan ng isang malanding tingin and there he go again with his infamous flirty smile. s**t! "Yow, Narnia! Hop in!" aniya. He even signal me with his head before he went inside his car. Napatingin sakin ang mga tao tila ako ang pinakaswerteng babae sa balat ng lupa. Like duh! Try kaya nilang kausapin si Castielle nang malaman nila kung gaano sila ka swerte. Note the sarcasm in that. Kaagad akong lumapit sa sasakyan niyang magarang. I am aware that Thaguro University have lots of rich students at paminsan minsan ay nakikita ko ang mga magagarang sasakyan nila sa parking lot. His cousins, above all, owned those flashy cars. "Why do you always call me names? Narian Angelien Esquilon if you don't know my full name." ani ko ng makapasok ako sasakyan niya, sa shotgun seat. I saw him smirked and put on his aviator again and start his car. "Castielle Angelo Ongcuanco, if ever you don't know..." he said and looked at me with a devilish grin. "...which I am aware that you already know me," dugtong niya at bahagyang binaba ang kaniyang aviator para kindatan ako. Aba. Parang nung huling kita lang namin ay malamig siya? Ngayon, back to normal? Tch. I grimaced. "Sorry to burst your bubble, but I just knew you recently when you stole a kiss on me at the bar..." liar! Natigilan naman siya sa sinabi ko. Binaling niya ang kaniyang atensyon sa kalsada at sa manibela. "But! I know you as the Master Casanova of our school. Mga pauso niyo. Kala n'yo naman ang aastig n'yong magpipinsan." ani ko at humalukipkip. "For your info, Narnia. We didn't named that to ourselves. They just did and we just acknowledge it," "Tch." Biglang tumahimik dahil wala nang nagsalita. Ngunit magtatanong na sana ako ng magsalita siya. "So...ah. You didn't know me when we met in the bar that night?" he asked while his brows are creasing. Agad akong umiling. "Nope, you see, I didn't wear contacts that time. Malabo ang mata ko," sagot ko. Hindi siya umimik pero narinig ko ang mahina niyang mura. I'm wearing a contact lens right now. Hindi ko alam pero may nag-udyok sakin na wag mag-suot ng thick glasses. "And also, I really didn't know that it was you. Nalaman ko lang nung...hinalikan mo ko." Another lie! I already know it was him when we met in the bookstore. "Oh, then you denied me alot. What's so good with that? Hmm?" he asked and looked at me. Tumaas ang kilay ko at tumingin ng diresyo sa harapan. "Sino ba namang hindi i-de-deny? Isang kahihiyan ang nagawa ko!" "So you're saying isang kahihiyan ang maka-make out ako?" gulat at mariin niyang tanong. Tumaas nanaman ang kilay ko trying not to look at him dahil marahas niyang inalis ang aviator niya. Marahas akong tumingin sa kaniya. "Of course! Isa kang f**k boy at hinding hindi ko ibibigay ang sarili ko sa isang katulad mo, nu!" asik ko at nakipagtagisan sa kaniya ng tingin. He looked pissed off with what I've said but then it faded at isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. "So you're a virgin, ha?" aniya at mas lumapad ang ngiti. Nanlaki ang mata ko. "Stop what you're thinking you f**k boy! Wala kang mapapala sakin!" asik ko. Malakas siyang humalakhak. "Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko, Narnia? I'm just asking!" anito at humalakhak ulit. Napasimangot ako. "It's because it was you who asked ibig sabihin may hidden agenda ka kaya inuunahan na kita!" "Woah! You're so judgemental, Narnia. I'm just can't believe you still are. Staven's a very hot blooded man, don't you know?" Kumunot ang noo ko. "Hot blooded man? He's not like you!" Ngumiti siya, "Of course, we're different. Wala akong pinapaasang babae." Tumaas ang kilay ko kahit sa loob-loob ko ay lumukob na ang pagdududa. "Aba! Ano kamo? Wala kang pinapaasa? Kaya naman pala ang daming umiyak sayo!" Humalakhak siya, "Well, maybe I hurt them. But it's there fault. Wala akong sinabing mahal ko sila at hindi ko sinabing liligawan ko sila." anito na parang pinatatamaan ako. Naikuyom ko ang kamay ko. Ako ba pinagloloko ng lalaking to? Nah! Maybe this is his way of getting me. Hindi ako assuming, ha? Feeling ko lang kasi ganoon. "Don't talk like you know everything. You don't even know Staven." He just smirked while looking in front. I know that smile of his, tila may tinatago. Di kaya kilala nga niya si Staven? I don't think so. Kung kilala niya man, mas kilala ko si Staven. I know his a good man. Kahit may porn sa cellphone niya, kahit may FHM siya sa kwarto niya alam kong natural lang 'yun sa kanilang mga lalake. I know he won't do it while he's pursuing me right? Napapikit ako ng mariin. Who am I convincing? Namayani na ang sinabi ni Castielle. I am doubting Staven at dinagdagan pa ito ng hinayupak. "We're here..." Napatingin ako kay Castielle at sa lugar na hinintuan niya. Isang di gaano kalaking clinic. Kitang-kita roon ang mga taong nagpapasukan at may naglalabasan. Mayroon ding body guard sa gate at sa entrance ng clinic. Woah, di pala basta-basta ang clinic na ito. Mukha na nga sanang hospital kung hindi lang sana maliit. "Baba na." ani ni Castielle at lumabas na sa kotsye. Lumabas narin ako bitbit ang backpack ko. Nang lumapit ako sa kaniya ay tinitigan niya ang suot ko at lumapad ang ngiti at konte nalang ay tatawa na. Kumunot naman ang noo ko at awtomatikong sinipat ang suot ko. Malinis parin naman at maputi ang nursing kong uniform? Bakit siya natatawa? "Anong ngiti 'yan?" maangas kong tanong sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay pero nakangisi parin na parang may masamang balak. "Masama na ba ngayong ngumiti? Tara na nga nang makapag-umpisa kana..." anito at nauna ng maglakad kaya sinundan ko siya na sinasamaan ng tingin. As soon as we went inside. Bigla akong na-excite at medyo kinabahan dahil marami palang nakapila. May mga helper ring katulad ko'y nakasuot ng uniporme pero iba ang kanila. Pulang polo shirt at pants. Bigla naman akong nahiya sa damit ko. s**t naman kasi, Narian! Sino naman kasi ang nagsabing mag-uniform ka? Kaya ba ngingiti-ngiti ang isang 'yun. Mabilis akong lumapit sa tabi ni Castielle, "Hoy! Bat di mo naman sinabi kung ano ang dapat suotin?" naiinis kong tanong. "Well, you didn't ask." Umawang ang bibig ko. "Hindi kaman lang nag-initiate!" "Do I have to?" he said at inilapit ang mukha niya sakin kaya napaatras ako. He licked his lower lip. Then he looked down at my attire, "After all, you look very..." tumigil pa siya habang nakatingin sa mga mata ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. s**t! "...very clean in that dress," dugtong niya at ngumisi sakin. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagulat ako ng humakbang siya palapit sakin kaya umatras ako. Nagulat nalang ako at napaatras ako sa isang pintuan. Damn it! Ang lapit ng mukha niya. s**t tong f**k boy na'to! I was about to push him because he's already tilting his head to reach my lips when I heard the door at the back of me open. Castielle opened the door behind me kaagad gumapang ang kamay niya sa bewang ko nang bumukas ang pinto. Sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi masyado pumasok sa utak ko ang ginawa niya. f**k! Inaasar niya ba 'ko? May palapit lapit pa siya ng mukha sakin, magbubukas lang naman ng pinto. "Good morning, Lucia!" masiglang bati ni Castielle sa doktorang nasa loob may pasyenteng kaharap. Nang makita ko ang doktora ay halos umawang ang bibig ko dahil sobrang ganda nito. Nakasuot siya ng puting coat, usually ginagamit ng mga doktor at sa nakapaloob roon ang isang green dress na mas lalong nagpadepina ng kaniyang kaputian. Umangat ang tingin ng babae. Maganda ang maliit niyang mukha, mahahaba ang pilikmata at malalalim ang mata. She smiled, "Good morning, Casty!" anito at nang tumingin sakin ay biglang nag-iba ang ngiti at saka bumaba ang tingin niya sa kamay ni Castielle sa bewang ko. Kaagad akong lumayo kay Castielle. Hindi dahil naiilang kay Doktora kundi dahil wala siyang karapatan para hawakan ako. Nang lumabas na ang pasyente ni Doktora ay umupo kami ni Castielle sa dalawang upuan na magkaharap sa harapan ng table ni Doktora. "So, she's her?" tanong nito habang nakatingin kay Castielle. "Yup and as you can see, she's quite ready with her job." sagot nito. Ngumiti naman ako kay Doktora ng tumingin siya sakin. Ngumiti siya pabalik at bumaling kay Castielle. "Ikaw na ang bahalang ipakita sa kaniya ang trabaho niya, baby. Marami pa 'kong pasyente, okay lang?" malambing na tanong ni Doktora kay Castielle. Bahagyang nanlaki ang mata ko. Baby? Like duh! Pati ba naman matanda? I mean, maganda si Doktora but she's already too old for a 18 year old! Jusko! "Of course, I know you're tired. I'll give you a massage after this..." mapaglarong aniya at kinindatan pa si Doktora. Napakagat labi naman ito tila iba ang iniisip sa massage na gagawin ni Castielle. Goodness! Ang baboy baboy talaga ni Castielle! Siya na ang pinakamalanding nilalang na nakilala ko! Kung hindi pa ako tumikhim ay malamang nakalimutan na nila ako. Lumabas na kami ni Castielle sa loob. Dumistansya ako ng konte dahil ayokong isipin ng mga tao rito na may relasyon kami nito. Ang akala ko ay dadalhin ako ni Castielle sa harapan kung saan nakita ko ang mga helper na inaasikaso ang mga pasyente pero nagulat ako ng dumiretsyo kami sa banyo. Kumunot ang noo ko. "Mag-C-CR nalang isasama mo pa 'ko. Bastos ka talaga!" asik ko at akmang aalis na ng higitin niya ako. Nagulat ako ng kaagad niyang inabot sakin ang mahabang stick na may malapad na brush sa dulo. "Clean up the comfort room, Narnia. This is your job..." simpleng sinabi niya. Nanlaki ang mata ko. "Ano!?" gulat na gulat kong tanong. He smiled devilishly, "I told you to work for me, right? As you can see, I half owned this clinic at may sakit ang janitor namin so maybe for a week, your his substitute." "What the f**k?" He smirked and slouched a bit to level me while crossing his arms. Halos mapaatras ako ng ilapit niya ang mukha niya sakin. Akala ko dadapo na ang labi niya sa labi ko pero huminto ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. Masyado akong nalula sa mukha niya. Nararamdaman ko ang labi niyang nakahinto sa harap ng labi ko. Isang galaw nalang ay mahahalikan niya nako. Napalunok ako. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko. "That's for giving me a very...very hard time, baby." namamaos niyang sinabi almost touching my lips with his lips. Oh, damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD