Chapter 46 It's a Monday morning and here I am in the kitchen, cooking breakfast. I feel like I want to do a lot of things right now. "Ma'am Nari, ako na magluluto. Late kana..." Umiling ako at pinagpatuloy ang ginagawang paggisa. "It's still early, Tuning. Ang mabuti pa, ihanda mo nalang ang mga kubyertos at pinggan." utos ko. Napakamot naman siya. "Ang sipag mo, Ma'am Nari. Pati labahin, ikaw na naglaba kahapon. Tatanggalan mo na ba ako ng trabaho?" naguguluhang tanong niya. I chuckled at her innocent question. "Hindi nuh? Tayong dalawa na nga lang ang nandito sa bahay, paaalisin pa kita?" "Talaga ba? Gusto mo bang magkaro'n ng kasama dito, Ma'am Nari? Yung kapatid kong si Toyang, pwede ba dito kapag nag-aaral siya ng college?" masiglang tanong ni Tuning. "College na kapatid mo?"

