Chapter 12 : We meet again.
Avianna pov.
"Tapos naba kayo mag ayos"? tanong ni edlyn sa kanila dito sila ngayon sa hotel kung saan gaganapin ang 40th anniversary at welcome party ng ceo sa ZVLJ's, May naka laan na kuwarto para sa kanila at pag may aari din ng mga Jackson itong hotel kung saan sila.
"Sandali lang insan diko maabot itong zipper ng dress ko paki zipper nga please" sabi ni wendy kay edlyn. siya naman inaayos pa ni pol yung buhok niya may alam din kasi ito sa pag ayos light make up lang ang inilagay sa kaniya ni pol kasi ayaw niya talaga mag make up pinilit lang siya ng tatlo parang kumakati kasi sa mukha niya.
"Suotin mo na yung dress mo pinadala ni tita veronica sissy av" sabi ni pol oo tita at tito din ang tawag nila sa mag asawang Jackson kasi yun ang gusto ng mga ito.
"Eh pol parang ayaw kong suotin yun parang mahal kasi at bakit pa ako pinadalhan ng dress dito meron naman yung galing kay ate edlyn" naka ngusong sabi niya.
"At ano ang gusto mo mag tampo si tita veronica na hindi mo sinuot yung dress na pinadala niya dito para sayo aber" singit edlyn sa usapan nila ni pol.
"Ang mahal kasi noon parang diko kayang suotin" giit niya pa.
"Hala tumayo ka diyan bilisan mo na para matapos na tayo wala ng marami pang reklamo kaya nga pinadala dito para may maganda kang maisusuot pasalamat ka nga meron kang tita veronica na nag padala ng dress sayo" sermon ni edlyn sa kaniya napakamot nalang siya sa batol at kinuha sa box yung dress na ipasuot sa kaniya ngayon gabi pumasok siya sa isang bakanteng kuwarto at doon nag bihis pag katapos niya lumabas na siya para ipakita sa mga kasama kung bagay ang dress sa kaniya.
"Paki tignan niyo nga kung bagay ba talaga sakin itong suot ko" tanong niya sa tatlong kasama ng makalabas siya. Kunot noong tinignan niya ang mga ito naka tulala naka tingin sa kaniya at nakanganga pa luh anong nangyari aniya sa isip.
"Hoy!! napano ba kayo diyan"!sigaw niya para magising ang mga ito.
"Woooow bongga beshie avi subrang ganda mo para kang princess tignan" may pag hangang sabi ni wendy ng mataohan na ang mga ito.
"Nako sissy av im sure talbogan mo pa ang mga babaing bisita mamaya wala sila sa mala beauty queen mong ganda girl" sabi naman ni pol na pumalakpak pa.
"Bunso avianna kung kanina maganda ka kahit wala kapang make up at kahit pagong gising ka ngayon naman mas lalo kapang gumanda nakakainggit na nga yan ganda mo eh" ngiting sabi ni edlyn sa kaniya" nginitian lang niya ang mga ito.
"O suotin mo na itong heels terno niyan dress mo" sabi naman ni pol. sumunod naman siya 4 inches ang heels na terno ng dress na pinadala ng tita veronica niya sa isang staff nitong hotel, Nang masuot niya ang kaniyang red crystal heels lumapit siya sa malaking salamin para tignan ang sarili parang hindi siya ang nasa reflection sa salamin ngayon isang off shoulder na long dark red diamond gown ang kaniyang suot at may isang mahabang slit sa kaliwa nito at hanggang sa kalahati ng hita niya lumantad tuloy ang mahaba at maputi niyang legs at lalong lumabas ang kaputian niya sa kulay ng suot at hapit na hapit ito sa kaniyang beywang, naka bridal hair style naman ang kaniyan buhok na may naka lugay sa mag kabila niyang pisngi na pinakulot pa ni pol meron din nilagay si pol na design sa buhok niya kaya ang ganda tignan' napangiti siya habang tinitignan ang kaniyang reflection sa malaking salamin.
"Ang ganda mo girl kaya wag kana mag taka kung lahat ng boys mamaya sa party sayo nakatingin" sabi ni pol sa likod niya.
"Tumigil ka nga diyan pol hindi naman ako interesado sa kanila" sagot nalang niya dito.
"Oo na beshie hindi ka interesado sa kanila pero sila ang interesado sayo kaya always carefull sa mga boys na may masamang balak sa katulad mong ubod ng sexy at subrang ganda" sabi naman ni wendy sa tabi ni pol. Nginisian lang niya ang dalawa.
"Okay naba bunso wala kanang maraming tanong"? sabi naman ni ate edlyn niya na inaayos dress nito.
"Okay na wala naman ako choice eh" sagot nalang niya.
"Good" tipid sagot ni edlyn sa kaniya.
"Hintayin nalang natin tawagan tayo ni tita veronica diko talaga maintindihan yan sila tito zeun at tita veronica minsan ang weird nila lalo na pag dating sayo bunso avi para bang alagang alaga ka nila at itong hotel sabi ng mga staff isa daw sa pinaka mahal na room dito sa hotel itong binigay nila tita veronica sa atin at ang akala ko doon sa ZVLJ's din gaganapin ang party hindi pala kundi dito sa bagong bukas nilang hotel isa kasi ito sa mga bagong property nila na bagong bukas at ang sabi nila puwede daw tayo mag stay dito hanggang bukas ng gabi kasi wala naman tayong trabaho" Mahabang sabi ni edlyn. oo nga minsan nawiwirdohan din siya sa kilos ng mag asawa gusto na nga niyang sabihin na ayaw niya ng special treatment kasi ayaw niyang mapag sabihan na sipsip sa mag asawang Jackson pero hindi siya makakuha ng tiyempo pag mahalata kasi ni tita veronica niya na tutol siya sa mga ginagawa nito sa kaniya unahan na siya nito na wag ko daw isipin ang ibang tao kung anong iniisip nila sakin hayy nalang talaga nakakaloka aniya sa isip.
"Oo eh nawiwirdohan din ako sa kanila," sagot niya.
"At ate sino pala si caroline na pinag uusapan ng mga empleyado sa ZVLJ's"? tanong niya dito ng maalala yung mga pinag uusapan ng mga marites doon sa company sa 4 days niya kasi pag trabaho doon hindi pa man niya nakita ito, Inaamin niya noong una talagang nahirapan siya kasi maraming naiwan na trabaho yung dating finance manager na miss Ramirez at maraming mali na mga papeles ang dapat niyang ireview at itama ang mga ito kahapon nga nag overtime siya para matapos na niya buti nalang sinamahan parin siya ni wendy at pol hanggang 9pm at sinundo narin sila ni kuya ben kaya binigiyan nila ng tips si kuya ben sa pag sundo sa kanila.
"Ah ang bruhang yun na gandang ganda sa sarili at palaging ipamukha sa mga tao doon sa office na siya daw ang future wife ng ceo at magiging daughter in law nila tito zeus at tita veronica' ang kakapal talaga ng mukha ng babaing yun gusto ko nga siya ihagis sa building ng ZVLJ's pag nandoon siya eh, akala mo kasi kung sinong umasta doon ayaw na ayaw nga sa kaniya nila tita veronica kasi maatitude siya anak siya ng isa sa mga may malalaking share sa company kaya hinayaan nalang ito nila tito zeus na mag labas masok sa loob ng company wag nalang daw namin siya papatulan para walang gulo pero pag uubusan talaga ako ng pasensiya doon sa bruhang yun may kalalagiyan talaga sakin yun" gigil na sabi ni edlyn mukhang naiinis nga ito sa Caroline na yun.
"Naku wag kami ang supalpalan ng croline na yun kasi iba kami papatul talaga kami sa may sayad sa utak" ani pol.
"Mamaya dito yun sa party sa ground floor nitong hotel makilala niyo din ang bruhang yun kasing kapal ng make up niya ang mukha niya at retokada mula ulo hanggang paa para lang gumanda tst" natatawang sabi ni edlyn napapailing nalang siya minsan kasi bully din ang isang ito.
Hinihila niya ang kayang dress pataas kasi lumalatad ang cleavage niya.
"Ano ba beshie bakit hinihila mo baka masira" usisa ni wendy sa kaniya.
"Kasi naman nakikita itong cleavage ko eh" sagot niya.
"Ano ka banaman beshie normal lang yan bakit ba kasi ang lalaki ng mga yan sana inambag mo nalang sa amin kung ayaw mo na diyan" biro ni wendy sa kaniya binatukan niya ito.
"Museett ka wendy puro ka kalokohan diyan" aniya dito. Narinig nilang meron nag doorbell kaya napatigil sila saglit ni wendy, si ate edlyn nila ang nag bukas ng pinto nasa sala na kasi sila nag hihintay sa tawag ng tita veronica nila.
"Bunso avi meron nanaman pinadala sayo si tita veronica" ngiting sabi ni edlyn ng bumalik ito sa sala na may bitbit na paper bag.
"Huh nanaman ano yan"? takang tanong niya.
"Buksan mo para malaman mo"ngising sabi nito sa kaniya inirapan lang niya ito at binuksan ang paper bag na meron laman na ladawang box meron din card kaya binasa niya muna ito.
"Darling avianna please wear that in a paper bag from your tita veronica" pag basa niya kunot noong binuksan niya ito pag bukas niya tumambad sa kanila ang isang set na silver necklace bracelet at earrings malapad ang necklace nito at puno ng mga diamons design napakurap kurap siya alam niyang di biro ang halaga ng mga ito kaya binalik niya ang takip ng box.
"Wow ang ganda noon sissy ang gara tala ni tita veronica" sabi ni pol.
"Suotin mo na bunso ang gaganda kaya" sabi naman ni edlyn.
"Oo nga beshie ang swerte mo talaga kay tita veronica ang bait bait niya sayo parang ka nga niyang anak kung ituring eh" sabi naman ni wendy umiling siya sa mga ito.
"No! ayaw kong suotin yan" sagot niya. nakita niyang kinuha ni edlyn yung box at binuksan ito at kinuha nito ang necklace.
"Waah Ang bigat nito alam kong million ang halaga nito kasi nakita ko na ito sa mga magazine na binabasa ni tita veronica pag doon siya sa office ni tito zeus" sabi edlyn habang sinisipat ang necklace.
"Kaya nga ayaw kong suotin yan eh" giit naman niya.
"Ano ka banaman bunso hali ka isuot mo na ito ayun sa sulat ni tita veronica kaya yun ang masusunod saka baka ikaw ang kadate ng anak niyang ceo mamaya" may mapang biro na sabi edlyn sa kaniya. lumaki naman ang kaniyang mata at parang kinakabahan siya.
"Ayieeh sissy baka ikaw nga ang kadate ng anak ni tita veronica kaya kaniya pinapaganda pa lalo sa paningin ng anak niya, kaya isuot muna iyan" parang kinikilig na sabi ni wendy habang sinusundot ang kniyang tagiliran.
"Wendy tumigil ka nga diyan" awat niya sa kamay nito.
"At anong date ang pinag sasabi niyo diyan ha walang date na magaganap no!" naka ngoso niyang sabi sa mga ito.
"Aba kung ako lang ginaganito ni tita veronica at gawin kadate ng anak niyang ceo aba hindi ako tatanggi sunggaban ko na talaga" sabi ni pol habang humagikgik. tst aniya sa isip oo nga pano kung siya nga ang kadate ng ceo ngayon gabi waaahh no way never in she's life na may date napatakip siya sa mukha animoy na nahihiya' at naramdaman nalang niya na meron malamig na bagay sa kaniyang leeg at parang may mabigat sa kaniyang mag kabilang tainga ng alisin niya ang kaniyang mga kamay naka takip sa kaniyang mukha ganun nalang pag lalaki ng mata niya ng suot na niya ang set ng necklace at huli yung bracelet na pinapasuot ni ate edlyn niya sa kaniya napanganga nalang siya ginagawa ng tatlong mga mga pasaway na ito sa kaniya.
"Anong ginagawa niyo sakin" naitanong nalang niya.
"Wow bongga mo girl dinaig mo pa ang isang anak ng mga billionaire pero ngayon gabi lang kasi bukas back to reality ka naman" natatawang sabi ni pol" masama niyang tinignan ang tatlong tukmol sa harap niya.
"O wag mo kami tignan ng ganiyan bunso ginagawa lang namin ang utos ni tita veronica sa text niya sakin pag hindi mo daw suotin yan mga pinadala niya sayo pilitin kadaw namin at kung hindi kadaw madaan sa pakiusap itali kadaw namin para maipasuot lang ang mga yan sayo kaya wag ng matigas ang ulo kaysa mapahiya ka sa harap ng ceo" taas kilay na sabi ni edlyn sa kaniya" sinimangotan lang niya ito at napabuntong hininga nakita niyang meron itong inabot sa kaniyang maliit na red Clutc bag at sa kalahati nito may mga diamonds design din' nag tatakang tinignan niya lang ito.
"Yan ang laman ng isang box binuksan ko na para sayo kasi puro ka reklamo at may mga laman din yan ng foundation lipstick para kung kaylangan mo mamaya mayron kang magagamit ganiyan kacomplete ang future mother in law mo sayo ayaw niya lang mapahiya ka maraming tao kaya wag kana mag reklamo pa diyan" sabi naman ni ate edlyn niya sa kaniya bumuntong hininga siya ng malalim bago inabot ang clutch bag na inabot nito sa kaniya hindi nalang siya nag salita pa kasi wala naman siya magawa at hindi na pinansin yung sinasabi ni edlyn sa kaniya na future mother in law daw niya si tita veronica niya alam niya kasi nag bibiro lang ito.
Zendrix pov.
"Son are you ready"? bungad ng ina niya pag pasok nito sa kuwarto niya dito sa hotel malayo kasi sa mansion nila itong bagong bukas nilang hotel kaya maaga palang nandito na sila para sa gaganaping party mamaya lang kunti mag umpisa na ang party kasi 7 o'clock pm ang pag sisimula nito 6:10 pm na kaya meron pa silang 49 minutes mag prepare.
"I am always ready mom" sagot niya sa ina na ang lawak ng ngiti nitong naka tingin sa kaniya kahit may idad na ito hindi parin halata kasi ang ganda parin nito ganun din ang kaniyang dad parang mag kapatid nga lang sila kung mag katabi sila.
"Buti kung ganon anak marami ng bisita ang nag hihintay sa baba" naka ngiting sabi ng ina minsan napapansin niyang iba ang ngiti ng mga magulang simula ng dumating siya dito pilipinas para bang may mga plano ang mga ito na hindi niya mahulaan kung ano at panay banggit din ng mga ito sa new manager nila na ang bilis mag trabaho at mabilis matotonan ang mga inoutos dito na trabaho at nalaman din niya ito ang nakatuklas kung saan idiniposit ni mr. hedalgo ang ninakaw nitong pera sa company nila gamit ang pag hack nito sa email account ni mr. heldago kaya naibalik sa pundo nila ang pera na ninakaw nito at gusto niya itong makilala mamaya kasi sabi ng mommy niya nandito din daw sa hotel si miss smith pero hindi pa niya ito nakita kasi simula ng dumating siya dito kanina hindi na siya lumabas ng kuwarto natulog siya kasi yung kago niyang kaibigan na isa nag kita sila kagabi ayon niyaya siya makipag inoman sa bar kaya may hung over siya si Bryle na dati niyang kaklase sa U.S.A. at naging kaibigan din niya ito last year pa ito umuwi dito sa pinas para imana din ang business ng perents nito dito sa pinas.
"Son baba nadaw tayo nag tawag yung dad mo" pukaw ng ina sa malalim niyang pag iisip.
"Okay mom sinuot na niya ang kaniyang dark red tuxedo terno ito sa kaniyang slack pants' ito kasi ang pinasuot ng ina sa kaniya kanina kaya sinunod nalang niya ang gusto nito. Lumabas na sila sa kaniyang kawarto kasabay ang ina at mga security guard nila naka black suits mens ang mga ito at nasa sampo din mabuti nadaw yun meron silang security guard at marami din ang naka kalat na taga bantay nila dito sa boong hotel kasi sa mundo ng business meron din silang nakaalitan mga kapwang may business kinakalaban kasi ng mga ito ang kanilang business kaya meron silang hindi magandang pagkaunawaan.
"Ah son I'II go down first" sabi ng kaniyang mommy napa kunot noo naman siya nakatingin sa ina akala ba niya sabay sila papunta sa baba' tanong niya sa isip.
"Why mom"? tanong niya sa ina.
"I forgot to tell you na meron ka palang sunduin doon sa room 220 so mauna na ako sayo hintayin namin kayo sa baba" sabi ng ina hindi parin niya maintindihan sino naman ang ipasundo sa kaniya sa room 220 na pinag sasabi nito.
"Mom who should i pick up on room 220" tanong niya ulit dito.
"No more question just do what i tell you son" ngiting sabi ng ina.Napabuntong hininga nalang siya, di niya mahulaan itong trip ng ina pero sundin nalang niya ang utos nito. napalingon sila ng bunukas ang elevator lumabas doon si Marcus na ang lapad ng ngiti nito.
"O' hi bro/tita' bati nito sa kanila at lumapit sa ina niya at hinalikan sa pisngi sanay na ang ina sa kaweetan ni Marcus at anak narin kasi ang turing nila dito, marcus live alone noon nakilala niya ito sa kalye na umiiyak kasi namatay nadaw ang kaniyang kinikilalang ina na nag aruga dito mula ng maliit pa siya kaya nakiusap siya sa ama na sa kanila na ito titira pumayag naman ang kaniyang mga magulang kasi mabait na bata si marcus at pinag aral nila ito hanggang sa nakapag tapos ito.
"Marcus anak isabay mo na itong si zendrix sayo papunta doon sa room 220 mauna ako doon sa baba nag hihintay na doon si tito Zeus mo" ngiting sabi ng ina kay marcus naka kunot parin ang kaniyang noo nakatingin sa dalawa mukhang kilala ni marcus ang sunduin niya sa room 220 bakit hindi nalang nila isabay ito kay marcus bakit siya pa talaga susundo doon tanong naman niya sa isip.
"No problem tita saka nandoon yung surprise ko dito kay bro zendrix kaya ako napadaan dito" ngiting sagot nito sa ina.
" What a Surprise"? tanong ng ina kay Marcus.
"Tita naman kaya nga po surprise kasi bawal sabihin" tawang sagot ni marcus sa ina siya nakikinig lang sa dalawa kasi wala talaga siyang alam sa pinag uusapan ng mga ito.
"Alright i'm leaving, don't stay there too long the guests waiting" paalam ng ina.
"Alright tita" tipid sagot ni marcus dito.
"So let's go bro puntahan na natin yung room 220 i'm sure magugulat ka talaga sa supresa ko sayo" ngising sabi ni marcur sa kaniya inakbayan siya nito patungo sa isang elevator, dalawa kasi ang elevator dito sa hotel nila na bagong bukas napalaki din kasi itong hotel na ito.
Pumasok sila sa elevator ng authomatic itong bumukas pinindot nito ang floor 11, so doon pala ang room 220 na puntahan nila' kasi sila nasa floor 9.
"Bro who is at room 220? tanong niya dito.
"Malalaman mo rin bro" ngisi nitong sagot at inayos ang kaniyang necktie at tinapik tapik pa ang kaniyang balikat kaya kunot noo niya ito tinignan.
"Mag pakaguwapo kapa lalo bro" sabi nito nag tataka naman siya dito.
"For what"? tanong naman niya.
"Nothing bro" tipid na sagot nito kaya napailing nalang siya pareho ng mga magulang niya ang weird din nitong si marcus aniya sa isip. Huminto na ang elevator sa floor 1. At pag bukas ng elevator lumabas agad sila at hinahanap ni marcus ang number ng room na puntahan nila parang bigla naman siyang kinakabahan ng hindi niya maintindhan kaya napahawak siya sa kaniyang dibdib at huminga ng malalim para pakalmahin ang kaniyang sarili.
"O' here" turo ni marcus sa pinto nasa bandang kanan nito lalo naman siyang kinakabahan ang weird talaga ang ng pakiramdam niya.
"Ikaw na ang mag doorbell bro" utos ni marcus sa kaniya kunot noong tinignan lang niya ito.
"Why me"? tanong niya dito.
"Basta gawin mo nalang bilis na kasi baka masermonan tayo ni tito zeus pag tumagal tayo dito" bagot na sagot ni marcus sa kaniya kaya kahit lalo atang lumakas ang kaba sa dibdib niya mabigat ang paang humakbang siya papalapit sa pinto at huminga muna siya ng malalim bago niya pinindot ang doorbell ilan sigundo pa bago ito dahan dahan na bumukas naka yuko siya kaya yung red crystal heels at isang kanang long white smooth legs with dark red long dress lang ng kung sinong bumukas ng pinto ang nakita niya kaya dahan dahan niyang inangat ang kaniyang mukha kasabay nito ang pag bilis ng t***k ng kaniyang puso na hindi na talaga niya naiintindihan ang nangyayari sa kaniya sa oras na ito, Nang tuluyan na niyang maiangat ang kaniyang mukha ganon nalang ang pag gulat at pag laki ng kaniyang mga mata hindi siya maaring mag kakamali ito yung babaing naka bunggo sa kaniya sa mall of asia o' god kung napakada nito nun nakita niya ito sa mall mas double ang ganda nito ngayon she's really like a disney princess ito na ata ang pinaka magandang babae na nakita niya sa boong buhay niya' naramdaman niyang meron tumapik sa kaniyang balikat kaya parang nataohan siya sa pag katulala sa babaing nasa harap niya naka tayo parin ito habang nakatitig sa kaniya siguro naalala din siya nito.
"Bunso avianna sino yan sila naba ang susundo satin dit--'" hindi natapos ng babaing nag tatanong sino ang mga tao sa labas ng pinto kung saan ang mga ito natulala din yung babae ito ata si miss ventura na kinababaliwang ni marcus and wait avianna ang tawag niya dito sa babaing nasa harap niya ibig sabihin ito si avianna Smith na new finance manager nila.
"Hi babe Good evening pinapassundo kayo samin nila tita" sabi ni marcus sa tabi niya.
"Babe mo mukha mo" pag tataray ni miss Ventura sa kay marcus kaya napangiti siya ng lihim dito bumalik ang tingin niya kay avianna kung ito nga ba si avianna na new finance manager nila nakatingin lang ito sa kaniya na naka kunot ang noo nito kaya lalo siyang kinakabahan baka may mali sa soot niya pero napatigil siya ng mapag tantong pareho ng kulay ng tuxedo niya ang dress nito ngayon alam na niya kung bakit ito ang pinasoot ng mommy niya sa kaniya kasi plano na nito' at itong babae sa harap niya ay partner niya ngayon gabi napangiti naman siya ng palihim kasi may chance na siyang makausap ito kasi marami siyang katanungan dito at bakit ito palaging nasa isip niya at iniisip din niya baka ito nga si ana na matagal na niyang hinahanap at hinihintay na makitang muli.
"Sino ba mga yan sa labas bakit ang tagal niyong bumalik ha"? tanong ng binabaing tinig mula sa likod nila miss Ventura tapatigil din ito ng makita kami ni marcus at lumalaki ang nga mata pati yung kasunod nitong mediyo matabang babae.
"OMG!! may prinsipe dito!!! sabay sigaw ng dalawa kaya napatakip ng tainga sila avianna at binatukan nito yung gay at yung chubby na babae yes he know that with them is a gay kasi sa pag sasalita at kilos palang nito alam na niya kahit naka tuxedo pa ito.
"Ano ba kayo bat kayo sumisigaw puputok itong eardrum ko sa inyo eh" inis na sabi ni avianna sa dalawa at kahit inis ito ang cute parin nitong tignan kaya itong puso ko gusto na atang sasabog sa subrang lakas ng t***k nito.
"Grabi ka samin beshie ha ang sakit mong bumatok sige papangit kana niyan wala ng makagusto sayo mamaya sa party at yan prinsipe sa harap mo hahanap yan ng ibang kadate halata naman kasi ikaw ang sinusundo niyan kasi sa soot niyo palang pinagtagpo ng tadhana" tawang sabi ng babaing chabby baka mga kaibigan ito ni avianna.
"Tsee tumigil nga kayo diyan puro kayo kalokohan'' sagot nito at tumalikod sa kanila.
"Bro nasuprise kaba kasi nakatulala kana diyan hindi kaba makapaniwala na makikita mo siya ulit dito"?
Ngising sabi ni marcus sa kaniya.
"I really surprised bro i can't believe it na yung nakabunggo sakin sa mall ay siya rin palang new finance manager ng company natin" ngiting sagot niya parang hindi na niya kayang itago ang tuwa sa puso niya pa kill-kill pa siyang nalaman pag makita niyang muli yung babaing nakabunggo sa kaniya kasi hindi ito mawala sa isip at maging sa panaginip niya ay papatayin niya ito pero syempre hanggang salita lang siya hindi naman niya magawa yun at hindi naman kasalanan ng babae kung lagi ito pumapasok sa isip niya pati sa panaginip niya siguro over thinking lang talaga siya sa babae na ngayon nakita na niya ulit.
"Mukhang natamaan kana bro" tawang sabi ni marcus sa kaniya kaya napailing lang siya. lumabas ulit yung apat mukhang may kinuha lang sa loob para makaalis na sila. Sa apat na ito si avianna talaga ang pinaka matangkad at iba talaga ang taglay nitong ganda at bagay na bagay dito ang soot nitong dark red diamond dress at na hapit na hapit sa bewang nito god she's really sexy and beautiful women first i meet, tinalo pa nito yung mga nag sisikatan na mga model at mga artista kaya kaylangan niyang bantayan ito alam niyang maraming kalalakihan mamaya ang aaligid dito at hindi siya papayag doon napapailing nalang siya naging possessive agad siya dito hindi talaga niya maintindihan ang sarili basta yun ang gusto niyang gawin bantayan ito.
"Baba na tayo kasi nag text na si tita bakit wala padaw tayo" sabi ni Marcus sa kanila. lumapit siya agad kay avianna.
"Let's go" sabi niya at inalok ang kamay niya dito tinigan lang siya nito naka simangot patay mataray ata ito aniya sa isip pero wala siyang pakialam.
"Kaya kong lumakad mag isa kaya hindi mo na ako kaylangan pang alalayan at hindi na ako bata para alalayan mong lumakad" sabi nito at nag patiuna na itong lumakad animoy sasabak sa pageant, napanganga naman siyang sinundan ito ng tingin.
"Aba ang taray ni girl pasalamat siya meron matiyagang prince charming ang nag sundo sa kaniya dito" sabi nong gay habang naka hulikpkip ito naka tingin kay avianna patungo sa elevator.
"Bro good luck sayo mukhang mainit ang dugo ni avianna sayo ah" kaya suyo suyo din pag may time natatawang sabi ni marcus sa kaniya ngumisi lang siya at dali daling sinundan ito..
Avianna pov.
Hindi makapaniwala si avianna na nag kita sila ulit nung lalaking nabunggo niya sa mall at kaibigan ata ito ni marcus hindi kasi ni marcus napakilala ito pero parang kamukha ng tito Zeus niya parang mag kapatid nga ang mga ito hindi kaya ito ang anak nila tito Zeus at tita veronica niya? tanong niya sa isip habang nag hihintay sa pag bukas ng elevator napalingon siya ng marinig ang mga tunog ng nag lalakad papalapit sa kaniya. Napakapa siya sa kaniyang dibdib kasi itong peste niyang puso kanina pa naging abnormal nung napag buksan niya sila marcus kasama yung lalaking istranghero ang guwapo niya talaga sa soot nitong dark red tuxedo dumoble ang kaguwapuhan nito ngayon at matangkad na lalaki pala ito ngayon lang niya napansin kasi nung nakita niya ito sa mall nakayuko ito kaya hindi niya alam kung matangkad ba ito o hindi ngayon lang. habang palapit ito ng palit sa kinatayuan niya lalong bumibilis ang t***k ng puso niya. At nang tuloyan na itong nasa harap niya nag tama ang kanilang mga mata animoy nag uusap ng mata sa mata kaya binawi niya agad ang kaniyang tingin at pinidot ulit ang elevator ang tagal bumukas naiinip na siya lalo na kasama niya ang lalaking ito iba kasi ang pakiramadam niya pag katabi niya ito.
"I can't believe we meet again" sabi nito inirapan lang niya ito.
"At Hindi rin ako makapaniwala na makikita ko ulit yang pag mumukha mo" mataray niyang sagot dito. ngumisi lang ito sa kaniya.
"So kayo pala ay nag kita na noon pa? singit ng ate edlyn niya palipat lipat ang tingin niya sa amin nitong istranghero.
"Yes' first we meet in the mall of asia" sagot nito kay edlyn.
"Talaga bakit hindi namin alam yun beshie kaya kaba nalingat sa amin sa mall na akala namin nawawala kana kasi meron kana palang kadate sa mall" nag lalakihang mata ni wendy na nag tatanong sa kaniya inikotan lang ito ng mata.
"First of all hindi ako nakipag date sa istranghero na yan humarang kasi sa likod ko pag lingon ko nabunggo ko siya muktik pa nga ako mahilo ng tumama itong noo ko mala bakal niyang balikat eh" deretsong paliwanag niya.
"Kaya pala namumula yan noo mo nung doon tayo sa mall dahil naka bangga ka ng prince charming mo tadhana nga naman" sabi naman ni pol kaya binatukan niya naman ito.
"Arayy susubra kana talaga amasona ka papatulan na talaga kita ang hilig mo mambatok" naka busangot na mukha ni pol habang hinihimas ang ulo nito.
"Kasalanan ng lalaking yan haharang harang eh" giit pa niya.
"It's not my fault" tanggi naman nitong lalaking istranghero. bumukas na yung elevator kaya pumasok na sila at si Marcus na ang pumindot sa buton nito papunta sa ground floor kasi doon gaganapin ang party.
"It's your fault, because you know someone is standing there, you still stand behind my back" mataray parin niyang sagot. nakatitig lang ito sa kaniya parang natutuwa pa sa pinag sasabi at pag tataray dito.
"Okay then why did you leave me there without even talking to me"? sagot naman nito batukan ko rin kaya ito aniya sa isip, ang mga kasama nila nakatingin lang kanila habang nag tatalo.
"Heller i talked to you but your dream has come a long away so i just left you" giit parin niya narinig niyang bumundong hininga ito.
"Okay this not the right time to talk about that" sagot nito irirapan niya ito at tumabi kay pol.
"Bakit ang taray taray mo kay fafa pogi girl huh" bulong ni pol sa kaniya.
"Gusto ko lang" tipid niyang sagot. huminto na yung elevator at automatic itong bumukas' lumapit agad sa kaniya yung lalaking istranghero at bumulong sa kaniya.
"You're just stay by my side because you're my date tonight" bulong nito sa kaniya nag sitayuan naman ang mga balahibo niya ng tumama ang mainit nitong hininga sa bandang tainga niya para siyang nakikiliti at ang bango nito, gusto niyang batukan ang sarili sa kakaibang nararamdaman niya ngayon.
"Baby humawak kana sa kamay ko kasi tayo nalang ang nandito sa loob ng elevator" sabi naman nito kaya wala sariling napahawak siya agad dito, lang hiya iniwanan na pala sila ng mga kasamahan.
*****