“HEY!” reklamo ni Fabielle nang sandamakmak na tubig ang tumilamsik sa kanya nang walang sabi- sabing tumalon si Josh sa waterfall lake sa paanan ng bomod-ok falls. Nasa gilid pa naman siya at nakaupo sa isang bato habang nakasawsaw ang paa sa malamig na tubig niyon. Si Josh ang naghila sa kanya malapit sa tubig ngunit hindi siya nagpapilit na lumusong sa tubig nang subukan niya ang temperature niyon. Habang ang taas ng araw sa langit at nanunuot sa balat ang init niyon, siya naming lamig ng tubig na nagmumula sa talon. Kaya naman nagkasya na lamang siya sa pag-upo sa gilid ng waterfall lake. “Just get in! The water is really nice.” Bulalas ni Josh nang lumitaw ito di mula sa pagkakalublob sa tubig. Pinadaan din nito ang mga daliri sa bu

