HINDI na alam ni Josh kung gaano na siya katagal na nakapikit kahit hindi naman tulog. Pinapakiramdaman ang babaeng nasa tabi niya. Hindi niya alam kung bakit ngunit ayaw niyang mahuli siya ng babae na sinusulyapan ito. But that was what he was dreading to do since the very first time he saw her. Ang pagmasdan ang mukha nito.
Pagkatapos ng ilan pang minuto ay hindi na nakatiis pa si Josh. Iminulat niya ang mga mata at hindi napigilang sulyapan ang babaeng katabi. Nakapikit ang mga mata nito. Banayad ang paghinga nito habang yakap ang may kalakihang travelling bag nito tanda na nahihimbing na ito.
Good. Nasabi niya sa isip. Malaya na siya ngayong pagmasdan ito. At hindi pa man nagtatagal sa ginagawa ay isang ngiti na ang sumilay sa mga labi. Muling bumalik sa alaala ang unang beses na nakita niya ito. It was weird yet funny in a cute sort of way. At para bang tumatak na iyon sa isipan niya kasama na rin ang mukha nito. He can’t seem to forget her face even though the last time she saw her was nearly 2 weeks ago. And she can’t seem to remember him. But he was not hurt. Naiintindihan niya ito. Isa pa, nasa tabi naman niya ito kaya wala na siyang karapatang magreklamo pa.
Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya nang magsimulang gumalaw ang ulo nito kasabay ng paggalaw ng sasakyan. Mukhang malalim na nga ang tulog nito dahil hindi na nito nakokontrol ang paggalaw ng sarili nitong ulo. Napapailing siya bagaman nakangiti pa rin. Even this silly sight appears to be a cute one when she was concerned.
Maya maya pa ay bahagyang nalubak ang sasakyan dahilan upang bumaling ang ulo ng nahihimbing na dalaga sa salaming bintana. Ngunit bago tuluyang tumama ang ulo ng dalaga sa salaming bintana ay natagpuan niya ang sariling sinasalo iyon gamit ang kaliwang palad.
Bahagya niyang sinilip ang mukha ng dalaga habang sapo pa rin ang ulo nito at nakadikit na ang likod ng kanyang palad sa malamig na salamin. Banayad pa din ang paghinga nito at parang hindi naramdaman ang nangyari. Napabuntong-hininga siya.
Gusto niyang matawa. Pati ang hindi nito pagkakaumpog sa bintana ay ikinapapanatag na ngayon ng loob niya. Parang napakababaw na niya. Gayunpaman ay lalo siyang napangiti. This girl was making him feel and do things he has never done before. But it was very welcoming.
At hindi na niya inalintana pa ang maaaring isipin ng iba pang kasakay nila sa sasakyang iyon. Dahan-dahan niyang idinantay ang ulo ng nahihimbing na dalaga sa balikat niya. That way he was sure she won’t be hitting her head anytime soon. Pagkatapos niyon ay binawi niya ang kamay at saka humalukipkip. Ipinikit niya ang mga mata. Ngayon niya naramdaman ang antok. At hindi na niya pinoproblema pa ang pangangalay dahil hindi niya magawang maidiretso ang mga paa. Weird. But he would gladly stay this way if it means being with this girl. Sa isiping iyon ay lihim na napangiti siya.
FABIELLE really felt comfortable. Na para lang siyang nasa sariling kama. At dahil doon ay lalo pa niyang ipinagsiksikan ang ulo niya sa unan niya. Her pillow that smells so good and so manly…
Wait.. MANLY?!
Awtomatikong bumukas ang mga mata niya at pinakiramdaman ang sarili. Nasisiguro niyang wala siya sa sariling kama. She was in a sitting position and she was leaning on something. Bahagyang umaangat at bumaba ang dinadantayan niya. Okay, correction. She was leaning on someone!
Mabilis na inayos niya ang pag-upo ngunit dahil sa pagmamadali ay tumama ang ulo niya sa panga ng kinasasandalan niya.
“Aw.” Reklamo niya. It felt like bumping to a rock.
“You okay?” agad na lumipad ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig. And again she came face to face with the most handsome man she had ever met. Partida pang nagkukusot pa ito ng mata tanda nang kakagising lamang nito at malamang na dahil sa kanya.
‘Ke gwapo naman palang bato nito! Komento ng isip niya.
“I…uhm… what?” wala sa huwisyong tanong niya. Bakit ba sa tuwing titingnan niya ang mukha ng lalaki ay pumapalya ang takbo ng isip niya?
Sa halip na sumagot ay umangat ang kamay ng lalaki at sa gulat niya ay lumapat sa ulo niya at dumikit pa sa kamay niyang hinihimas din ang nasaktang parte niyon.
“Masakit ba?” walang anumang sabi nito habang nakikihimas na sa ulo niya. Napalunok naman siya. Sa ginawa kasi nito ay lumiit ang pagitan ng mga mukha nila. Hindi man ito nakatingin sa kanya ay nararamdaman naman niya ang hininga nito sa mukha niya. At ni hindi niya mailayo ang tingin sa perpektong mga labi nito!
Not safe!
“I-I’m fine.” Nabubulol na sabi niya saka hinawakan ang kamay nito para palisin iyon. Ngunit hindi niya inasahan na muling makakaramdam ng kung anong kuryente sa pagdaiti ng kamay niya sa kamay nito. Napasinghap siya.
“I don’t think so.” Sabi nito na waring mali ang naging pagkakaintindi sa pagsinghap niya.
“N-no. No. I’m fine, really.” Sabi niya at kahit naiilang pa rin ay nagawang tanggalin ang kamay nito mula sa ulo niya. Sa ginawa naman niya ay tuluyan nang bumaling ang tingin nito sa mukha niya. Pinigilan niya ang muling mapasinghap. Bakit ba ganito ang epekto nito sa kanya samantalang ni pangalan nga nito ay hindi niya alam? “S-sorry.” Ang tangi na lamang nasabi niya maya maya.
“For what?” bahagyang kumunot ang noo nito.
“F-for leaning on you. Medyo napagod lang kasi ako.” Palusot na lamang niya. And your shoulder is really comfortable. Dugtong ng isang bahagi ng isip niya na hindi na niya isinatinig pa. Weird na ngang nakikisandal siya sa balikat nito, dadagdagan pa ba niya?
And speaking of ‘pagsandal’, agad na napabaling ang tingin ni Fabielle sa bintana ng sasakyan kung saan pumapasok na ang maliwanag na sinag ng araw. Napanganga siya. Alas-nuwebe ng gabi nang magsimulang bumyahe ang sinasakyan nila at lumitaw na ang haring araw ngayon. Kung ganoon, gaano siya katagal na nakasandal sa lalaki?
“It’s fine. It was not even uncomfortable.” narinig niyang sabi ng lalaki sa tabi niya dahilan upang muli niya itong lingunin. “Hi, I’m Josh.”
Mali yata ang ginawa niya, dahil sa paglingon niyang muli rito ay ang nakangiting mukha na ng lalaki ang nabungaran niya. At kung kanina ay hindi na siya mapakali, ngayon naman ay nakikisabay na ang mabilis na t***k ng puso niya. He was handsome, of course, but God, he was way more gorgeous when smiling. And he was even smiling directly at her. Halleluja!