aking munting anghel

1014 Words
Ako si Marisa ako ay nasa labing anim na taong gulang pa lamang ng mawala na saamin ang aming ama...Masakit man na mas pinili pa niya ang kabet niya kesa saamin na pamilya niya ay wala kaming magawa kundi ang umiyak na lamang. Simula ng mawala ang aking ama ay nag bago ang lahat...lasinggera na ang aking ina at ako na ang nag hahanap buhay para sa aking pamilya...Di dapat ako mapunta sa ganitong posisyon ng pamilya pero wala akong magawa dahil nandito na ako. "O Marisa pautang naman ng pera jan babayaran ko lang pag nanalo ako sa sugal"sambit ng nanay ko habang nilalahad ang kaniyang mga palad saakin "e...nay wala napo akong pera ehh ang pera ko nalang po rito eh yong pambayad natin sa tubig at kuryente"sambit ko "o tapos problema ko ba yan ha hindi ko na yan problema ikaw ang mag poproblema niyan hindi ako!"sigaw nito saakin habang sinisigahan niya ako ng mata "ehh nay mag-aaral pa po ako ehh"sabat ko pa "huh at nangangarap ka talaga ano...umaasa kapa na makakapasa ka sa pag-aaral mo! akin na ang pera at umalis kana at mag hanap ka ng paraan para mag kapera ulit maliwanag ba!"sigaw nito sabay hablot ng bag ko at kinuha ang mga pera na dapat ay pambayad ng kuryente at tubig. Nang makuha niya na ang pera ay agad naman siyang umalis at dala dala na niya ang pera...Umiyak nalang ako dahil di ko alam ang gagawin ko sa aking ina... pumunta na ako sa aking trabaho at pinag hirapan ko talaga para lang maka pera ako kahit papaano...Para lang may mapakain ako sa aking mga kapatid. "Marisa"tawag saakin ng amo ko "bakit po maam?"tanong ko "Marisa aalis lang ako ha at ang mag babantay ay ang anak kong si Joel ok"sambit nito kaya naman ay tumango na lamang ako habang ako ay nag lilinis ng mga lamesa ay napapansin kong panay tingin si Sir Joel saakin,di ko alam bakit pero kinikilabutan ako sa mga tingin niya at hanggang sa... "hi Marisa"bati niya "h-hello po sir"bati ko rin pabalik "dont call me sir just call me Joel"sambit nito "ok Joel"tanging sambit ko na lamang nag kwento siya about sa buhay niya na mahirap lang talaga sila noon...akala ko nong una ay manyakis pero di pala nag kamali pala ako dahil ang bait niya...masaya kaming nag kukwentohan at simula noon ay lagi na kaming mag kasama at niligawan na niya ako at ipinakilala niya na ako sa papa niya at sinabi na niya sa mama niya na nililigawan niya na ako. "nako masaya ako para sa inyo Marisa at my lovely son "masayang sambit nito saamin "salamat po maam at tinanggap niyo po ako"masayang sambit ko rin kasi ang akala ko di ako matatanggap ni maam dahil isa lamang akong dukha "nah Marisa tatanggapin kita dahil napaka bait mo at maganda ka hindi ako pumipili sa mamahalin ng aking anak"sabi pa nito saakin na mas lalong ikinatuwa ko tumagal ng isang taong panliligaw ni Joel ay sa wakas at sinagot ko siya...napaka sarap lang sa pakiramdam na minahal ako ng isang taong tanggap ako kung sino ako..pero di ko pa iyon sinasabi kay nanay dahio alam kong peperahan niya lang si Joel nakakahiya lang. nag tagal pa kami ng ilang buwan at umabot ng taon ay ganon parin ang aming pag sasama at pagmamahalan sa isat-isa "baby"tawag nito sakin "bakit baby?"tanong ko "pwede kabang sumama saakin sa bar nandon kasi mga kasama ko pwede kabang sumama sakin kahit ngayon lang?"sambit nito kaya walang paligoy ligoy pa kaya sumama na ako pag dating namin sa bar naabutan namin doon ang mga kasama niya na nag iinoman at nag kakasiyahan kaya naupo na kami saka sinimulan na nila ang pag inom at hanggang sa inaya na nila akong uminom "ahh hini ako umiinom ehh"pag tatanggi ko "sige na baby kahit ngayon lang"sambit ni Joel "oo naman miss ngayon lang talaga"sambit pa ng isa kaya wala akong nagawa kundi ang uminom ng uminom hanggang sa nakaramdam nako ng pag kahilo at maya maya pa lamang ay binuhat na ako ni Joel papunta sa kotse niya at pinunta sa isang hotel at doon ay di ko na alam ang nangyayari dahil nawalan nako ng malay. kinabukasan pagkagising ko na lamang ay nakita ko ang aking sarili na naka hubot hubad at pag tingin ko sa kumot ang mga dugo at ramdan ko ang sakit ng aking katawan...hinanap ko si Joel pero wala na ito naligo ako at hinugasan ko ng mabuti ang katawan ko umiiyak dahil napaka dumi kong babae hinayaan ko siyang halayin ako ng ganito.. "Ahhhh!!! Bakit...bakit mo ginawa sakin to"sambit ko habang umiiyak sa loob ng banyo makalipas ang ilanng buwan pero walang Joel ang nagparamdam at nalaman ko nalang na buntis ako..Hinanap ko siya pero di ko siya mahanap at di narin alam ng mama niya kung nasaan siya...nang malaman ni mama na buntis ako ay agad niya akong pinalayas at lumapit ako sa amo ko na kung pwede ay don nako matulog sa pinag tatrabahuan ko pero di niya ako pinatulog doon at pinatira na niya ako sa bahay niya dahil apo niya rin naman daw ang dinadala ko... "Marisa alagaan mo ang sarili mo ha para sa magiging apo ko"ngiting saad niya habang hinahawakan ang maumbok kong tiyan "Opo boss"sambit ko at bigla siyang napatingin sakin "Mama nalang ang itawag mo saakin dahil anak narin kita ok ba"mahinahon niyang sabi kaya napatango na lamang ako simula noon ay gumanda ang buhay ko pero sa masamang kapalaran ay namatay ako habang isinisilang ko ang aking munting anghel...Bago ako mawalan ng buhay ay narinig ko muna ang iyak ng aking anak,at doon nawakasan ang aking buhay Masaya ako dahil ligtas siya pero malungkot ako dahil maaga akong nawala sa piling niya. Wakas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD