Chapter 40 "Miss—," nakita kong paparating na sa kinaroroonan ko ang manager ko kaya kumaway ako na diyan lang siya at ako na ang lalapit sa kaniya. Sumilip pa ako sa kanila ni Nate kaso parang nag-uusap na sila dahil nakita kong nakayuko na si Nate nito. Nakatalikod si Nate sa kinatatayuan ko at medyo natakpan naman si Charlotte dahil sa kalakihan ni Nate. I blinked twice bago huminga ng malalim. What if may something sila? Wala naman akong dapat gagawin diba? I'm just a nobody for him. Kahit masakit. Tinakbo ko na palabas pero bago pa ako makalabas sa building ay nahuli ko pang nakatingin sa akin si Charlotte at bigla itong yinakap si Nate habang nakatingin sa akin. Biglang kumalabog ang puso ko. Parang tumigil ang oras at yung imahe na nakayakap silang dalawa habang nakatingi

