Chapter 15 "Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Matalim na titig ang ipinukol sa'kin ni ate Gabriela sa loob ng gym sa campus. Walang tao dito kundi kami lang tatlo at ang mga basketball players na nagpapractice sa court at ang tanging ingay lang nang sapatos ang naririnig dito sa loob ng gym. I raised my brows at ngumuso. "Anong hindi ko sinabi?" pagmaang-maangan ko kay ate. Nakita ko ang pag-irap ng dalawa at tinignan ako ng masama. Nakakatakot naman si ate, parang mangangain ng tao! "Back there? Yung sinabi ni Nathan? Colleagues of singing industry?" daming tanong ang ibinato sa'kin ni ate Gabriela. Napabuntong-hininga ako at ngumiti ng hilaw. I guess sasabihin ko na ang lahat? "Sabihin mo na, Diana." sabi ni Kyla sa tabi at tumawa ng mapakla na parang nahi

