Chapter 17 "Bakit mo ba ako sinundo Nate?" takang tanong ko habang papasok sa kotse niya na nakaparada lang sa labas ng bahay. Sobrang maulan ngayon, plano ko sana na doon na ako matutulog sakanila ate Gabriela. "Hindi ko alam, kaya pumasok kana sa loob!" busangot ang mukha nito habang tinignan ako. I felt goosebumps sa leeg ko habang nakatingin sa mata niya. Nakakatakot, parang mangangain ng buhay. Mas matatakot yata ako ng sobra kapag cannibalism tong kasama ko ngayon. "Don't worry, hindi kita kakainin. Pwe! Ang pangit mo, may taste ako." aniya at pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan na para bang nabasa niya ang nasa utak ko. Napairap ako sa ere. Ang sungit! Pumasok kami sa loob ng sasakyan niya at sobrang tahimik. Gusto ko sanang magsalita para maibsan

