Chapter 28 Habang naghihintay ako sa labas ng university ay nakita ko ang isang van na pumarada sa harapan ko. Binuksan nito ang bintana at nakita ko sa sir Harold na nakangiti sa akin. "Ihahatid na kita, Diana." Alok nito sa akin. Ngumiti ako at iniwagayway ang aking kamay. "Huwag na po, sir! Maraming salamat po." Pagtatanggi ko. Nagulat nalang ako ng bumukas ang pintuan ng van at nakita ko ang napakagwapong mukha ni Nate wearing his annoying expression. Nakasuot ito ng uniform namin pero sa first subject lang pumasok dahil sa daming gawain. Makakaya kaya niya ang school at ang pagiging artist niya? "Pumasok ka na nga, bata." Bagot na sabi nito sa akin na parang naiinis. "Wow! Parang galit ka sa akin ah?" Sabi ko pagkapasok ng van. Umisod naman ito para makaupo ako sa kaniyang

