Chapter 67 "Actually I came here to say sorry to you, and to your mother." Sabi ni dad sa akin. Nandito kami ngayon sa isang restaurant, kami lang dalawa dito. Dinala ako ni dad dito para makapag-usap kami ng masinsinan pagkatapos nangyari sa amin kahapon ni lolo. I need to know everything. "Your lolo forced me to leave this country. Malaki ang kasalanan ko sa inyo dahil hindi ko kayo kayang pinaglaban." He said while looking at his drinks intently na hindi niya pa nagalaw kanina pa. "Why?" I asked curiously pero parang nasaktan na ako sa bawat kwento niya. "Your lolo is really against us. Against me. Ayaw niya sa pagiging musician ko, dahil hindi ko kayo mabubuhay dahil lang sa pag gawa ko ng musika." He looked at me and smiled sadly. "Ginawa ko ang lahat para ipakita sa lolo m

