Chapter 36 "Saan mo gusto kumain?" Tanong nito sa akin habang naglilibot sa mall. Napatingin ako sa kaniya at sa mga dala kong paper bags. "Really? Kakatapos lang natin kumain, kakain na naman tayo?" I sounded confused. Lahat nalang yata ng department store ay napasukan namin, wala naman siyang napili para sa kaniya at halos lahat ng binili namin ay para sa akin. Clothes, tops, shoes, sandals, make-up. At lahat ng iyan ay galing sa kaniya. Siya lahat ang bumili pero ako ito ngayon nahihirapan sa mga dala sa sobrang dami ng paper bags. Pero kada tapos naming mamili ng gamit ko, papasok na naman kami sa restaurant para kumain. Pagkatapos mamimili na naman, tapos kakain na naman. Sumasakit ma tiyan ko dahil sa sobrang busog at agad lalakad. Saan kaya napupunta ang pagkain ng lalaking 'to

