Nagising nalang ako ngayong umaga at tila hinahalukay yung tyan ko kaya naman mabilis ako nagpunta sa lababo at doon dumuwal. Kanina pa ako suka ng suka sa hindi ko malamang dahilan, nanghihinang bumalik ako sa kama. Ano bang nangyayari sakin? Nabaling ang atensyon ko sa tumutunog kong cellphone at doon ko nakita ang unknown number na caller. Hindi ko ito sinagot sa pag-aakalang scammer lang ito. Ngunit hindi ito tumigil sa kaka-ring kahit ilang beses ko ng pinatay kaya napagdesisyunan ko ng sagutin. "Hello?" sabi ko sa kabilang linya pero walang sumasagot. Sabi na scammer to eh! "Hello? kung dimo sasagutin ibaba ko—" "Shania.." yun lang ang sabi nito sa kabilang linya pero alam na alam ko kung sino ito. "G-grae?" "Yes it's me my wife." Wife. may hindi ako mapaliwanag na nara

