"Pinadala ko na kay Grae ang annulment papers na pinirmahan mo kanina." sabi sakin ni Daddy habang nasa living room. Hindi ako umimik at tumango na lamang. Hanggang ngayon ay masakit parin para sakin ang isiping maghihiwalay na kami. Akala ko kasi may pag-asa pa talaga samin, may pag-asa pang mahalin niya ako pero lahat ng iyon akala lang pala. "Doon po muna ako sa kwarto ko Dad." matamlay na sabi ko, hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Dad at naglakad na papunta sa kwarto ko. Pagpasok ko ng kwarto ay doon nanaman nag-unahang lumabas ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan at natawa ng mapakla. Pesteng buhay naman 'to, walang araw na hindi ako umiiyak dahil sakanya. ~•~ "What the hell! anong pumapasok sa kokote ni Grae at ayaw pirmahan ang annulmen

