SPG! SPG! Sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay may narinig akong tila nabasag kaya naman agad akong pumunta para tignan iyon. Nakita ko sa sala si Grae habang may basag na bote sa tabi niya. Naglasing ba siya? Agad ko siyang nilapitan para icheck kung may sugat ba siya o wala at sa kabutihang palad ay wala naman. Tinapik-tapik ko ito sa kanyang mukha para magising dahil mukhang nakaidlip. "Grae gising...doon ka na sa taas matulog." Inalalayan ko siyang tumayo na buti naman ay nagawa ko at pilit siyang inalalayan kahit mabigat. Sa kabutihang palad ay nakarating kami ng ligtas sa kama niya,pinahiga ko siya doon at kumuha ako ng damit sa cabinet niya dahil sobrang basa na ng damit niya. "Grae taas mo yung kamay mo." sabi ko dito pero hindi naman ito sumunod kaya kahit mahirap ay nagawa

