Maaga akong nagising para magluto ng almusal namin ni Grae kahit na alam ko namang hindi niya kakainin, umaasa parin kasi ako na baka isang araw magbago ang ihip ng hangin at kumain siya kasabay ko..na baka pag nangyari yon ay magbago ang turing niya sa akin. Sinimulan ko ng ihain sa lamesa ang mga pagkain at may narinig akong kalampag at doon ko nga nakita si Grae na hinila ang upuan para umupo sa lamesa. May kung anong saya sa dibdib ko ng nakita ko siyang nakaupo doon at nagsimulang magsalok ng kanin sa kanyang pinggan, agad naman akong kumuha ng ulam at inalok siya. "Grae itong adobo gusto mo ba? sasalukan kita." sabi ko habang nakangiti pero nakita ko lamang siyang nakatingin sa akin habang walang ekspresyon ay nanghinang ibababa ko na sana ang mangkok ngunit agad siyang nagsalita

