SUMAPIT na ang gabi at napatulog kona ang anak ko dahil napagod sa kakalaro kaya naman madali lang itong nakatulog. Andito ako ngayon sa sala at inaantay si Grae dahil kailangan kong linawan ang lahat ng katanungan na nasa isip ko. May inis akong nararamdaman pero hindi ako galit, may relief din akong naramdaman kahit papaano dahil sa nalaman kong hindi pala talaga kami hiwalay, ewan ko sa sarili ko nababaliw na ata ako. Ilang minuto lang ay narinig kona ang kotse ni Grae na pumasok sa garahe kaya naman ay agad akong nagayos ng upo. "Baby? where are you?" rinig kong tanong ni Grae hindi ko sya sinagot at rinig ko ang mga yapak nya na papalapit na sa sala. Nakita ko sya at nginitian nya ako ngunit nanatiling naka poker face ako sakanya. "Hey baby I'm home, did you miss me?" sabi nya m

