P A R T E L E V E N

1809 Words
______________ •Elaine's POV• Pinunasan ko ang luhang pumatak sa gilid ng mata nya. Ngumiti sya sa kin kaya napangiti ako pabalik. Okey okey, simple lang naman ang salitang okey e. Hinaplos ko yung pisngi nya shempre, nakakaawa rin kasi... pinapahirapan ko na sya e ang dali dali lang naman ng salitang OKAY PINAPATAWAD NA KITA. Pero kasi..... ang hirap e. I mean, paano ko sasabihin? Hinahaplos ko pa rin yung pisngi nya nang bigla nyang hinawakan nya yung kamay ko. At ipatong to sa dibdib nya. Nakaramdam ako ng kaba, shempre naaalala kong nangyari na to e. Nangyari na to dati. Parang gusto kong tumakbo nalang at iwanan sya. Pero gaya ng sabi ko, haharapin ko na ang katotohanan. Napakagat labi ako ng ilagay nya ang kamay nya sa pisngi ko. Hinaplos nya yung pisngi ko kasabay non yung pagpikit ng mga mata ko. Bigla nalang tumulo yung luha ko. Gusto na nung kumawala kanina pa, pinipigilan ko lang pero ngayon, tuluyan nang bumagsak. Patuloy pa rin sya sa pag haplos sa pisngi ko kaya hindi ko na napigilang hawakan ang kamay nya at pakiramdaman to. Bumagsak na din ang mga luha nya. Sa mga oras na ito, pareho na kaming umiiyak. “I'm sorry Elaine....” nakangiting sabi nya sa kin habang hinahaplos pa rin yung pisngi ko. Sana lang talaga, hindi ko pagsisihan to. Tumango lang ako. Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi at saka pumikit. “I already forgive you, Jericho,” ang sabi ko kasabay ng pagmulat ko ng mata. Nakita kong ngumiti sya at mas lalong hinaplos ang pisngi ko. “..... at matagal ko nang kinalimutan ang lahat lahat ng nangyari. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko sayo Jericho. Mahal pa rin kita kahit nasaktan ako. Minamahal pa rin kita kasi mahal mo ko!” Dugtong ko pa. Napangiti nalang ako nang tuluyan ko nang mailabas ang nararamdaman ko. Kung sana nandito si Sunday. Malamang nahimatay na yun sa sobrang kilig dahil sa nakikita nya. Salamat nalang talaga at wala sya. “Thank you Elaine.” Sabi ni Jericho. Kinuha nya pa yung isa kong kamay at ipinatong rin sa dibdib nya. Kinakabahan ako, saka parang naririnig ko yung heart beat sa puso ko. Sabi nya..... *Dug *Dug *Dug *Dug *Dug *Dug Tapos nararamdaman ko ring bumibilis ang t***k ng puso ni Jericho. Unti-unting inilalapit ni Jericho ang mukha nya sa kin. At dahan dahan naglapat ang mga labi naming dalawa. Na-miss ko to, i mean.. na-miss ko si Jericho. Aaminin ko na nga, na-miss ko ang halik nya. Miss ko na ang lahat lahat sa kanya. Mas lumalim ang halik na ginagawa namin. May kung ano sa pagkatao ko ang gustong patigilin kami. Kaya kumalas ako sa pagkakahalik nya sa kin. Hindi na ko pinilit pa ni Jericho na makipag halikan ulit. Bagkus, niyakap nya nalang ako ng napakahigpit. Maayos na kaming dalawa. Mabubuo na muli ang love storing naudlot samin. Sana lang talaga, hindi ko pagsisihan to at sa tingin ko hindi ako magsisising pinatawad ko sya. Deserve naman nya yung second chance ko di ba? Habang nakapatong yung ulo ko sa balikat nya. Parang ang saya saya. I mean, ang sarap sa pakiramdam na nagpatawad ka! Ganito pala yung pakiramdam kapag nagpapatawad ka, magaan sa loob at masarap sa pakiramdam. Parang gumaan yung nararamdaman kong sakit na bitbit ko ng limang taon. Kung sana napatawad ko sya ng maaga, sana matagal na kaming ayos ngayon. Pero di bale, atleast ayos na kami ngayon at nasabi ko na ang matagal ko ng tinatago tago. Buhat buhat pa rin ako ni Jericho nung pauwi kami sa bahay. Nandun pa rin naman si Sunday. Hindi aalis yun kapag wala ako. Binaba ako ni Jericho at kumatok sya sa pinto. Pagbukas ni Sunday ng pinto. Napalaki pa yung mga mata nya. Hindi yata aware sa nakikita nya. Okey, magkasama kami. “Elaine, anong nangyari sayo bakit parang nabugbog ka yata?” nag-aalalang sabi ni Sunday. Pinapasok na muna nya kami at isinara yung pinto. ****** Grabe naman to mag-ano si Sunday. Parang may galit sa mundo. Ang diin ng pag dampi nya ng icebag sa mukha ko. Ang sakit kaya.. “Arayyyy!” Inda ko. Ang sakit naman kasi. Binatukan ba naman ako. Walang yah tong babaeng to! Sya na tong nakakasakit, mananakit pa! “Ikaw kasi! Di ba sinabihan na kitang mag ingat ka? Yan ang napapala ng matigas ang ulo!” Panenermon nya sa kin. Ay wow, parang kasalanan ko pa... Okey kasalanan ko talaga. “Oo na nga di ba, di ba? Sorry naman. Akala ko kasi ano e.... scammer pala!” Ang sabi ko. Dinadampi-dampian nya pa rin ng icebag yung mukha ko. Medyo napadiin kaya napaaray ako ng very loud! Hulaan ko talaga may galit to sa mundo! “Sa susunod mag-iingat ka na talaga. Kundi naku naku naku.... mawawalan ako ng kaibigan.” Sabi nya kasabay mg paghampas sa balikat ko. “Aray naman aba, nakakailan ka na!” Ang sabi ko. Tumawa lang sya saka nagsalita ulit. “Pasalamat nalang talaga at sinundan ka nitong si Jericho....” putol nya sabay tingin kay Jericho at sa kin. Ngumiti pa yung gaga. “...... kundi, hindi na ko magiging ninang!” Natatawang sabi nya. Hinampas ko sya sa kamay. Ayan, deserve. Ninang ba naman walang yah talaga tong si Sunday. Pero oo nga noh. Pano ako nasundan ni Jericho? Parang ang bilis kasi ng mga nangyari. “Pano nga pala nalaman ni Jericho kung nasan ako?” tanong ko. Tumigil na rin si Sunday sa pagdampi ng icebag sa mukha ko. Ibinaba nya yun sa lamesang nasa harapan nya. “Sinabi ko. Kasi kanina, aakyat sana ng ligaw sayo. Eh sabi ko umalis. Tapos nagtanong kung saan ka nagpunta edi sinabi ko yung sinabi mong location. Pasalamat ka dito kay Jericho sinundan ka nya, kundi muntik ka nang mategi!” Sabi ni Sunday habang naka-smirk. Parang t@nga lang talaga? “Oo nga kaya nga sabi ko salamat e!” Ang sabi ko sabay tingin kay Jericho at ngumiti. Biglang ngumiti si Sunday sa kin at pinaghahampas ako sa tuhod. “Hoy hoy Elaine! Baka may hindi ako alam ahh, hindi nyo sinasabi sa kin. Baka may something ano na sa inyong dalawa....” sabi ni Sunday na ikinangiti ko ng todo. Lumingon pa ko kay Jericho at ngumiti. “...... may pag-asa na ba?” bulong na tanong ni Sunday. Kahit kelan, napaka chismosa nito. Tumango lang ako at ngumiti. May chance na ulit shempre, second chance kuno. Wala namang masamang magkabalikan ang mag ex basta ba mahal pa nila yung isa't isa edi comeback..... Biglang nagtatatalon si Sunday. Pinagbabato nya yung mga pillows na nakakalat sa lapag. Ginugulo nya yung bahay ko. Grabe makasigaw tong si Sunday. Ganto talaga to kapag nasobrahan sa kakapanood ng mga ano.... “Walang hiya kayo. Kaya pala ang lapit lapit nyo kanina nung buksan ko yung pinto. May nabuo na naman palang ano... walang yah talaga kayong dalawa. Eto si Elaine, pakipot pa. Ano sinagot mo na?” kinikilig na tanong ni Sunday. Sasampalin ko na to. Ang ingay ingay, nakakabulabog na nang kapitbahay. “Shhh... Sunday ang ingay mo! Mamaya nyan may magising na kapitbahay at pag initan ka, bahala ka sa buhay mo!” Ang sabi ko kaya biglang tumigil sa pagtili si Sunday at naupo sa tabi ko. Nakacross arm naman si Jericho at nakangiti. Nakatingin sa kin na para bang isa akong napakagandang diyosa.. joke lang.. “So ano na nga, sinagot mo na?” tanong ulit ni Sunday. Ano ano nagmamadali lang? Sagot agad pwede bang ligaw muna tapos paabutin ng ilang years? Joke lang ulit. Buwan lang pwede na, gusto ko lang kiligin. Pero mas kikiligin ako kapag sinagot ko na sya. Ay basta ligaw muna. “Hindi pa! Alam mo nagmamadali ka talaga.” Ang sabi ko kasabay ng pagbatok sa kanya. “Arayy sorry naman. Eksayted lang kasi akong maging future ninang ng future baby nyo... aminin, kinilig ka!” Sabi ni Sunday. Parang ewan lang... Umirap ako at ngumiti. “Ewan ko sayo!” “Pwede namang kaming gumawa ng baby kahit nililigawan ko palang sya. Dun, baka maging ninang ka na!” Sabat ni Jericho. Kaya muli na nang nagtatatalon si Sunday sa kilig. Pwede ko na ba tong palayasin? “Jericho?” sarcastic na sabi ko. Tumawa lang sya. Ano ba T_T nakakainis na kayo. Inaasar nyo ko ng walang dahilan (。・_・)/~~~ Ganto kami... (>_<) - Ako \(@ ̄∇ ̄@)/ - Sunday (∩_∩) - Jericho Parang gusto ko nang magwala dito kaso hindi pwede e. Baka mapa baranggay ako ng wala sa oras. Bwiset na dalawa to pinagtutulungan ako. Pinaghahampas ako ni Sunday dahil sa kilig.. grabe na to. Hindi na to dahil lang sa kilig, kabaliwan na talaga to. Inalog alog nya pa ko. “Oyy Elaine. Sabihin mo, may kissing scene?” naka-smirk na tanong nya. Hala sya hindi na nahiya, nagtanong pa talaga. Baka sunod na itanong nito kung may nangyari ba. Wag lang talaga.... sinasabi ko. Hindi ako sumagot at ngumiti lang. Ay bvbv mo self.. kahit slow tong kaibigan mo. Nakakagets yan. Nagets nya yung pag ngiti ko. Biglang tumili si Sunday ng pagka lakas lakas. Tinakpan ko yung bibig nya, ang lakas ng sigaw baka makaistorbo. “Gaga ka talaga, bat ka tumili?” tanong ko. Sinabunutan ko pa sya pero hindi nya ininda yun. Napailing iling nalang si Jericho. Tamo, walang pake. “Sayang!” Panghihinayang ni Sunday. Anong sayang? Sayang kasi nag kiss kami ni Jericho? Ay baka nanghihinayang si Sunday kay Jericho. Siguro may balak tong babaeng to pero sorry ka prend ahja hahaha akin lang sya.. echosss... “Bakit sayang?” takang tanong ko. “Sayang kasi..... sayang hindi ko nakita ahyyyieeeee bat kasi hindi ko nakita e.” Sagot ni Sunday. Pinaghahampas hampas nya pa ko, akala mo bato yung hinahampas. Uyyy di ako manhid noh, slight lang naman na medyo may pagkatotoo hihi. Napairap nalang ako dahil sa sagot nya. Buti nalang talaga at hindi nya nakita.. kundi naku po, mamamatay to ng maaga dahil sa sobrang pagkasabog. Joke lang uyy, sa sobrang pagkakilig lang naman. Days has pass shempre, araw e.... teka, araw e sun sa english tapos day e araw sa tagalog? Binobvbv ba tayo ng eskwelahan? Hahaha joke lang... Ganun pa rin, kahit sweet na ulit kami ni Jericho sa isa't isa e ligawan pa rin. Hindi pwedeng sagot agad no, ano sya sagot agad? Di ako papayag no.. gusto ko munang kiligin araw-araw hehehe. Dadating din naman yung araw na sasagutin ko na sya. Hintay hintay lang, alam kong makakapaghintay naman sya. Nakapaghintay nga sya ng five years sa kin. Ilang buwan pa kaya? ______________ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃ ❃
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD