______________
•Elaine's POV•
Inagaw ko ang kamay ko sa kanya.
“Bye na Jericho uuwi na ako!” Pagpapaalam ko kay Jericho.
Hindi ko sya nilingon, tumayo na ako at akmang aalis na sana ng hilahin nya ang kamay ko at ipatong ito sa dibdib nya. Ramdam ko ang pagtibok ng puso nya.
“Sa akin?” tanong ko sa isipan ko.
Pilit kong inagaw ang mga kamay ko pero hindi ko magawa. Tumingin sya sa akin ng seryoso at ngumiti. Kinabahan ako sa pinapakita nya.
Lumapit ang mukha nya sa akin at hinalikan nya ako. Napapikit nalang ako sa nararamdaman ko. Ramdam ko ang labi ni Jericho. Ramdam kong nakadikit ito sa labi ko. Hinihiling ko na sana panaginip lang ito at magigising rin ako anumang oras. Pero hindi e.
Tinulak ko sya ng marahan kaya napaatras sya. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang mga kamay ko. Biglang umagos ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit.
“Jericho, mali to! Mali yung ginawa mo! Maling mali!” Sabi ko sabay tulak sa kanya.
“Hindi to mali Elaine. I love you! Mahal kita Elaine at hindi yun magbabago!” Sabi nya sabay hila sa akin para maging dahilan na mapayakap ako sa kanya.
Nagpumiglas ako kaya napabitaw sya sa pagkakayakap sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaupo na ako sa sahig.
Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, ayokong tumingin sa kanya. Nakayuko lang ako at ayokong tingnan sya.
“Elaine?”
Hinarap ko sya at dinuro duro. “Hindi, hindi. Oo na, mahal na rin kita. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mahalin ka. Ano masaya ka na? Masaya ka nang masasaktan si Valerie dahil sa ginawa mo? Ano masaya ka nang papaiyakin mo si Valerie dahil sa ginawa mo? Ano? ANO?”
Nanatili akong nakayuko at walang naririnig na sagot kay Jericho.
Bigla nya akong hinawakan sa baba ko at inangat ang mukha ko sa mukha nya na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakangiti ito sa akin.
“I love you, Elaine.” Nakangiting sabi nya kasabay ng paghalik nya sa akin.
Masuyo nya akong tiningnan sa mga mata ko. Nung una, hindi ko mabasa kung anong gusto nyang sabihin pero nang titigan ko sya ng matagal. Saka ko lang naintindihan.
Napaiwas ako ng tingin bago magsalita.
“Mahal rin kita Jericho pero alam kong mali. Maling minahal kita. Kasi alam kong ako lang ang masasaktan sa huli.”
Hinawakan nya ang pisngi ko. Kaya napahawak ako sa kamay nya. Pinakaramdaman ko ang kamay nyang humahaplos sa pisngi ko. Napapikit ako habang ginagawa ko yun.
“Habang hindi pa nangyayari yun, sulitin natin ang mga oras, araw at panahon na magkasama tayo. Piliin mong sumaya.” Ang sabi nya.
“Pero mangyayari. Ako yung masasaktan sa huli. At alam ko yun, kasi mas pipiliin mo si Valerie kesa sa akin diba? Yun naman talaga ang dapat e. Na sya yung piliin mo at ako yung itapon mo.”
“Hindi mangyayari yun.” Ang sabi nya kasabay ng pagyakap nya sa akin. Napayakap ako sa kanya pabalik. Mahigpit na yakap.
Simula ng gabing yun. Ayoko sanang magkaroon ng commitments sa aming dalawa, pero ang panget kasing tingnan kung naghahalikan kami tapos walang label sa amin. Kaya mas pinili ko nalang maging Gf nya. Ay mali, kabit pala.
Maingat kaming magdala ni Jericho. Hindi namin pinapahalatang may relasyon kami. Kahit kay Valerie, sobrang ingat naming pareho. Yung kahit minsang magkasama kami, nagpapalusot nalang kaming may ginawa at pinuntahan. Na nagpatulong ako kay Jericho't lahat lahat na.
Pasalamat nga at hindi kami nahahalata ni Valerie e, ayokong ngayon nya malaman. Alam kong malalaman nya pero sana di pa sa ngayon. Gusto ko pang makasama si Jericho kahit tago ang relasyon naming dalawa.
Kapag magkasama kaming tatlo, kapag tinatanong kung sino sa amin ang Gf nya. Ang sinasabi nya si Valerie. Nagseselos ako at shempre nasasaktan. Masakit yun sa parte ko pero kailangan kong tiisin dahil kabit lang ako.
Kapag magkasama kaming tatlo, nakikita ko kung paano sila maging sweet sa isa't isa. May gustong sabihin ang parte ko na ‘Sana, maganyan mo ako sa publiko pero bawal dahil madaming mata sa palagid’. Pinipili ko nalang na wag silang tingnan.
Kapag kami ni Jericho ang magkasama, mas sweet sya at yun ang gusto ko sa kanya. Masaya na ako kahit ganto lang kami.
*********************
Isang taon na rin kaming magkarelasyon ni Jericho at isang taon na rin naming niloloko si Valerie. Akala ko nga hindi namin matatagalan tong sikretong relasyon namin pero mali pala ako. Nakatagal kami. At yun ang hinihiling ko na sana, sana magtuloy tuloy, tumagal at wag nang matapos pa.
Anniversary namin ngayon ni Jericho. Dinala nya ako sa isang special place. Kung saan may mga special. Special bouquet, special dinner, special music, special theme and etc. Ang saya, sana wag nang matapos pa ang gabing to. Kahit kabit lang ako, pakiramdam ko ako na yung legal.
Inaya nya akong sumayaw kaya nakipagsayaw ako sa kanya. Hinalikan nya ako sa noo at binubulungan ng sorry.
Ha? Sorry para saan?
Bigla syang lumuhod sa harap ko at may kinuha sa bulsa nya. Ang expect ko, magpropropose na sya sa akin. Pero........
______________
•Jericho's POV•
Tumango ako at lumuhod sa harap ni Elaine. Alam ko ng mangyayari to.
“Elaine, will you?” tanong ko kay Elaine.
“Jericho? Yes!” Agarang sagot nya.
Biglang nagblack out ang mga ilaw ng ilang minuto, hinahanap ako ni Elaine. Nang bumukas ang ilaw, bigla syang napaatras.
“Hello ate Elaine?” tanong ni Valerie kay Elaine.
“Ha? Va-Valerie?”
“Yes ate Elaine the kabit ng bf ko!” Nakangiting sabi ni Valerie.
“Je-Jericho. Anong ibig sabihin nito?” naguguluhang tanong ni Elaine.
Umiling ako. “I'm sorry Elaine.”
“Ba-bakit ka nagsosorry?” tanong nya ulit.
Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si Valerie.
“Well, step ate. Ganito kasi yun. Niloko ka ni Jericho hindi ka naman talaga nya mahal, nagpauto ka naman. Actually, NA NAMAN. Ate Elaine, hindi ka pa ba natuto sa nakaraan mo? At talagang lumandi ka pa, talaga sa bf ko? Hahaha ate, hindi ka naman talaga mahal ni Jericho. Pinahulog ka lang namin sa bitag ko. At nagpahulog ka naman. Hahaha si step ate nagpauto, ang sakit naman nun. Diba Jericho hindi mo talaga minahal si ate Elaine?”
Napanod ako. “Oo, hindi ko naman talaga minahal si Elaine. Kasi ikaw lang ang mahal ko. Sorry Elaine kasi niloko kita.” Ang sabi ko.
Nakita kong tumulo ang mga luha ni Elaine. Nakita ko na naman syang umiiyak ulit.
Hindi, wag.
“Hahaha sabi sayo ate eh! Kawawang step Ate nagpauto sa Jericho ko!” Natatawang sabi ni Valerie.
“All this time, niloloko mo pala ako? All this time inuuto mo pala ako? All this time magkasabwat pala kayo? G*go ka Jericho! Akala ko minahal mo ako! Akala ko hindi mo ako sasaktan? Lahat pala ng yun akala ko lang! Ang saya, ang saya saya. Yehey!” Umiiyak na sabi ni Elaine.
“Sorry ka step ate. Uto uto ka kasi e. Hahaha.”
Please tumigil ka na Elaine. Ayokong umiiyak ka.
“Akala ko Jericho hindi mo ko sasaktan. Akala ko hindi mo ko itatapon, akala ko mahal mo ako. Pero mali pala ang akala ko diba?” tanong ni Elaine.
“Talaga step ate. Uto uto ka kasi e, tapos masyado ka pang malandi! Kung hindi ko ba naman nalaman at kung hindi ba naman sinabi ni Jericho yung totoo. Siguro ako yung umiiyak ngayon. Pero hindi step ate. Ikaw yung nahulog sa sarili mong patibong!” Natatawang sabi ni Valerie.
“I'm sorry Elaine dahil sinaktan kita hindi naman talaga kita minahal e, kasi ginamit lang kita.” Walang emosyong pagkakasabi ko.
Please, hindi totoo yan.
Unting unting tumutulo ang mga luha ni Elaine, kasabay non ang pagngilid ng luha sa gilid ng mga mata ko.
“Deserve mo yan ateng uto uto kasi malandi ka hahahaha. Tara na Jericho. Yan yung best gift ko sa fake relationship nyo. Best wishes step ateng uto uto.” Ang sabi ni Valerie.
Hinila nya ako kaya nagpahila nalang ako. Nakita ko pang patuloy sa pag tulo ang mga luha ni Elaine.
“Please Elaine. Hindi totoo yung mga sinabi ko, mahal talaga kita.” Ang sabi ko sa isip isip ko.