ONYX’S POV Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Lolo Adolfo ng malaman nito ang biglaang pagpanaw ni Mrs. Kamila Weitzner. Ang sabi nito ay matalik na kaibigan nito ang asawa nitong si Wilbert weitzner at naging malapit siya sa mag- asawa. Sabi pa nga ni Lolo ay siya pa nga raw ang best man ng mga ito sa kanilang kasal. Sa loob ng limang araw na lamay ay halos walang palya itong pumupunta sa lamay ng ginang. Anito, ito na lang daw ang pwede nitong gawin habang nabubuhay pa siya. Sa huling gabi ng lamay ay kasama ko ang aking mga kapatid na sina Xander, Jasper at Jeth at ang iba pa naming pinsan na sina Rayleigh at Axel. Gaya ko ay pare- parehas kaming pinilit isama ni Lolo Adolfo. “Lo, Bakit hindi natin kasama si Radney?’ tanong ni Jeth. Sakay kami ngayon ng isang Limousine. Kung tutuusi

