MARA’S POV Nang sumunod na araw ay ang araw ng libing ni Miss Kamila. Napakarami ang nakipaglibing upang masilayang dalhin ang butihing ginang sa huling hantungan. Walang pagtigil sa pag- iyak si Miss Karishma habang si Gael naman ay nakahawak sa dalaga. Ramdam ko ang pighating nararamdaman ni Miss Karishma dahil kagaya ko ay ulila na rin ito. Higit sa pakikipagdalamhati ang aking nararamdaman ngayon dahil mas lamang ang takot sa aking puso ng mga sandaling iyon. Walang segundo ang hindi lumipas na hindi nagpapalinga linga sa paligid, natatakot na muling makita si Kuya Jarius sa lugar na iyon. Lingid naman sa aking kaalaman ay mataman akong binabantayan ni Onyx na kasama ang Lolo nito na nakilibing. Parang hindi ako makahinga at pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin palagi.

