LUNA Napatigil kami sa pagkatakbo nang makita namin sila daddy at si Ninong Raul. "Dad!" Mabilis akong lumapit sa kanya. "Okay lang po ba kayo? Si Forrest? Asan siya?" Napunta ang tingin ko sa paparating na lalaking pinagtutulungan nilang buhatin. "Niligtas niya si Senator at Mr. X mula kay Temor. Pero bago mamatay si Temor napuruhan din si Forrest. Kakaalis lang namin sa isla nang tumawag si Mr. X kaya nahuli kami ng dating." Paliwanag ni Dad. Nakita ko ang lungkot na gumuhit sa mukha ni Senator inaalalayan siya ni Mr. X at may tama din siya. Hinawi ko sila at mabilis akong tumakbo kay Forrest. "Hoy gubat gumising ka! Huwag kang mamatay!" Nangingilid ang luhang singhal ko sa kanya. Hinawakan ko ang duguan niyang kamay na nakahawak sa kanyang tiyan na may nakabalot na tela.

