Chapter 28 What Needs to be Done Another day started for Savannah to continue her training. Ayaw niyang magmadali pero gusto na niyang tapusin ang lahat ng ito. Gustuhin man niyang ayusin ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Law, mas importante sa ngayon ang kanyang training. Kasama niyang nakatayo sa gitna ng garden sina Tred at Tres. Nagtaka siya kung bakit wala si Trey. Kahapon pa niyang hindi nakikita si Trey. "Nasaan si Trey?" tanong niya. "He's with Tiffany," sagot ni Tred. "Mukhang kailangan mo ng malaman ito. Noong nadukot ang magkapatid ay pinatay ng Vampire Hunter si Tiffany kaya naman gumawa kami ng paraan para buhayin siya." Gulat na napatingin si Savannah kay Tred. "Anong sinasabi mong namatay? Teka, kung gumawa kayo ng paraan para buhayin siya, anong paraan ang ginamit

