Chapter 25

3114 Words

Chapter 25 Illusions Matapos ang ilang oras na pamamahinga ay ginusto ni Savannah na simulan ang training. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga at hindi pinansin ang hapdi na kanyang nararamdaman sa kanyang ibaba. Dumiretso siya sa banyo para maligo. Napangiti na lang siya nang maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Law. Hindi niya pinagsisisihang ginawa nila iyon. Pinagdadasal lang niyang huwag malaman ni Van dahil alam niyang hindi siya titigilan nito hanggat hindi nabubutas ang eardrums niya. "Savannah!"  Napatalon sa gulat si Savannah nang marinig ang pagsigaw mula sa loob ng kwarto. Pinihit niya ang shower at binalot ang kanyang sarili ng tuwalya. Mabilis siyang nagbihis at lumabas ng kwarto. Napatigil siya sa may pinto ng banyo ng makita sina Blade, Irrah at Jinnah sa loob.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD