Chapter 13 Fate and Faith “Move. Ako na ang bahala sa kanya.” Hindi agad nakagalaw si Harold at tinitigan lamang ang seryosong mukha nito. Tinaasan siya nito ng kilay at agad naman siyang tumayo. Lumapit siya kay Savannah na walang malay. Parang ibang tao ang kaharap ni Harold. Sobrang seryoso ang mukha nito at kahit saang anggulo mo tingnan ay galit na galit ito. Sa kung paano kumunot ang noo niya at mag-igting ang panga ay malalaman mo na kaagad na hindi maganda ang timpla ng mood niya. “B-Bakit ka nga pala nandito? Alam mo ba ang mga nilalang na ‘yun? Saan mo dadalhin si Savvy?” Sunod-sunod na tanong niya. Kahit na nanghihina siya at anytime ay pwede siyang mapaupo sa lupa ay pinilit niya pa ring harangan ang binata sa dadaanan nito. “Warren, magiging okay lang ba si Savvy?” Puno n

