Chapter 10 The Brown Porridge Buong araw na wala sa mood si Savannah at hindi niya alam kung bakit. Bumuntong hininga na lamang siya at inayos ang kanyang gamit sa may locker. Pagkatapos niyang gawin iyon ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa. Tinitigan niya ang screen at nagdalawang isip kung tatawag ba siya o hindi. “Ano namang sasabihin ko kapag tumawag ako? Bakit siya absent?” Napakamot na lang siya sa kanyang batok at muling inilagay sa kanyang bulsa ang cellphone niya. “ ‘Wag na nga lang.” Desisyon niya at naglakad na patungo sa may Student Council Room. Nagtext kasi si Warren sa kanya kanina no’ng nasa klase pa siya na pumunta na lamang sa SC Room kung sakaling naunang natapos ang klase ni Savannah kesa sa trabaho niya sa Student Council. Pinauna na rin ni Savannah na

