Nagising siya dahil sa mabining halik na dumadampi sa kaniyang mukha. Nakatunghay sa harapan niya si Nico nakangiti ito ng ubod tamis.
"Good morning! Wife aalis na ako ipinagluto na kita ng breakfast. Hindi kita ginising ng maaga dahil alam kong pagod ka sa naging byahi natin pa-uwi dito sa bahay galing sa Boracay. I love you wife, I have to go!" Hinalikan siya ni Nico ng mariin sa labi.
Tinugon niya ang maalab na halik ni Nico "I love you too much babe! Ingat sa pag-da-drive."
"Yes! Wife see you later!" Kumakaway na lumabas ito ng pintuan.
Pagka-alis ni Nico inasikaso niya ang kaniyang sarili. Naligo siya at nagbihis ng formal na damit. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili bumaba siya sa kusina upang mag-almusal.
Pancakes, w/honey syrup, avocado slice, fresh milk, at may nakapatong na isang steam ng white tulips sa ibabaw ng mesa.
"Napaka-sweet talaga ng asawa ko". Nakangiting wika niya habang sumusubo siya ng pancakes.
Inubos niya ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Pagkatapos kumain hinugasan niya ang plato, kutsara, tinidor at baso ayaw niya makakita ng tambak na hugasan sa lababo.
Pagkatapos niya linisan ang kusina. Bumalik siya sa sala dinampot niya ang shoulder bag at susi ng kotse na nakapatong sa ibabaw ng center table.
Bitbit ang kanyang shoulder bag sexy siyang naglakad pa punta sa garahi. Sumakay siya ng kotse pupunta siya sa AllyShane bakeshop. Isang linggo siyang absent sa trabaho dahil nag-honeymoon silang mag-asawa. Ini-start niya ang sasakyan at inirampa niya iyon sa sementadong kalsada.
Pagkalipas ng kinse minutos nakarating siya sa bakery. Nakangiti siyang pumasok sa entrance ng bakery.
"Good morning! M'am, Ally, madami po tayong order ng cakes at dunots ngayong araw." Magalang na wika ng baker.
"Good morning! Paki-ready ng listahan ng mga order ngayong araw. And thank you so much! Sa inyong lahat sa magandang performance na ipinakita ninyo dito sa Alleyshane bakeshop habang nasa bakasyon ako. Da-dag-dagan ko ang sahod ninyo ngayong buwan."
"Thank you so much! M'am, Ally." Sabay-sabay na sagot ng mga tauhan niyang nakangiti.
"You are all welcome! Now start na tayong mag-bake." Pumunta siya sa baking station at sinimulan niyang mag-masa ng dough. Mayroon siyang dalawang baker pero iba pa rin kapag siya ang mag-ba-bake pulido at maayos. Isinalang niya sa oven ang cakes at tinapay. Binuhay niya ang stove at isinalang niya ang malaking kawali magpiprito siya ng dunot. "Paki bantayan itong niluluto ko baka masunog." Bilin niya sa panadero.
Binuhat niya ang tray na puno ng tasty bread kailangan niyang maisalay ng maayos sa estante ang mga tinapay. Tiningnan niya ang oras sa wall clock
11:45 a.m. na it's almost lunch time.
"Mauna na kayong kumain ako ng bahala mag-entertain sa costumer na darating." Utos niya sa kaniyang mga tindera at ipinagpatuloy niya ang pag-di-display ng mga tinapay sa istante--
"Excuse me! Pabili ng one box vavarian chocolate dunots." Sabi ng babae.
Napatitig siya sa babae na bumibili ng donut pamilyar ang mukha nito. Parang nakita na niya ito dati. Tinitigan niyang mabuti ang mukha nang babae. "Ella? Ate, Ella ikaw ba iyan?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Napatitig ang babae sa may ari ng bakery. Tinawag nito ang kanyang pangalan. Namilog ang mata nito ng makilala nito si Ally.
"Oh my god! Ally? Yeah it's me Ella, long time no see bunso!" Nagagalak na bulalas nito.
"Oh my god! Ate Ella! Saan ka nagpunta? Bakit ngayon lang kita ulit nakita?" Lumabas siya sa mga estante ng tinapay at nilapitan niya si Ella. Niyakap niya ito ng mahigpit. "I miss you so much Ate!"
"I miss you too bunso!" Niyakap rin siya ni Ella ng sobrang higpit.
"Can you stay for a while Ate, Ella? kumustahan tayo kahit saglit lang."
"Of course! Ally." Nakangiting sagot ni Ella.
"Ma-upo ka Ate, Ella kukuha lang ako ng tea at cake."
"No need... bunso I'm still full umupo ka na rito sa tabi ko. Ang ganda nitong bakeshop mo parang Barbie. Ang ganda at makukulay ang mga decorations. Maraming kabataan ang mahahalinang bumili dahil sa ganda ng ambience ng paligid." Papuri ni Ella sa design ng bake shop.
"Si Shane ang interior designer nitong bakeshop."
"Speaking of Shane andito rin s'ya ngayon?"
"No wala dito si Shane, ate Ella nasa Canada siya inihabilin lang niya sa akin ang pamamahala nitong bake shop. Kumusta ka na ate Ella? Meron ka na bang boyfriend o asawa?"
"Yeah, I'm married ikinasal kami ni Alex sa Singapore. Mayroon na kaming anak one baby girl. Tumira kami ng apat na taon sa Singapore d'on kasi na assign si Alex. Umuwi kami dito sa Pilipinas dahil medyo mahina na si Mama."
Nalungkot siya sa sinabi ni Ella. Close kasi siya sa Mama nito. 'Mayroon bang sakit si Tita, Marianne, Ate, Ella?" Nag-aalala tanong niya kay Ella.
"Yes, Ally high blood si Mama tapos laging masakit ang tuhod niya dahil sa rayuma. Binilihan ko na nga siya ng gamot. Mabuti ka pa bunso mukhang successful ka na at sikat itong bake shop mo dito sa Sta, Cruz Manila."
"Sa awa ng Diyos, Ate kahit papaano araw-araw may bumibili. Tiyagaan lang talaga ang pagtitinda. Ikaw Ate, anong trabaho mo ngayon?"
"Nagpipinta ako Ally, kapag meron nagpapagawa ng self portrait oh, kung ano mang gusto nilang ipaguhit."
"Tinupad mo talaga ang pangarap mo na maging pintor, sabagay malay mo Ate, balang araw may maka-discover ng talent mo. Magiging sikat na pintor ka na oh, diba! Bongga!"
"Ayy! Naku sana nga bunso." Masayang sagot ni Ella. Hindi ito makapaniwala na si Ally ang may ari ng eleganting bake shop. Kasi noong high school pa lang sila palaging nanghihingi sa kan'ya ng baon si Ally pero ngayon ang layo na nang narating nito. Allyssa Fortuna now is a successful business woman.
"Ngayong nandito ka na ulit sa Pilipinas Ate, sister bonding tayo."
"Sure bunso ito ang calling card ko tawagan mo ako kapag may free time ka. Kailangan ko ng umalis susunduin ko pa si Alexa bibisita naman ako ulit dito sa bake shop mo kapag wala akong ginagawa." Tumayo si Ella sa bangko.
"Okay, Ate, Ella, dalawang box ng donuts ang dalahin mo. Huwag mo ng bayaran." Iniabot niya kay Ella ang dalawang box ng donuts.
"Thank you! Ally bye!" Kumakaway si Ella habang lumalabas ito sa pintuan.
Lalong sumaya ang araw niya dahil nakita niyang muli si Ella. Matalik na kaibigan niya si Ella noong high school. Magkapatid ang turingan nila sa isat-isa. Nagkahiwalay lang sila noong college dahil sa ibang University si Ella nag-aral. Nakangiting ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng mga tinapay.
Nagmamaneho si Nico papunta sa AllyShane bake shop. Pupuntahan niya si Ally gusto kasi niya itong makasabay kumain ng lunch. Napatingin siya sa babaeng blonde ang buhok na nakatayo sa gilid ng kalsada naghihintay ito ng taxi. "She look very familiar to me," mahina niyang bulong. Nang tumapat ang kotse sa harapan ng babae malinaw niyang nakita ang mukha nito. "Ella? My baby bear?" Nagmamadaling inihinto niya ang kotse at bumaba siya. "Baby bear!?"
Napatitig si Ella sa lalaking nagsasalita. "Nico!?" Nagulat ito sa biglang paglapit ni Nico. Hindi nito inaasahan na muli nitong magkikita si Nico. Kasi si Nico ang dahilan kung bakit mas pinili ni Alex na sa Singapore sila tumira.
"Baby bear." Niyakap niya si Ella ng mahigpit. Sobra niya itong na miss. Apat na taon na ang nakalipas noong huli niya itong nakasama.
Hindi ni Ella alam kung ano ang gagawin. Hindi ito makapagdesisyon kung itutulak ba nito si Nico palayo oh, yayakapin niya ito ng mahigpit.
Na-malayan na lang ni Ella na-ipasok na siya ni Nico sa loob ng kotse. Lutang ang isip nito sa bilis ng mga pangyayari.
Dinala niya si Ella sa tabing dagat. Nanatili silang dalawa sa loob ng sasakyan. Yakap-yakap niya si Ella ng mahigpit. Naramdaman niya na bumilis ang pintig ng kaniyang puso.
Itinulak siya ni Ella "Nico kailangan ko ng umuwi susunduin ko pa si Alexa."
"Alexa? Mayroon ka ng anak?" Na-iiyak niyang tanong kay Ella.
"Yes, Nico I have a child."
"So totoo pala na umalis ka dahil sumama ka kay Alex?"
"Nico kasi---"
''Alam mo namang mahal na mahal kita Ella! Halos mabaliw ako n'ong umalis ka! Iniwan mo ako ng walang paalam! Ayaw kong maniwala na iniwan mo ako dahil pinili mo si Alex!'' Garalgal niyang sambit.
"Nico, I'm so sorry! Hindi ko gusto na saktan ka! Sumama ako kay Alex upang sundin ang kagustohan ni Papa." Naaawa si Ella kay Nico hilam ng luha ang mga mata nito. Hindi na ito nakatiis niyakap nito si Nico ng mahigpit.
Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Ella, kaya niyakap rin niya ito ng mahigpit. Pinagdikit nila ang kanilang noo at naglapat ang labi nilang uhaw sa halik.
Natatarantang lumayo si Ella kay Nico. "Mali ito! Hindi dapat ako tumugon sa halik ni Nico, siguradong mapapatay ako ni Alex kapag nalaman niyang nakipaghalikan ako sa dati kong kasintahan." Pinindot ni Ella ang un-lock ng kotse at dali-dali itong lumabas.
Lumu-luhang tinatanaw niya ang papalayong bulto ni Ella, sa pangalawang pagkakataon muli siya nitong iniwan. Napatingin siya sa cellphone niyang tumutunog tumatawag si Ally. Hindi niya sinagot nakatitig lang siya sa screen ng cellphone ng mamatay ang tawag. Binuhay niya ang makina ng kotse nag-drive siya papunta ng bar. Gusto niyang magpakalasing upang mawala sa isipan niya si Ella.
Ilang beses ng tinatawagan ni Ally si Nico pero hindi ito sumasagot. "Siguro maraming customer sa auto shop kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko." Wika niya habang nag-ta-type siya ng message para sa pinakamamahal niyang asawa.
"Babe kumain ka na huwag ka magpalipas ng gutom. Magpunas ka ng pawis sa likod. Magpalit ka ng damit, I love you." Nakangiting se-nend ni Ally ang mensahi sa number ni Nico.
Tinungga ni Nico ang alak. Ang daming katanungan na tumatakbo sa magulo niyang isipan. "Bakit ngayon ko pa nakita si Ella? Kung kailan kasal na ako kay Ally. Siguradong masasaktan si Ally kapag nalaman niya ang tungkol sa nakaraan ko. Ang alam ni Ally, I don't have a girlfriend since birth. Paano ko ipaliliwanag sa kanya na meron akong dating kasintahan na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko. Mahal ko ba si Ally? Oh, pinakasalan ko lang s'ya dahil nangu-ngulila ako sa pagmamahal ni Ella." Tanong na hindi niya alam ang kasagutan. Inisang lagok niya ang natitirang alak sa bote. Feeling niya hindi siya nalalasing. "Side effects siguro ito ng pangloloko sa akin ni Ella namanhid na ang buo kong katawan."
Maghapon hindi nagparamdam si Nico. Hindi nito sinasagot ang mga tawag ni Ally. Hindi rin ito nag-re-reply sa mga message niya. Maghapon itong offline. Maaga pa pero sinaraduhan na niya ang bake shop. Sumakay siya sa kotse at nagmaneho siya papunta ng Auto shop.
After 25 minutes nakarating siya sa work place ni Nico. Na-abutan niyang magsasarado na ang shop. Nilapitan niya ang personal assistant ng kaniyang asawa. "Anna na saan si Nico? Umuwi na ba?"
"Good evening! Po M'am. Ally, kanina pang 12:00 P.m. umalis si Sir, pupunta daw po siya sa bake shop para sabay kayong mag-lunch."
Binundol ng kaba ang dibdib niya. "Diyos ko! Baka may masamang nangyari sa asawa ko. No! don't think negative things Ally, Nico is fine! Yeah kailangan ko kumalma nasa maayos na kalagayan ang asawa ko." Pangu-ngumbinsi niya sa kaniyang sarili. "Aalis na ako Anna baka gusto mo sumabay pa-uwi?"
"Okay, po M'am, Ally."
Tahimik sila sa byahi. Ibinaba niya si Anna sa tapat ng bahay nito. Pagdating niya sa kaniyang bahay. Madilim ang buong paligid patay lahat ng ilaw. Wala ang kotse ni Nico sa garahi.
"Nico! Saan ka ba pumunta?" Nag-aalalang tanong niya sa kadiliman.
Pumasok siya sa loob ng bahay at binuhay niya lahat ng mga ilaw. Pagkatapos pumunta siya ng kusina naghanda siya ng lulutuin.
Cauli flower with fish fillet ang lulutoin niya favorite dish kasi iyon ni Nico.
Isinalang niya ang bigas sa rice cooker. Binuhay niya ang stove isinalang niya ang kawali. Nang uminit na ang kawali nilagyan niya ng kaunting olive oil iginisa niya ang bawang at isda. Nang medyo mapula na inilagay niya ang cauliflower nilagyan niya ng pampalasa, kaunting tubig at kaniya iyong tinakpan. Habang nakasalang ang ulam at kanin. Gumawa siya ng dessert cathedral creamy jelatin inilagay niya sa refrigerator upang lumamig.
Cheneck niya ang fish fillet at rice kung luto na. Nang masigurado niyang perpekto ang pagkakaluto ng pagkain pinatay niya ang stove at binunot niya ang plug ng rice cooker.
"Mamaya na ako kakain pagdating ni Nico." Wika niya habang humahakbang siya papunta sa master bedroom.
Matamlay siyang humiga sa malambot na kama. Cheneck niya ang cellphone kung nag-text oh, tumawag si Nico pero kahit isang missed call wala.
"Bigyan mo pa ako ng isang boteng beer," utos ni Nico sa bartender.
"Sir, baka hindi ka na po makapag-drive pa-uwi. Dahil ang dami mo na pong na inom." Nag-aalalang wika ng Bartender.
"H-hindi pa ako lasing! Bigyan mo pa ako ng alak!" Utal na wika ni Nico.
"Pasensya na po Sir, mas mabuti po magbayad ka na at umuwi ka na. Oh, kaya naman Sir, tawagan natin ang kamag-anak mo para masundo ka baka kasi madisgrasya ka kapag nagmaneho ka mag-isa pa-uwi." Magalang na wika ng barista.
"S-sabi ng hindi pa ako lasing!" Pero hindi man lang natinag ang barista kahit na sinigawan niya ito. Iritadong kumuha siya ng pera sa kaniyang wallet. Iniabot niya ang pera sa Bartender at naglakad siya palabas ng bar.
Pagulong-gulong si Ally sa kama hindi siya mapakali. Hating gabi na wala pa rin si Nico. "Na saan na kaya ang asawa ko---?"
"Beep! beep! beep!" Napatigil siya sa pag-e-emote dahil sa sunod-sunod na busina ng sasakyan. Bumangon siya sa kama at tumakbo siya palabas ng bahay upang buksan ang gate.
"Bakit ang tagal mo buksan ang gate?" Na-iiritang tanong ni Nico.
Nalanghap niya ang matapang na amoy ng alak sa bibig nito. "Babe you're drunk. Saan ka nag-inom? Sinong ka inuman mo?"
"Hmm... I drink alone like old days baby bear." Hinapit ni Nico ang bewang ni Ally.
Kumunot ang noo niya. "Baby bear? Did I heard it right? Oh, epekto ng alak kaya ibang endearment na naman ang nabanggit ni Nico." Inalalayan niya si Nico makapasok sa loob ng bahay. Pasuray-suray sila sa daan habang naglalakad.
"Dito ka na babe sa sofa matulog kasi hindi kita kayang iakyat sa master bedroom. Pupunta ako saglit sa kusina kukuha ako ng cold water para mapunasan kita ng mawala ang pagkalasing mo."
"No! Baby bear, please don't leave me again!'' Emosyonal na wika ni Nico habang nakayakap ito sa bewang niya.
"Of course babe, I won't leave you. Kahit kailan hinding-hindi kita iiwan. Mananatili ako sa tabi mo sa hirap at ginhawa at pwede bang sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ka nag-inom? May problema ka ba? Stress ka sa trabaho?" Nag-a-alalang tanong niya kay Nico.
"Naglasing ako dahil sayo baby bear.
I miss you so bad baby bear. I want you to be--" Lumuwang ang pagka-kayakap nico sa bewang ni Ally dahil nakatulog na ito.
Nayayamot na pinagmasdan niya si Nico gusto niya itong sermunan dahil buong araw siya nitong pinag-alala. "Maghapon akong nagmukhang tanga ka-iisip kung saan ka pumunta. Akala ko napahamak ka na iyon naman pala nasa inuman ka lang. Tapos ngayong lasing ka kung ano-ano ang sinasabi mo. Epekto ng alak? Oh, baka naman nag-ha-hallucinate ka na mayroon kang imaginary girlfriend? At baby bear ang tawagan ninyo?"
"Pwede ba Ally! Huwag mo ng kausapin si Nico dahil tulog na siya." Na-iiritang sigaw ng isip niya.
Naiinis na sumandal siya sa sofa.
Habang tumatagal ang pagsasama nila ni Nico Unti-unti niyang nadidiskobre ang itinatago nitong ugali.