CHAPTER 20

2009 Words
"Ding dong!" Napadilat siya ng tumunog ang door bell. Nayayamot na bumangon siya tutulog pa lang siya pero may istorbong dumating. Sumilip siya sa siwang nang kurtina natanaw niya ang babaeng nakatayo sa labas nang gate. Hindi niya makita ang mukha nang babae dahil nakasuot ito nang sunglass. Binuksan niya ang main door at naglakad siya papunta sa gate. "Miss, anong kailangan mo?" Tanong niya sa babae. Hinubad ni Ella ang sunglass at nginitian nito si Ally ng ubod tamis. "Hi bunso," malambing na bati nito. "Ate Ella!?" Gulat na bulalas niya. "Paano mo nalaman itong address nang penthouse?" Nagtatakang tanong niya rito. "Ipinagtanong ko Ally nakakahiya naman kasi kung magpapasundo pa ako sayo sa bus terminal eh, inaalagaan mo na ang anak ko. Napaka-kapal naman nang mukha ko kung iistorbuhin pa kita." Nilapitan siya ni Ella at niyakap siya nito ng mahigpit. "I miss you so much! Bunso." " I miss you too! Ate and please.... Huwag mong iisipin na nakaka-abala ka. Dahil napakaliit na bagay lang naman ng hiningi mong pabor at saka sino pa ba ang magtutulongan kun'di tayong dalawa lang naman di ba?" "Bunso paano kung hingiin ko sayo ngayon si Nico, ibibigay mo ba?" Pilyang bulong ng isip ni Ella. "Alam ko naman bunso na busy ka, tapos ako naman ito ume-epal sa honeymoon moments ninyong mag-asawa. Hindi kaya magalit si Nico dahil andito ako baka isipin niya napaka-atribida ko?" Kunwari concerned si Ella sa iisipin ni Nico. "Hindi si Nico magagalit Ate matutuwa pa nga iyon dahil andito ka meron akong makakasama dahil lagi siyang wala." Na-iiyak na sagot niya sa tanong ni Ella. "Huh? What do you mean laging wala? Eh, diba nga kaya kayo pumunta dito sa Tagaytay ay para makapag-bonding kayong mag-asawa at gumawa nang bata. Pero bakit iba ang nakikita ko bunso? Bakit ang lungkot-lungkot mo? Tapos mukha kang depress na depress ang lalim ng eye bug mo...." Nag-aalalang tanong nito. Hinaplos pa nito ang mahabang buhok ni Ally. "Ate hu! Hu! Hu!" Hindi na niya napigilang umiyak. Sumobsob siya sa balikat ni Ella at duon siya humagolhol ng iyak. "Sige lang bunso ilabas mo lahat nang sama nang loob mo nang gumaan ang pakiramdam mo. Ano bang problema mo at parang pasan mo ang mundo?" Nag-aalalang tanong nito. "Kasi Ate nagbago na si Nico, hindi na siya katulad ng dating clingy at showy sa kaniyang nararamdaman." Sumisinok na sagot niya sa tanong nito. Naa-awa si Ella kay Ally, pero hindi nito kayang hiwalayan si Nico. Naluluhang hinaplos nito ang likod ni Ally, "Bunso kausapin mo ng maayos si Nico nang hindi na lumala ang problema ninyong dalawa. Tanungin mo siya kung bakit lumalayo ang loob niya sayo oh, baka naman na misinterpret mo lang ang pagiging busy niya sa trabaho." "Sana nga Ate ganun lang busy siya sa trabaho dahil kung totoo ang hinala kong meron siyang babae. I swear Ate hindi ko siya mapapatawad at baka mapatay ko ang babae niya." Kinabahan si Ella sa sinabi ni Ally. Dahil hindi pa nito nalalasap ang tagumpay mamatay na ito agad. "Hindi mo ako mapapatay Ally baka ikaw pa ang mapatay ko." Mariing bulong nito. Malaki ang advantage ni Ella kay Ally dahil alam nito ang bawat galaw ng babae. Samantalang si Ally ay hindi kilala kung sino ang anay na unti-unting sumisira sa pagsasama nilang mag-asawa. Nasa tabi na niya ang ahas pero hindi pa rin niya makita at maramdaman. "Bunso pwede bang pumasok na tayo sa loob ng bahay ang init kasi dito sa labas magkaka-sun burn tayo." "Ayy! Sorry.... Ate, Ella nakalimutan na kitang papasukin. Inuna ko pa kasi ang pag-e-emote eh." "Okay, lang bunso." Inakay siya nito papasok sa loob ng bahay. Inilibot ni Ella ang paningin sa buong paligid ng penthouse. Malawak ang bakuran may malapad na garden na may nakatanim na ibat-ibang uri ng halaman. May dalawang bahay kubong nakatayo sa tabi ng malaking punong mangga. May malaking swimming pool sa kanang bahagi ng penthouse. Nakangiting nilanghap nito ang sariwang hangin. "Hihilingin ko kay Nico na dito niya ako itira napakalinis ng paligid at tahimik tapos walang chismosang uma-aligid." Nasisiyahang bulong nito. Napanga-nga si Ella ng makapasok ito sa loob ng penthouse. Dahil bumungad dito ang malawak na living room at mga antigong gamit. Ang mga lamesa at upuan ay yari sa matigas na kahoy. Namamangha na pinagmasdan nito ang mga mamahaling painting na nakadikit sa ding-ding. Naduduling si Ella habang tinititigan nito ang malaking plorera na nasa gilid ng sofa. Nakakasilaw rin titigan ang malaking chandelier sa gitna ng kisame. "Ang ganda nitong penthouse mo bunso siguro bilyon ang ginastos ninyong mag-asawa sa pagpatayo nito ano?" Namamangha na tanong nito kay Ally. "Hindi ito sa amin ate Ella ang asawa ni Shane na si Rex Montero ang nagpatayo nito. Inihabilin lang ni Rex sa amin ni Nico itong penthouse." Nakita niya ang pag-ngiwi ni Ella. Gusto niya itong tanungin kung bakit disappointed ito na hindi si Nico ang may ari ng penthouse pero hindi niya itinuloy dahil baka masamain nito ang kan'yang pagtatanong. "Ganun ba eh, ang Montero Auto shop? si Nico ba ang may-ari?" Malamyang tanong nito. "Hindi kanan kamay lang ni Rex si Nico, every month deni-deposit ni Nico sa bank account ni Rex ang kalahating kita ng shop." Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang biglang pagkalukot ng mukha ni Ella. Kinagat niya ang kaniyang labi nang hindi siya makapagsalita nang hindi maganda. Kanina pa niya napapansin na parang may kakaiba sa ikinikilos ni Ella gusto niyang isatinig iyon pero hindi niya magawa dahil wala naman siyang ebidensya kung totoo nga ang kaniyang kutob. "Siguro kaya hindi agad mahiwalayan ni Nico si Ally dahil wala siyang sapat na pera para buhayin ako? Siguro plano ni Nico na nakawin ang kinikita ni Ally sa bakery. Kapag ninakaw ni Nico lahat ng pera ni Ally kawawa naman ang best friend ko maiiwan siyang luhaan at namumulubi sa pera." Mga tanong na gumugulo sa isipan ni Ella. "Pasensya ka na bunso sa tanong ko ha, naitanong ko lang naman ang mga bagay na iyon kasi type ko itong penthouse sobrang ganda. Nakaka-in love ang mga mamahaling gamit. Anyway na saan si Alexa?" "Nasa guestroom Ate tulog na pagod siya kalalaro. Iyong pangatlong pinto sa second floor ang guestroom." "Sige, bunso titingnan ko muna ang anak ko ha." Maingat na umakyat si Ella sa hagdanan. Nang mawala sa paningin niya ang anino ni Ella pumunta siya sa kusina. Kakain siya kanina pa kumukulo ang tiyan niya dahil sa gutom. Binuksan niya ang refrigerator kinuha niya ang fresh milk and cookies. Nagsalin siya ng gatas sa tall glass at ininom niya iyon. "Bwacckk!" Naduwal siya ng malasahan niya ang gatas. Tumakbo siya sa lababo duon siya sumuka. Parang hinahalukay ang sikmura niya sobrang pait at asim ng acid na lumalabas sa kaniyang bibig. Dalawang linggo nang medyo masama ang kaniyang pakiramdam. Nahihilo siya tuwing umaga at kapag may pagkain siyang hindi na gustohan ang lasa isinusuka niya iyon. "Buntis kaya ako? Two weeks ng delay ang regla ko. Diyos ko! Sana nga buntis ako. Dahil siguradong matutuwa si Nico kapag-nalaman niyang magkakaroon na kami ng anak." Nakangiting hinaplos niya ang kaniyang impis na tiyan. Plano niyang kumunsulta sa obygyne pagbalik niya sa Manila para makumpirma niya kung talaga bang buntis siya. Ibinalik niya sa ref ang gatas. Apple and wheat bread na lang ang kinain niya. "Simula ngayon aalagaan kong mabuti ang aking sarili at iiwasan ko na ang mag-isip ng mga negatibong bagay para sa ikabubuti ng aking anak." Mahinang wika niya habang inuubos niyang kainin ang isang slice ng wheat bread. Pagkatapos niya kumain pumunta siya sa living room. Naabutan niya si Ella na naka-de kwarto nang upo sa sofa. Tumatawa ito habang nakikipag-usap sa cellphone. Umupo siya sa tabi nito. Umikot ang eye balls ni Ella ng umupo sa tabi nito si Ally. Mabuti na lang nakasuot ito ng headset kaya hindi naririnig ni Ally ang sinasabi ni Nico. "Daddy bear anong oras ka uuwi?" Pabebeng saad nito. "Maybe around 5:30 p.m or 6:00 p.m I'm not sure baby bear. Why did you asked? Don't tell me you miss me already?" Malambing na tanong ni Nico sa kabilang linya. "Yes! Daddy bear minu-minuto kitang na mi-miss. Kung pwede nga lang na hindi ako lumayo sa tabi mo ginawa ko na." Kinikilig na sagot ni Ella. "Ha ha ha! Gusto mo baby bear ikaw na ang gagawin kong sinturon? Anyway anong ginagawa ni Ally? Kumain na ba siya ng lunch?" Hindi ni Nico tinatawagan si Ally dahil ayaw niyang marinig ang malungkot nitong boses. "I don't know katabi ko siya, you can ask her if you want?" "What!? Are you insane? No! How can you say that f*****g questions Ella!?" Iritadong saad ni Nico. Sumikip ang dibdib ni Ella dahil sinigawan ito ni Nico. Ngayon sigurado na ito na ayaw ni Nico masaktan si Ally. Ayaw nitong isipin na baka s*x lang ang gusto ni Nico kaya dikit ito ng dikit sa kan'ya. "Just kidding daddy bear, ikaw naman galit agad sige na ibaba ko na itong phone." Pinindot ni Ella ang end call pagkatapos binalingan nito si Ally na manok-manok sa sofa. "Bunso kung inaantok ka pumunta ka sa kwarto duon ka matulog." "Ewan ko baga Ate lagi na lang ako inaantok feeling ko palagi akong pagod, s'ya nga pala Ate ang cute ng endearment ninyo ni kuya Alex. Sinong naka-isip nun?" Curious na tanong niya. "Si N-Alex baby bear ang tawag niya sa akin since college." Kinakabahan na sagot ni Ella sa tanong ni Ally. "Baby bear? Narinig ko na iyan dati tuwing lasing kasi si Nico nagsasalita siya tinatawag niya si baby bear." Ayaw niyang mag-isip ng masama tungkol kay Ella, ayaw niyangng isipin na matagal na nitong kilala ang kaniyang asawa. Dahil ngayon pa lang para na siyang pinapatay. Paano kaya kung totoo ang hinala niya na personal na kilala ni Ella si Nico baka bigla na lang siyang matumba. "Huh? Ganun ha ha ha! Sikat pala ang call sign naming mag-asawa ginagaya ng lasing." Idinaan ni Ella sa biro at pagtawa ang nerbyos na nararamdaman nito. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. "Kung narinig lang ni Nico sa kanto ang endearment na iyon dapat wala siyang pakialam duon, pero bakit lagi niyang tinatawag at hinahanap si baby bear? Meron kaya siyang sekreto na hindi ko alam? Kailangan ko ng mag-imbestiga nang hindi ako nagmu-mukhang tanga." Nginitian niya ng ubod tamis si Ella at pinuri niya ang endearment na ginagamit nito. "One of a kind kasi ang tawagan ninyo ni kuya Alex hindi maga-gaya ng iba pwera na lang kung narinig ni Nico oh, sinabi mo sa kan'ya ang tungkol sa call sign ninyong mag-asawa?" Tinitigan niya si Ella sa mata gusto niyangng malaman kung nagsi-sinungaling ba ito oh, hindi. Kalmadong sinalubong ni Ella ang matalim na tingin ni Ally. "I don't know bunso maybe he heard it somewhere layas kasi si Alex kahit saang lugar siya pumunta tinatawagan niya ako, baka na gandahan si Nico kaya nabanggit niya." "Siguro nga ate." Naghikab siya hindi na talaga niya kayang labanan ang antok. "Matulog ka na bunso, ako na ang magluluto ng dinner." Tumayo si Ella iniwan siya nito sa sofa. Pumunta si Ella sa kusina nakita nito ang maraming stock na pagkain sa refrigerator. "Buhay reyna si Ally sa bahay na ito iyon nga lang hindi niya alam malapit ko nang agawin ang titulo n'ya bilang legal wife." Natatawang wika nito. Inilabas ni Ella ang karne at siling labuyo sa refrigerator. Bicol express ang lulutoin nito iyon kasi ang paboritong ulam ni Nico. Kinuha rin nito ang pinakamatabang bangus sa freezer. Ipapaksiw nito iyon na may halong talong at ampalaya, Nagsalang si Ella ng bigas sa rice cooker at sinimulan na rin nito ang pagluluto ng ulam. "Hmm... Lala.. lala..." Kumakanta pa ito habang nagluluto. Feeling kasi nito siya na ang legal na asawa ni Nico. "Don't worry self one of this day ikaw na ang magiging Doña sa eleganting bahay na ito." Nahihibang na bulong nito sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD