Magka-holding hands silang bumaba ng hagdan.
Binuhay ni Ally ang stereo components sa living room pumailanlang sa buong bahay ang maharot na kanta. Sitting pretty naman na umupo si Nico sa malambot na sofa.
"Anong oras darating ang ate mo wife?" Naiinip na tanong ni Nico sa kan'ya.
"Babe maya-maya lang darating na si ate Ella." Binuhay niya ang Christmas lights sa garden, Ini-on niya ang chandelier sa sala at kusina lumiwanag ang buong bahay-
"Ding dong!" The doorbell rang.
"Tara na sa labas babe andiyan na si ate Ella." Magkadaop palad silang pumunta ng gate.
Napatigil si Nico sa paghakbang na nigas ang buo nitong katawan nang masilayan nito ang mukha ng matalik na kaibigan ni Ally. Hindi ito makapaniwala na si baby, bear na kabit niya ay best friend nang pinakamamahal niyang asawa.
Hindi ni Nico alam kung ano ang gagawin. Hindi ito makapagdesisyon kung lalapitan ba nito si Ella oh, tatakbo ito pabalik sa loob ng bahay.
"Babe what's wrong? Bakit tumigil ka sa paghakbang? Ayaw mo bang papasukin sa bahay si ate Ella?" Bulong niya sa tenga ni Nico.
Hindi niya alam kung ano ang problema ni Nico. Namumutla ang mukha nito at pinagpapawisan ito ng malamig. Damang-dama rin niya na si Nico ay kinakabahan dahil nanginginig ang tuhod nito at pinagpapawisan ng malapot ang dalawa nitong palad.
Hindi kaya kilala niya si ate Ella? Tanong na nabuo sa kaniyang isipan. "Babe kilala mo ba ang best friend ko? Oh, magkakilala kayo?"
"Huh? No I don't know her ngayon ko lang siya nakita. Why did you asked wife?" Pabiglang tanong nito.
"Based kasi sa reaction mo parang kilala mo sya."
"No I'm one thousand percent sure wife, I don't know her." Hinila siya ni Nico palapit sa gate.
"Hi! Ate, Ella, Good evening! I want you to meet my husband, Nico Savedra."
Hindi si Ella makapagsalita bumara ang laway nito sa lalamunan. Na-iiyak itong nakatingin sa magka-holding hands nilang mga kamay. Nagugulohan ito sa mga nangyayari. Hindi nito alam kung paano naging asawa ni Ally si Nico kasi ang buong akala nito si Nico ay single at kahit kailan hindi ito nagkipagrelasyon sa ibang babae.
Hinamig ni Ella ang kaniyang sarili at ngumiti ito ng mapait. "Hi Nico! nice to meet you!" Pinisil nito ng mariin ang palad ni Nico.
Hindi ni Nico kayang salubungin ang matalim na titig ni Ella, nagliliyab sa galit ang maganda nitong mga mata at ang mahaba, matalas nitong kuku ay nakabaon sa kaniyang palad.
" Bunso meet my beautiful daughter. Alexa say hi to tita Ally."
"Hi po tita Ally and tito Nico, I'm Alexa Rodriguez." Nakangiting wika ng bata.
Namilog ang singkit na mga mata ni Nico nang mapagmasdan nito ang anyo nang batang nagsasalita.
Kamukhang-kamukha ni Nico ang anak ni Ella.
Ella's daughter has a pointed nose, white skin tone, long eye lashes, singkit ang brown nitong mga mata, kaparehong-kapareho ng mga mata ni Nico. Meron rin itong malalim na dimple sa kanan at kaliwang pisngi.
"Bakit Nico? Ikaw lang ba ang may dimple at may singkit na mga mata? Huwag kang assuming Nico na ikaw ang ama ng anak ni Ella dahil maraming napapahamak sa maling akala." Iritadong bulong nang isipan ni Nico.
Tinapik niya si Nico sa balikat kanina pa kasi niya ito kinakausap hindi ito sumasagot. "Babe masama ba ang pakiramdam mo? Kung masama ang panlasa mo magpahinga ka muna."
"No, wife, I'm fine." Ayaw ni Nico na iwan si Ally sa tabi ni Ella kasi nanga-ngamba ito na baka sabihin ni Ella kay Ally na kabit niya ito.
Gusto ni Ella na tumakbo palabas ng bakuran ni Ally dahil hindi na nito kayang pakinggan ang paulit-ulit na pagtawag ni Nico ng wife sa kaniyang matalik na kaibigan. Gusto nitong sakalin si Nico at pagsasampalin ng pa-ulit-ulit upang kahit papaano mabawasan ang sakit na nararamdaman nito.
Nasasaktan si Ella ng sobra kaya gusto na nitong sumigaw at magwala pero hindi nito magawa dahil ayaw nitong masaktan si Ally.
"Dalahin mo babe sa guestroom ang mga gamit ni Ate Ella." Malambing na utos niya kay Nico.
Atubiling kinuha ni Nico ang bag sa kamay ni Ella. Nang dumikit ang daliri ni Nico sa palad ni Ella may gumapang na kuryente sa katawan nito.
Iniwasan ni Ella na tumingin sa gwapong mukha ni Nico dahil baka makahalata si Ally na kilala niya ang asawa nito.
"Pasok na tayo sa loob Ate, malamig na dito sa labas." Inakay niya si Ella papasok sa loob ng bahay.
Tuliro si Nico na sumunod sa dalawang babae. Hindi nito alam kung paano kikilos ng normal. Hindi rin nito alam kung sino ang unang lalapitan at kakausapin. Natatakot itong lapitan si Ally dahil siguradong magagalit si Ella. Natatakot rin naman itong lumapit kay Ella dahil siguradong hihiwalayan ito ni Ally.
Pagkapasok ni Ella sa loob ng bahay ni Ally, bumungad sa mata nito ang malawak na sala. May mamahaling sofa set sa gitna ng living room, may 42 inches flat screen TV, may stereo components na kompleto ang speaker sets, mayroon maliit na speaker, katamtaman ang laki, at malaki. Ang daming naka-display na mamahaling painting sa wall, napakalinis ng buong bahay, halatang may feminin touch ang pagkaka-ayos ng mga gamit.
"Ilapag mo muna dito sa sofa ang shoulder bag mo ate. Pupunta kasi tayo sa kusina upang kumain." Nakangiting hinila niya si Ella papasok ng komedor.
''Wow! Bunso ang daming pagkain at mukhang lahat ay masarap." Hindi si Ella magkamayaw katitingin sa mga putahing nakahain sa ibabaw ng mesa.
"Umupo ka na ate nang matikman mo lahat ng mga niluto ko." Pinaghila niya ng bangko si Ella.
Naglagay si Ella ng pagkain sa plato at excited itong sumubo. "Hmm... ang sarap naman nito bunso. Ang lambot ng pagkaluto mo sa Lengua Estupado, napaka-creamy naman ng mushroom, at itong roasted chicken napakabango amoy na amoy ang lemon grass at bawang tapos malasa ang balat. Turuan mo nga ako bunso kung paano magluto, para pag-uwi ni Alex maipagluto ko siya ng masarap na ulam." Wika ni Ella habang ngumunguya ito ng manok.
Napatigil si Nico sa pagnguya ng banggitin ni Ella ang asawa nito. Parang may sumuntok na malaking kamao sa puso ni Nico ramdam na ramdam nito ang sakit. "Ipagluluto niya si Alex ng masarap na ulam samantalang noon hindi niya ako ipinagluto!" Nanggigil nitong bulong.
"Bakit Nico? Hindi ba masarap ang luto ni Ally? At gusto mong tikman ang luto ng ibang babae?" Nang-uuyam na tanong ng isip ni Nico.
"Yes! Po tita Ally tama si Mommy, ang sarap mo magluto at mag-baked the best itong red velvet chocolate and cheese cake." Nakangiting wika ni Alexa puno ng cake ang maliit nitong bibig.
"I'm so glad na nagustuhan ninyo ang niluto ko anytime pwede kayong bumisita dito sa bahay ng makapag-bonding tayo."
"O-Oo n-naman bunso bibisitahin ka namin ulit kapag may libre akong oras." Muntikan ng mabilaukan si Ella nang titigan ito ni Nico sa mukha.
"Paano mo naatim na makipag-s*x sa akin? Eh, meron ka na palang asawa! Nakakasukang isipin na kaming magkaibigan ay tinuhog ng iisang hotdog." Mga salita na gustong kumawala sa bibig ni Ella pero hindi nito maisatinig dahil nanga-ngamba ito sa ma-aaring mangyari.
Tiningnan ni Ally si Nico ng may pagtataka mukha kasi itong galit. Mariin nitong tinutusok ng tinidor ang hita ng manok. "Babe bakit pinagla-laruan mo ang pagkain busog ka na ba?"
"H-huh? No wife! Gutom pa ako hinihimay ko lang itong manok, para mabilis matunaw sa loob ng tiyan ko." Kinakabahang sagot ni Nico.
"Matigas ba ang pagkakaluto ko ng manok?Kaya hindi mo kayang nguyain?" Tinapunan niya nang nayayamot na tingin si Nico. Patuloy nitong tinutusok ang chicken leg.
Binitawan ni Nico ang tinidor at dinampot nito ang hita ng manok. Natatakam na kinagat nito ang chicken leg. "Hmm... napaka-juicy wife nitong roasted chicken." Papuri nito sa luto ni Ally habang ito ay ngumunguya. Pilit nitong nilunok ang pagkain kahit hindi naman talaga nito nalalasahan ang pagkain dahil sa sobrang kaba.
Kinakabahan si Nico dahil sobrang talim ng pagkakatitig ni Ally sa mukha nito. "Nakakahalata na ba siya? Na kabit ko si Ella?" Kinakabahan na bulong nito.
"Talaga babe? Masarap?" Naiinis na tanong niya sa kaniyang asawa.
"Yes babe sobrang sarap! Kahit ano naman ang lutuin mo masarap, at malinamnam eh."
"Ganun naman pala eh? Pero bakit walang pagkain ang pinggan mo? Kanina ko pa napapansin parang ayaw mo kumuha ng pagkain?"
"Baka ibang putahi ang gusto ng asawa mo bunso, iyong mga putahi na masabaw tulad ng sariwang tahong masarap iyon kapag-bumubuka. Oh, kaya naman ginataan na tilapya lasang gatas makatas gawa ng niyog, pwede rin beef or pork caldereta masarap iyon dahil may peanut butter lasang mani." Pabirong wika ni Ella.
"Ha ha ha! Ate lahat naman siguro ng lalaki paborito ang tahong na bumubuka at tilapyang malapad." Hindi niya napigilang tumawa sa harapan ng hapagkainan.
"Ayy! Totoo iyan bunso may lalaki nga na gusto ay dala-dalawa ang tahong." Mariing saad ni Ella habang nakatingin ito ng masama sa pawisang mukha Nico.
"Naku Ate! Itong si Nico kapag-tumikim ng ibang tilapya puputulin ko talaga ang hotdog nito eh, ipapakain ko doon sa babae."
"Tama! Tama! iyan bunso kapag na huli mong kumakain ng ibang tahong ang iyong asawa. Putulan mo agad ng hindi na makapanuhog pa ng ibang kepay."
"Mabuti ate, Ella si kuya Alex hindi babaero?"
"One woman man si Alex hindi iyon katulad ng ibang lalaki na sumisisid ng ibang perlas. Eh, itong asawa mo bunso? Mukha siyang anghel na hindi makabasag pinggan."
"Stick to one iyang si Nico, ate akala nga niya tatanda siyang binata na hindi matitikman ang langit."
"What do you mean Ally?" Kunot noong tanong ni Ella.
"Ibig kong sabihin Ate inosenti pa itong si Nico ng magsama kaming dalawa. Hindi ko nga din lubos akalain na sa gwapo niyang iyan ay ako ang first girlfriend niya."
"Ano daw!? Si Nico virgin? Eh, napakaraming beses ng pumasok sa kepay ko ang hotdog niyan!" Gusto ni Ella na isigaw sa pagmumukha ni Ally. Pero imbis na sumabog ito sa galit tumawa na lang ito ng mapakla. "Ha ha ha! Bunso naka-jackpot ka gwapo na ang asawa mo virgin pa. Oh, diba bongga!"
"Basshh!" Naibuga ni Nico ang juice na iniinom nito dahil sa sobrang tension na nararamdaman nito. "Excuse me pupunta ako ng comfort room." Nagmamadali itong tumakbo papunta ng banyo.
Tinanaw ni Ally ang malaking bulto ni Nico na mabilis tumatakbo. "Ano kayang problema ng asawa ko? Bakit kanina pa siya balisa?" Nag-aalalang bulong niya.
"Ate, Ella based sa experience mo? Paano mo malalaman kapag may itinatagong lihim ang iyong asawa?"
"Magbabago ang pagtrato niya sayo bunso, iyong ibang lalaki binabalewala ang asawa, pero iyong iba nagiging extra sweet upang hindi siya mabuko. Bakit Ally? Nambabae ba asawa mo?"
"I don't know ate, kutob pa lang itong nararamdaman ko. Hindi ko pa nakikita sa actual na may kasamang ibang babae si Nico."
Napalunok si Ella ng laway kinakabahan na sumubo ito ng macaroni salad. "Hindi mo pwedeng malaman Ally, na may relasyon kami ni Nico dahil ayaw kong masira ang ating magandang samahan. Kung kailangan na maging-plastic ako sayo habang buhay gagawin ko alang-alang sa ating magandang pinagsamahan." Malungkot nitong bulong.
Nanghihinang sumandal si Nico sa dahon ng pinto. Hindi na nito kinaya pang ma-upo sa hapagkainan kaya kinakabahang umalis ito duon. Napaka-intense ng usapan ni Ally and Ella feeling ni Nico para siyang ipiniprito ng buhay.
"Salamat sa masarap na food Ally, grabi busog na busog ako." Nakangiting wika ni Ella.
Nginitian ni Ally si Ella at binalingan nito si Alexa. "Ikaw Alexa baby? Gusto mo pa bang kumain?"
"No... I'm full tita Ally, nasobrahan na nga po yata ako sa cheese cake kasi ang laki ng tiyan ko."
"Okay, lang iyan baby, pa minsan-minsan ka lang naman kumain ng marami. Tumayo ka na diyan sa silya ililigpit ko na ang mga natira nating pagkain."
"Ako na ang maglilinis ng mga kalat dito sa komedor wife. Estimahin mo na lang ang iyong best friend." Wika ni Nico naglalakad ito palapit sa mesa.
"Ang sweet naman ng asawa ko pa kiss nga!" Dinampian niya ng halik ang labi ni Nico.
"Ayy! Bad tita Ally... He he he!" Hagikhik ni Alexa.
Nakaramdam si Ella ng inggit. Napaka-sweet ni Nico kay Ally, maasahan pa ito sa gawaing bahay. Samantala ang asawa nitong si Alex hindi man lang mautusan mag-hugas ng tasa.
"Ate, Ella duon tayo sa living room magkwentuhan habang umiinom tayo ng red wine." Bitbit ang wine glass at wine bucket nagtungo silang magka-ibigan sa living room.