"Ding-dong! Ding-dong!'' Nagising siya dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng door bell. Sumilip siya sa bintana upang tingnan kung sino ang tao sa labas.
"Mahirap nang magbukas ng pintuan agad baka mapasok ako ng magnanakaw. Wala pa naman akong kasama dito sa bahay." Ina-antok niyang bulong. Nang masigurado niyang delivery man ang nag-do-door bell. Lumabas siya ng bahay upang buksan ang gate.
"Magandang tanghali! Po ma'am, dito po ba nakatira si Mrs. Allyssa Savedra?" Magalang na tanong sa kaniya ng delivery man.
"Yes, I am Allyssa Savedra." Pormal na wika niya.
"Paki-sign po itong receiving sheet. To confirm na received mo po ang Christmas tree."
"Okay." Pinirmahan niya ang papel. "Paki pasok na sa loob." Sumunod siya sa delivery man papasok sa loob ng bahay.
Nang maidiskarga ng deliver man lahat ng mga kahon umalis na ito.
Dinampot niya ang cellphone na nahulog sa gilid ng sofa. Cheneck niya kung tumawag si Nico pero kahit isang missed call wala, hindi rin ito nag-text o nag-chat.
"Diyos ko! Na saan na kaya ang asawa ko? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinokontak?" Nahihintakutang wika niya.
Nag-online siya sa kaniyang social media account. Tiningnan niya ang timeline ni Mike pero wala siyang nakitang post tungkol sa reunion na binanggit ni Nico. Nag-log out siya at tinawagan niya si Nico nag-ri-ring ang cellphone nito pero walang sumasagot.
"Bwisit! Nico ano na bang nangyari sayo!? Please...! Magparamdam ka naman ng mapanatag ang kalooban ko!" Umiiyak na sigaw niya.
Hinahapong napa-upo siya sa marmol na sahig. Habang nag-ta-type siya ng mensahi nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha niya."Good morning babe. Nakarating ka ba ng ligtas sa Bulacan? Okay, ka lang ba? Na tuloy ba ang reunion ninyong magkakaibigan? Please.... Babe kapag na basa mo itong message ko mag-reply ka agad. I love you."
Nagising si Nico dahil sumasakit ang pantog niya. Kailangan na niyang umihi. Ngalay na ngalay na rin ang braso niya dahil nadadaganan nang mestizang babae na ikinama niya kagabi.
Napakahimbing ng tulog nang mestizang babae ginawa nitong kama ang maskulado niyang katawan. Nakakulong sa palad nito ang p*********i niya na sobrang lagkit.
"Hindi ba nagsasawa sa canton ang babaeng ito? Hindi ko na nga alam kung ilang beses ko siya pinutukan kagabi." Tanong niya sa naghihilik na babae.
Inayos niya ng higa ang babae pagkatapos pumasok siya sa loob ng comfort room. Napatingin siya sa malaking salamin na nakadikit sa ding-ding ng banyo.
"Diyos ko! Anong kahayupan ang ginawa ko kagabi?" Aburidong tanong niya sa malapad na salamin.
Meron siyang maliliit na kiss mark sa dibdib pababa sa puson. "Shitt! Patay ako nito kay Ally siguradong iiwan niya ako kapag nakita niya itong marka ng kataksilan ko."
Hinugasan niya ang hotdog niyang naglilimahid sa t***d. Naghilamos siya at nag-tooth brush. Pagkatapos niyang maglinis ng katawan lumabas siya ng banyo.
"Kailangan ko ng umalis dito sa bar bago pa magising ang mga kaibigan ko. Simula ngayon iiwasan ko na ang mga tarantado kong kaibigan. Dahil wala silang maidudulot na maganda sa buhay ko." Mga salitang na buo sa loob ng kaniyang isipan.
"Dapat Nico noon pa lang lumayo ka na sa mga barumbado mong kaibigan nang hindi nasira ang buhay ng dati mong kasintahan." Galit na bulong ng isip niya.
May alaala na pilit lumilitaw sa kaniyang balintataw. Senaryo na kung saan may inosenting babae na kaniyang niloko at pinaglaruan.
"Damn! matagal na panahon na iyong nangyari. Pero bakit ngayon? Binabagabag ako ng aking konsensya?" Nang-hihinang wika niya habang itinatapon niya sa trash bin ang damit na isinuot niya kagabi. Hindi niya pwedeng iuwi sa bahay ang mga damit dahil makikita ni Ally ang marka ng lipstick na nakadikit sa damit at maamoy nito ang pabango nang babae na ikinama niya kagabi.
Pinulot niya ang cellphone na nasa carpet sa sobrang lakas ng pagbayo niya kagabi tumalsik ang cellphone sa baba ng kama. Pinindot niya ang power button ng cellphone na kita niya ang tambak na message at missed calls ni Ally. Aburidong dinampot niya ang travel bag at nagmamadaling lumabas siya ng bar. Pumunta siya sa parking lot ini-unlock niya ang kaniyang kotse at pumasok siya sa loob nito. Tinawagan niya si Ally ilang segundo lang sumagot agad ito.
"Hello babe? Bakit ngayon ka lang tumawag?" Medyo galit na tanong ni Ally.
"Sorry, wife hindi ko kasi makita ang cellphone ko kahapon. Nakalimutan ko kung saan ko nailagay ngayon ko lang nakita na iwan pala dito sa loob ng sasakyan." Bwisit napakababaw ng dahilan ko sana hindi makahalata si Ally piping hiling ni Nico sa kawalan.
Gusto niyang sigawan si Nico dahil kung gusto talaga nitong tumawag maraming paraan. Pwede itong manghiram ng cellphone kay Mike, pwede rin itong gumamit ng land line phone pero hindi man lang nag-effort ang magaling niyang asawa. Pinilit niyang kumalma kahit gustong-gusto na niyang magwala. "Di ba babe pinag-usapan na natin ang tungkol sa ganitong bagay, na tuwing aalis ka oh, kung na saang bahagi ka ng Pilipinas ipapaalam mo sa akin. Nang hindi ako nag-aalala."
"Sorry talaga wife hindi na mauulit. Okay, ka lang ba diyan sa bahay? Kumain ka na?"
"Okay, lang ako babe sa bakeshop na ako kakain. Kumusta ang reunion ninyong magkakaibigan kagabi? Nag-bar hoping ba kayo?"
"No hindi kami lumabas nag-stay lang kami dito sa place ni Mike, uminom ng kaunti then natulog na."
"Mabuti naman kung ganun. Kailangan ko ng pumunta sa bakeshop babe."
"Okay, Ally, I love you, mwaaahh.."
"I love you so much! Babe, bye! See you tomorrow. Agahan mo ang pag-uwi bukas marami kasi tayong gagawin dito sa bahay."
"Okay, babe take care." Hinahapong sumobsub si Nico sa manibela. Dalawang linggo pa lang niyang nakakasama si Ally pero ang dami na niyang nagawang kasalanan na hindi nito alam. "Mapatawad pa kaya ako ng aking asawa? Kapag nalaman niya lahat ng mga kagaguhan ko."
Matamlay si Ally na pumasok sa loob ng bakery. Umupo siya sa swivel chair. Sumasakit ang ulo niya kaiisip sa mga kaka-ibang bagay na ginagawa ni Nico. Unti-unti niyang na di-discover ang itinatago nitong ugali. Tama nga ang sabi ng mga matatanda lubusan mong makikilala ang isang tao kapag-nakasama mo na ito ng matagal sa isang bubong. Sumobsob siya sa mesa gusto niyang matulog upang mawala ang mga tanong na gumugulo sa kaniyang isipan.
Tinatahak ni Nico ang daan papunta ng Manila. Nagtatalo ang puso't isipan niya kung ipagtatapat niya kay Ally ang mga na gawa niyang kasalanan at ang tungkol sa kaniyang nakaraan.
"Hindi ka ba naaawa sa asawa mo Nico? From the very beginning niloloko mo lang siya?" Malungkot na bulong ng isip niya.
"s**t!" Nahampas niya ang manibela. "Dahil sa kalibugan ko naging komplikado ang lahat." Napadiin ang tapak niya sa silenyador kaya bumilis ang takbo ng kotse sa gitna ng sementadong kalsada.
Kahit pumikit si Ally ng pa-ulit-ulit hindi pa rin ito nakakaramdam ng antok. "Ganito siguro talaga kapag may malalim na problema laging balisa hindi mapakali at laging lutang." Dinampot nito ang wedding picture na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Tinititigan nito iyon at hinaplos ng dahan-dahan.
Inayos ni Nico ng park ang kotse sa parking lot ng AllyShane bakeshop. Pagkatapos bumaba siya ng sasakyan at malalaki ang hakbang na pumasok siya sa loob ng bakery. Hinanap niya si Ally sa loob ng bakery pero hindi niya ito nakita roon. Pumunta siya sa baking station pero wala rin duon si Ally. "Myla na saan si Ma'am, Ally mo? Bakit wala siya dito sa kaha? Hindi ba siya pumasok?"
"Nasa loob po ng opisina si Ma'am Ally, masama po yata ang pakiramdam niya." Magalang na sagot ni Myla.
Nagmamadali siyang pumunta sa opisina naka-awang ang pinto nito. Pasimple siyang sumilip nakita niya si Ally na umiiyak habang yakap-yakap nito ang kanilang wedding picture. Para siyang sinuntok ng malakas sa sikmura nang makita niya ang kahabag-habag na ayos ni Ally ramdam niya ang matinding sakit na pinagdaraanan nito.
"I'm so sorry wife, hindi ko sinasadyang saktan ka." Mahina niyang bulong habang humahakbang siya palapit kay Ally.
"Wife mas matutuwa ako kung ako mismo ang yayakapin mo ng mahigpit."
Napatigil si Ally sa paghikbi at nagugulohan na nilingon nito ang lalaking nagsalita. "Babe? Your here." Inilapag nito ang picture frame sa ibabaw ng mesa at nagmamadali itong tumayo. Dinamba nito ng mahigpit na yakap si Nico.
"You really miss me wife..? Bente kwatro oras lang ako na wala miss na miss mo na ako agad.." Hinalikan niya si Ally sa bunbunan.
"Ang katumbas ng isang araw ay isang taon babe. Sobrang na miss kita. Bakit umuwi ka na? Akala ko two days ka roon sa Bulacan?"
"Iniwan ko na ang mga kaibigan ko na out of place ako ee... Lahat sila may partner ako wala ayaw ko naman mag-table ng babae dahil baka kapag nalaman mo putulin mo itong giant hotdog ko. Gawin mong flavor ng pizza."
"Ha ha ha! Hinding-hindi ko puputulin iyang hotdog mo babe. Alam mo kung ano ang gagawin ko pagnalaman kong nang-babae ka? Iiwanan kita at hindi mo na ulit matitikman ang kepay ko." Seryuso saad ni Ally.
''Ha ha ha!" Idinaan ni Nico sa pagtawa ang nerbyos na kaniyang nadarama "Nakakatakot ka pala magalit wife, promise hinding-hindi ako titikim ng ibang K..E..P..A..Y!"
"Alam ko naman na hindi ka babaero babe ee.... Kasi di ba 30 year's old ka na pero hindi ka nagkaroon ng girlfriend kahit isa. Kaya nga proud na proud ako sayo babe, kasi hindi ka babaero. Im so lucky to be your wife." Proud na wika ni Ally.
"Ang sweet naman ng asawa ko." Hinapit niya sa bewang si Ally. Hinalikan niya ito ng mariin. "Wife, kain tayo sa labas."
"Okay, babe." Dinampot ni Ally ang mamahalin nitong shoulder bag at hinila nito si Nico palabas ng opisina.
"Aalis ako siguraduhin ninyong malinis dito sa loob ng bakeshop bago ninyo isarado mamaya. Make sure na naka-lock ng maayos ang mga pintuan," Bilin ni Ally sa mga honest nitong tauhan.
Sumakay silang mag-asawa sa kotse. Wala siyang idea kung saan siya dadalahin ni Nico.
Panaka-nakang sinusulyapan ni Nico si Ally.
Nakangiting si Ally habang tinatanaw nito ang magagandang tanawin sa labas ng sasakyan.
Si Nico ay taimtim na nagdasal na sana hindi malaman ni Ally ang mga kalokuhan na ginawa nito.
Excited si Ally na bumaba ng sasakyan. Napangiti siya nang matanaw niya ang kulay asul na dagat. Dumapyo sa pisngi niya ang malamig na hangin naamoy niya ang nakakatakam na amoy ng inihaw na seafood. Nilanghap niya ang sariwang hangin at nakangiting pinagmasdan niya ang buong paligid. May iba't-ibang style ng seafood restaurant sa tabi ng sea bay area. May mga turistang nag-se-selfie, mga kabataang kumakain ng sorbetes. Asul na asul ang tubig dagat dahil sa reflection ng ulap.
"Alam na alam mo talaga babe ang lugar na gusto kong puntahan."
"Of course alam ko lahat ng tungkol sayo wife. Alam na alam ko rin ang hugis at sukat ng mani mo," pilyong wika ni Nico.
"Ee.. babe! ang bibig mo baka marinig ka nang ibang tao." Humahagikhik na tinakpan niya ang bibig ni Nico.
Tumatawa na inalis ni Nico ang palad ni Ally na nakatakip sa kaniyang bibig. "Wife pasok na tayo sa loob ng restaurant medyo malamig na kasi dito sa labas baka sipunin ka."
Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng Restaurant sa gitnang bahagi sila umupo.
Napakasimlpe ng design ng restaurant pero nakaka-akit tingnan. Anahaw ang bubong nito may nakadikit na ibat-ibang klase ng seafood sa ding-ding, ang lamesang kahoy ay hugis isda.
Nakangiting binuklat niya ang menu. "I want daing na bangus, sinigang na hipon, plain rice, fresh manggo juice, and grilled tuna."
"Okay, Maam, pakihintay na lang po ang pagkain." Nakangiting wika ng waiter.
Binitawan niya ang menu at nginitian niya ang waiter bago ito naglakad palayo sa kanilang mesa. "Ang ganda-ganda dito babe tapos ang mga pagkain very affordable ang price."
"Yes wife masarap dito tumambay habang kumain ng fresh seafood. Alam mo ba favorite place namin ito ni Ell-"
"Excuse me Maam, Sir, ito na po ang order ninyong food." Ibinaba ng waiter ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa.
"Sino babe? Ang kasama mo dito? tuwing kumakain ka?"
"Leche! Muntik na ako madulas kung hindi dumating ang waiter siguradong nabuking na ni Ally na mayroon akong babae." Gigil na bulong ni Nico.
"S-si Elliot ang bestfriend ko no'ng college madalas kami pumunta rito noon. Si Elliot ang naka-discover ng lugar na ito favorite kasi niya ang seafood at fried chicken."
Nagtatakang pinagmasdan niya ang namumutlang mukha ni Nico. Obvious na obvious na kabado ito dahil medyo nauutal itong magsalita. "Akala ko babe apat lang ang bestfriend mo si Mike, Rico, Tony at si Oliver."
"Anim talaga kaming magkaka-ibigan wife. Pumunta sa abroad si Elliot kaya hindi mo siya kilala." Wika ni Nico habang nilalagyan nito ng pagkain ang pinggan ni Ally. Binalatan nito ang hipon at iniumang sa bibig ni Ally.
Nahihiyang nginuya niya ang matabang hipon. "Huwag mo na ulit ako subuan babe nakakahiya ang daming tao nakatingin sila sa atin. Siguro iniisip nila masyado akong pa-bebe."
"Who cares Ally kung pa-bebe ka eh, talaga namang baby kita eh." Nakangiting wika ni Nico habang sinusuban siya nito ng grilled tuna.
Kinikilig na nginuya niya ang tuna "Ang sweet talaga nang asawa ko. Lagi niya akong ini-spolied sa mga bagay na gusto ko." Kinikilig na bulong niya. Hinimay niya ang daing at isinubo niya kay Nico.
Magana silang kumain. Sinubuan nila ang isat-isa wala silang paki-alam sa mga taong kinikilig na nakatingin sa kanila.
Dati si Ella ang laging kasama ni Nico na kumain rito sa anahaw seafood restaurant. Favorite food ni Ella ang calamaris at tempura. Tuwing namamasyal sila ni Nico sa bay area. Magkayakap silang umuupo sa buhangin habang kumakain ng pinipig. Si Ella ang naka-discovered ng magandang lugar na ito noong second year college pa lang sila ni Nico. Simula noon naging tagpuan na nila itong munting paraiso sa tabi ng dagat.
"Grabi babe, busog na busog ako ang dami kong nakain." Dumidighay na wika ni Ally.
"Maglakad-lakad tayo wife sa dalampasigan para bumaba ang kinain mo." Kumuha si Nico ng pera sa leather wallet nito. Iniwan nito ang pera sa ibabaw ng mesa.
Magka-holding hands na lumabas sila ng restaurant. Tinahak ng kanilang mga paa ang dalampasigan na hinahampas ng medyo malakas na alon. Nakangiting pinanuod nila ang alon ng dagat. Ramdam nila ang malamig na hangin na dumadampi sa kanilang balat. Medyo malamig ang panahon ngayon dahil Christmas season.
"Umuwi na tayo babe ng makapagpahinga ka."
"Okay, wife." Malambing na wika ni Nico. Inakay nito si Ally papunta sa parking lot.
Napatigil si Nico sa paghakbang nang marinig niya ang hagikhik ng batang babae. Masayang nakikipaghabulan ang bata sa mga batang tumatakbo sa corregidor. Labas na labas ang malalim na dimple nito at singkit na singkit ang mata nito katulad ng mga mata niya.
"Alexa! Tama na ang laro dahil kakain na tayo," wika ng magandang babae.
Bumilis ang t***k ang puso ni Nico nang marinig niya ang malamyos na boses ng babae. Naka-side view ang babae kaya hindi niya makita ang buong mukha nito. Pero kahit hindi niya makita ang mukha nang babae. Alam niyang si Ella iyon based sa maganda nitong boses at maganda nitong tindig.
"Paano naging singkit ang anak ni Ella? Eh, hindi naman singkit ang mata ni Alex. Hindi kaya anak ko si Alexa? Siya ang naging bunga ng kapusukan namin ni Ella noon?" Tanong na nabuo sa kaniyang isipan.
"Babe! Bakit nakatulala ka diyan? Ayaw mo pa bang umuwi?" Hindi ni Ally alam kung ano ang tinititigan ni Nico. Kunot na kunot ang nito at parang may malalim na iniisip.
Natatarantang tumakbo si Nico palapit kay Ally. Ini-unlock nito ang kotse at hinila nito si Ally papasok sa loob ng sasakyan.
Natatakot si Nico na baka makita ni Ally ang mag-inang pinagmamasdan nito kanina.
Nagugulohan na umupo si Ally sa shotgun seat. Ramdam na ramdam niya na tensyonado si Nico dahil pinagpapawisan ito at napakahigpit ng pagkakahawak nito sa manibela ng sasakyan. "Babe may problema ba?"
"Huh?" Napabaling ang tingin nito sa mukha niya. "I don't have a problem wife. Why did you asked?"
"Para kasing tensyonado ka. Kanina pa nakakunot ang nuo mo."
"No, Im not tense wife pagod lang ako at puyat." Binuhay ni Nico ang stereo components ng kotse upang mawala ang kaba na nadarama nito.