Donovan's
present day...
Magulo ang buhok, nakayuko ang ulo pero kita ko ang mugto ng mata nito, ang mukha nito ay namumutla na parang tinakasan ng kaluluwa; she looks distressed. Tahimik lang itong nakaupo sa aking harap, ako naman ay nakapatong ang dalawang kamay sa tuhod at di mapakali at masakit ang buong katawan.
Kasalukuyang nag-uusap ang Dad ko at Dad niya, habang nasa labas muna kami at naghihintay. Pinapakalma kasi ng Dad ko ang Dad niya at baka ano daw ang magawa sa akin.
I hate this, we are not some stupid teenagers. Kaya naming gawan ng paraan ang problemang ito!
"Miss, uminom muna ho kayo ng tubig", dumating ang sekretarya kong may dalang mga basong tubig. Nahoasalamat si Kari bago iyon kinuha at uminom.
I gestured out to my secretary bago nagsalita.
"You are with child, my child?"
"Oo, buntis ako at sayo ang bata and if you're asking sa boyfriend ko ay wala dahil nagsinungaling ako", he shook his head.
"How can you let that happen, we f**k, we aren't anything aside from that at wala ka man lang tini-take na contraceptive?", this is unbelievable, siya ang babae at mas kilala ang katawan niya, she could have prevented this.
"I know, I'm sorry", tiningnan ko ito ng seryoso.
"Are you even aware what's going to happen next? Pipilitin nila tayo para sa batang iyan"
"Ayaw mo ba?", mahina ang boses na wika nito.
"What?"
"When we were together, hindi ka ba nakaramdam ng pagmamahal sa akin?", umawang ang aking bibig, di makapaniwala sa sinasabi nito.
"Tell me, with the most honest answer, Don. Sa mga panahong iyon, sa mga sandaling kasama mo ako, wala ka bang naramdaman bukod sa tawag ng laman? Di mo ba talaga ako minahal?", she is now looking at me like she's ripping me whole, just to get the answer she wants. Ang mga kamay nito at mahigpit na nakawak sa baso at naghihintay ng sagot.
Ilang minutong katahimikan ang pumuno sa paligid.
"You want honesty from me, well this is my honesty. You were just another core to fill"
"I see, kasalanan ko rin naman, ginusto ko rin iyon because to me you were more than just a f**k, but a man I respect and adore. Kaya wala akong pinagsisisihan noon and if I were to turn back time, gugustuhin ko pa rin makasama ka kahit sa mga nakaw na sandaling iyon", sabay gawad sa akin ng isang ngiti, iyong masasabi kong totoo at walang halong kasinungalingan.
She always looks so pure even if she doesn't, mga ngiti nitong nagwawala ng bigat ng sitwasyon, but I know better than to be fooled by her. I hate that, I hate this situation that we are in.
"Donovan", isang boses ang sa kung saan ang aming narinig. At nakita ko ang Ate Adriana na papalapit na sa akin, her two month old tummy is showing already. Buti nalang at dumating ito, at baka ano pa ang nasabi ko kay Akari.
"Don, are you okay? Tumawag ang Dad may nag-aamok daw sa company mo? May sugat ka!", hinahawakan ng Ate ang latawan ko at inikot-ikot iyon upang tingnan kong may pasa ako.
"I'm okay, medyo masakit lang ang katawa kaya wala kang dapat ipag-alala, undercontrol na ang lahat.
"Mabuti naman at--", natigil ito ng mapansin si Akari
"Who are you?",
"Um.. Akari, Akari Veluz", inilahad nito ang kamay sa Ate.
"Adriana, Donovan's sister"
"Are you Don's new girlfriend?", ang tingin nito.
"No, but I got her pregnant. Nag-uusap ngayon ang Dad nya at si Dad like we aren't some grown ass adult that could handle our situation-- argh!"
"Ganyan ka ba tinuruan makipag-usap sa babae? At ano, nabuntis?", hinila nito ang braso ko.
"Pwede ba Ate, narinig mo ako", sabi ko nalang sabay na tinalikuran.
"Anong plano niyong dalawa?",
Nagkatinginan kaming dalawa ni Akari. Maaring nasa tamang mga edad na kami at kaya nang magdesisyon ng sa aming sarili pero gaya ko, kita ko sa kanya kahit ito ay di rin alam kung anong susunod na gagawin.
The baby wasn't supposed to be.
We broke contact at napahawak nalang si Akari sa kanyang tiyan nang bumukas ang pinto at lumabas doon ang mga Tatay namin. Mukhang kalmado naman na si Mr. Veluz at nakangiti ang Daddy.
"Nakapag-usap na kami ni Lewis, at tingin namin ay ito ang makabubuti para sa lahat", wika ni Mr. Maderazo.
"Pakakasalan mo ang anak ko, lalaki. Papanagutan mo ang bata at hindi iyan magiging bastardo"
"Dad, hindi!", napatayo si Akari na siyang ikinagulat ko. Doesn't she want this?
"Hindi ko itatali si Donovan ng dahil lang sa bata. Tinanong niyo man lang ba kami sa nais namin? Hindi na kami mga bata! We can co-parent, hindi namin kailangan magpakasal!", may panginginig sa boses nito at nakakamao ang mga kamay.
"At madidehado ka? Hindi ko hahayaan iyon! At isa pa, hindi naman mabubuo iyang nasa sinapupunan mo kung di ka rin naman ginusto ng isang to, kaya panagutan niya!", tinuro ako ni Mr. Veluz.
Should I marry her?
Would I want to marry her?
"Dad, hindi ganun. Walang pagmamahal sa--"
"I'll marry her...", putol ko sa mga sasabihin pa sana nito, tumayo at hinarap si Kari na umiiling, ang mga luhang pinipigil nito ay tuluyang bumagsak sa kanyang magkabilang pisngi.
Lumapit ako sa kinatatayuan nito at kinuha ang kanyang kamay at idinantay ang kanyang mga daliri sa puwang ng kamay ko at mahigpit iyong hinawakan.
"Tama kayo, dapat kong panagutan si Kari at nasa tamamg edad na kami upang bumuo ng isang pamilya so, I will, like a man with honor and integrity, marry your daughter, Mr. Veluz"
"Donovan...", nanghihina ang boses niyang tawag. Humarap ako sandali, ngumiti at pinahid ang kanyang mga luha.
"You will have my child and I will marry you"
~~
"You're a pathetic loser, Don", ibinaba nito ang fencing sword at tinanggal ang mask, ganun din ako at hinahabol ang aming hininga. Kinuha ang bottled water na anduon at uminom.
"Alam mo Ben, you should keep away from Uzman, namamana mo na ang bibig nang isang iyon eh"
"You lost while your telling me kung paano ka maaring ikulong ng isang babae sa isang union na hindi mo na matatakasan. A pathetic loser", kinuha nito ang phone at nagtitipa.
"Parang kakaiba naman yata at sa akin ka nalapit imbes na kay Jorge",
"Do you even understand who that man's wife is?"
"Like you said the girl you got pregnant's friend is Jacintha. Oh to you, I wish you well!"
"Sinong tini-text mo?", nasa phone na namaan kasi agad ito.
"Uzman. I told him everything. Oh, nag-reply siya through a voice message", nilakasan nito ang volume at hinarap sa gawi ko ang speaker.
Uzman: "I wish you well... in hell, Donovan for bedding Jacintha's friend. You're stupid and should stick your p***s in the right place next time!"
"f**k you, Uzman!", napa middle finger nalang ako sa phone ni Ben kahit di naman nito nakita.
Bagsak ang katawang naupo ako sa solo chair. Ugh! I'm getting married, I can't believe I'm gonna get married to another girl.
"Kuya!", pareho kaming napalingon ni Benille sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. It's Mindy, my little sister, suot pa rin nito ang Senior High uniform niya.
"Mindy! You can't just walk in here".
"I can, Kuya Benille said so", tinaas lang nito ang kilay sa akin bilang tugon.
Padabog at galit itong lumapit sa amin saka ako hinampas sa balikat.
"What is it this time?"
"You're going to get married with another girl that is not Ate Celyn!"
"Mindy, wala na kami ng Ate Celyn mo, accept fact that I'm marrying another"
"Ayoko! Bat ko tatangapin sa pamilya natin ang babaeng di pa naman namin nakikilala. She could be a beast, she may abuse me! I like Ate Celyn, Kuya Don, why can't it be her?!"
Nagtagis ang aking bagang bago tumayo
"Kuuuuyaaah!", sigaw nito sa aking na kung magkasing tangkad lang kami ay tumalsik na ang laway nito sa akin.
"Talk to Dad about it, Mindy. If you can change his mind, then you did me a service. Ben, I'll just take a shower"
Iniwan ko na ang mga ito at naglakad na paalis doon saka nagpunta sa isa sa mga kwarto sa bahay ni Benille and took a shower. Naitukod ko ang kamay sa pader at nakayuko ang ulong hinahayaang dumaloy ang tubig sa aking katawan.
I haven't even told Jorge about it dahil kay Jacintha. Hindi pa rin ito sumusugod dito kaya siguradong di pa rin nakapagsabi si Akari. Alam kong di na namin ito maitatago. We are obligated to tell them, ayoko kasing isipin ni Jacintha that I'm some stupid ass who got her friend pregnant and not taking responsibility.
I just need a good timing.
Nang matapos ako ay nadatnan ko nalang na naglalaro sina Benille at Mindy ng video games. Ni hindi lang naman naramdaman ng kapatid ko ang presensya ko nang itaas ni Benille ang kamay niya sa likod sabay sumenyas ng 'alis' sa kanyang kamay.
I smirked at the idea na binibigyan ako ni Ben ng tsansang makaalis bago na naman ako kuyugin ng kapatid ko ng mga katanungan niya. At tuluyan na nga akong nakalabas doon. It's already almost five in the afternoon, at medyo madilim na sa labas ng tinawagan ko si Luka , pinapabantayan ko sa kanila ang bahay ng mga Veluz, specifically Kari.
"Speak..."
"Sir, may lalaki ho siyang kayakap ngayon at...", iyon lang ay tila nagpanting ang aking tenga at di ko na narinig ang mga sumunod pa nitong sinabi.
"You can take a break. Ako na ang bahala"
How dare she!
Is she even aware na sa oras na malaman ng lahat na ikakasal na ako ay nasa kanya na rin ang tingin ng lahat?
Nang dahil sa traffic ay madilim na ng makarating ako sa bahay ng mga ito. Wala na kasi ito sa condo niya ngayon, ang alam ko ay kasama na nito sa bahay ang Dad niya hanggang hindi pa kami kinakasal. Thinking about it, we will be living in my Grandma's house na mamanahin ko lang kapag kinasal na ako.
Hindi pa ako agad lumabas ng kotse, tanaw ko ang labas nila kaya tinitingnan ko kung makikita ko siya at di naman ako nabigo. Nasa teresa nila ito at dinidiligan ang mga maliliit niyang halaman. Wala itong kasama, iba sa sinabi ni Luka na may kayakap ito.
Bababa na sana ako ng isang paparating royal blue na kotse ang paparating, pamilyar iyon sa akin, pero kung sa kanya iyon. Ano ang ginagawa nito sa bahay nina Akari?
Hinintay ko itong lumabas ng sasakyan at hindi nga ako nagkamali. That tall stature, that is two inches taller than mine and his slim build. May kinuha ito sa loob na mga bulaklak at isang box na sa tingin ko ay cake.
Nag door bell na ito at naghihintay na pagbuksan, nakangiti pa itong inayos ang dala. Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad papalapit rito.
"Kerin Desjardin, anong ginagawa ng Mafia Don dito", wika ko rito sabay pasok ng kamay sa bulsa. He looks at me confuse.
"Mr. Maderazo, kayo ho ang dapat kong tanungin iyan. Ano ang ginagawa niyo sa bahay nina Miss Kari?"
"Would you really want to know?",
Hindi pa man nakapagsalita si Kerin ay bumukas na ang pintuan at niluwa niyon si Akari. Her hair in a ponytail, her face on Kerin alone, I cleared my throat.
"Donovan... Anong ginagawa mo rito?", nakuha ko ang atensyon niya.
"Is he harassing you, Miss Kari?", Ani ni Kerin.
"Hey! watch your mouth. Hindi iyan ang tamang paraan para magtanong. Do I look like I'm harassing her?"
"Kung ganun ano ang ginagawa niya rito, Miss Kari?"
"Kerin, kasi...", agad kong hinila ang bewang nito papalapit sa akin at pinagapang ang kamay, sabay hawak sa tiyan nito. She went stiff as I did that.
"Masama bang dalawin ko ang fiance ko"
"Fiance?", tanong ni Kerin kay Kari.
"Yes, yes Kerin. Fiance ko nga siya"
"And she is with child", hinimas ko pa ang tiyan nito.
"Hindi ko pa nababalitaan si Jorge. Don't worry we will be inviting you to the wedding"
Hindi agad nakapagsalita si Kerin bago inabot kay Kari ang mga bulaklak at cake.
"Kung ganun, best wishes. Enjoy the cake, Miss Kari, favorite mo iyan"
"Hindi ka ba papasok, andiyan ang Dad"
"Hindi na, may lakad rin naman ako.I jjust made way to give you that"
"Ganito ka bang palagi, Kerin? Kay Kari? Kung ganun itigil mo na. As you can see, she has me now. Baka anong isipin ng iba kapag nakita kang nakabuntot sa kanya", putol ko sa pag-uusap ng dalawa.
"I'm sorry, Mr. Maderazo, Miss Kari. I didn't know, hindi na ito mauulit", kita ang pagpipigil nitong sapakin ako. Lalaki rin ako, alam ko ang istilo niya, he likes Kari, halata naman pero tingin ko ay kaibigan lang ang tingin ni Kari rito, poor man, back out already! Go home! Shoo!
"Aalis na ako, paalam sa inyong dalawa", nagbow lang ito kay Kari at sa akin saka umalis na.
"Hindi ko akalaing kahit si Kerin pinatulan mo"
"Excuse me?", galit itong nilingon ako.
"Kahit kinakapatid ng kaibigan mo di mo pinatawad", pagkatapos kong sabihin iyon ay isang sampal ang lumapat sa aking pisngi.
"Wala kang karapatan husgahan ako dahil wala kang alam"
Marahas kong hinila ang kamay nito.
"Nakikipagyakapan ka kanina sa ibang lalaki, ngayon nadatnan kong narito sa harap ng bahay mo si Kerin. How do you think I would take that?"
"Anong nakikipagyakapan? It was with my brother, Haru. Pwede ba kung mang-aakusa ka lang din naman, sana ay totoo. At teka lang, pinapabantayan mo ba ako?"
"Akari?", tawag sa kanya ng isang boses at lumabas na nga ng pinto ang sa tingin kong Kuya nitong si Haru, dahil sa singkit nitong mga mata.
"Kuya, si Donovan", nakipag-kamay ako rito ngunit hindi nito inabot.
"Pumasok ka, at ikaw rin Kari"
Tuluyan na nga akong pumasok at naupo lang sa sala ng mga ito. Tapos na yata ang mga itong maghapunan at kumakain na ng prutas, anduon rin ang Dad nila. Inaya ako ng mga itong kumain pero sinabi kung hindi na. Sa tingin ko kasi ay mabibilaukan ako sa dalawang lalaking ito na hinihintay lang na magkamali ako at susunggab na.
"Saan mo ititira si Kari?", tanong ng Kuya nito.
"I have my Grandma's house. I can inherit it when I wed"
"I hear you have a chain of businesses"
"Yes and they're doing well, I can surely support Kari"
Hinahanap ng mga mata ko si Akari, wala kasi ito doon, I'm left with these two men, na nag-iinterogate pa sa akin.
"You are a secured man, wala kaming problema doon. Me and Dad, we actually want nothing but happiness for her. The moment na nalaman naming inaabuso mo siya, ako ang hahati sayo gamit ang katana",
"Kuya, Dad, tama na iyan..."
Lumalim ang gabi at doon na nga ako kumain, di naman ako nabilaukan at sa totoo lang ay matino kausap ang mag-ama. They just want Kari and our child to be safe and with a home. I can do that, but not love.
"Salamat at dumalaw ka, nakilala at nagka-usap kayo ang Kuya",
"Mag-ingat ka sa mga gagawin mo, kapag kinasal na tayo asawa ka na ng isang Maderazo"
"Alam ko..."
"I can assure you that I can give you what I promised them Kari but that one thing", pag-iiba ko ng usapan.
"Ang alin?..."
"Love. I can't gaurantee you that. I don't love you and I don't find myself loving you in the future. So don't get your hopes up", she look at me for a while bago nagsalita.
"Alam ko. Umuwi ka na, Mr. Maderazo", mahina ako nitong tinulak.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at nag-drive paalis doon. As I stopped at the traffic lights, hindi ko mapigilang hindi maalala ang mukha ni Kari ng sabihin ko iyon, sa huling pinag-usapan namin.
She looks like she's going to break and that the words I said ripped her.
I care less, mas mabuti na iyon kesa mag expect siya ng isang bagay na hindi ko maibibigay.