Capitulo Siete

2475 Words
Akari's "Saan tayo pupunta?" "Sa magiging bahay natin mula ngayon" Lihim akong napangiti sabay hawak sa aking singsing. Nasa passenger seat ako, kasama si Donovan na ngayon ay nagmamaneho. Gaya ng sabi nito, titira na kaming dalawa sa iisang bahay. As a husband and wife, at kahit papaano ay naiibsan niyon ang bigat na nararamdaman ko sa pagkawala ng anak namin. Matapos ang kasal ay walang naganap na honey moon, he decided not to, kaya sumunod nalang ako. At ayaw na rin nito ng may masagap pang pribado ang media, gaya nalang ng ilang mga pictures namin na nakakalat na ngayon sa mga SNS site saying, ang isang Donovan Maderazo, ay kasal na. I wasn't even aware what his name holds, buti nalang at walang nabalita tungkol sa amin even before the marriage, pero kung meron man siguro ay di na nila magagamit iyon against kay Donovan dahil kasal na kami at may kasintahan na ring iba si Celyn. "We're here...", Tanaw ng aking mga mata ang isang two story mansion, all white ito at mukhang pinagsamang vintage at modern style. Napakalaki kung sa labas lang titingnan, paanonpa kaya sa loob. Napakagara ng bahay. Sinalubong agad kami ng isang Ginang na babae, mukhang nasa fifty's pa lang ito, na may kasamang mga katiwala sa likod niya parehong silang mga pormal na naka uniform. Nakangiti agad ito sa paparating naming sasakyan at nang makababa kami ay binati ni Donovan at ng ako na ang babatiin nito ay nawalang bigla ang mga ngiti nito na tila ba gulat sa aking presensya at tiningnan ako taas hanggang baba. May mali ba sa yellow green crochet dress ko? Wala naman yata. "Akari this is Manang Eva siya ang mayordoma ng bahay. Manang Eva this is Akari; my wife", pakilala nito sa akin. "Hello ho, Manang Eva. Aeva rin ho ako but with an A sa unahan, nice to meet you po", tumaas ang dalawang kilay nito. Napaka unnecessary naman kasi ng sinabi ko. Come on Akari, pull yourself together. "Hello ho sa inyo, Ma'am Akari. Ito sina Ann at Lina, kami ang mga kasambahay dito sa bahay. Tawagin mo lang kami kung may kailangan ka", mukha naman u***g makapagkakatiwalaan di ko lang alam bakit nabigla ito ng makita ako. Tingin ko hindi appropriate itanong kung bakit. Ipinasok na ng mga ito ang dala naming mga gamit. Agad bumungad sa akin ang foyer na may malaking staircase, at ang malawak na living area. Napangiti ako sa kabuuang vibe ng bahay, napaka homey kasi, tingin ko since dito na kami titira ay may gagawin akong unting touch ups lang naman. Pumunta na kami sa itaas na may apat na kwarto, dalawa sa kanan at dalawa sa kaliwa. Nakita kong naglakad si Donovan patungo sa kung saan, siguro ay pupunta ito sa magiging kwarto namin. Sumunod naman na ako sa kanya ng bigla itong huminto at kamuntik pa akong mauntog sa kanyang likuran. "Nasa kabilang side ang room mo", tinuro nito ang left wing, nasa right wing kasi kami ng bahay. "Huh?", mag-asawa kami, at least sa mata ng iba. Di ba dapat iisa kami ng kwarto? "I don't like reapeating myself, Kari" "Pero... ano--" Napatingin muna sa paligid si Donovan bago napahalukipkip. "We aren't husband and wife. What we have is a fake marriage; baka nakakalimutan mo iyon" Parang nasampal ako ng katotohanan at mabilis na umisang hakbang palayo rito. "Far left, first door. Doon ang kwarto mo" "Pero paano sina Manang, ang alam nila mag-asawa tayo" "They don't interfere, kung anumang nangyayari sa loob ng bahay na ito ay mananatiling narito. They will never question what I do, so kung ako sayo wag mo nang alalahanin ang mga trivial matters na iyan. Wala ka naman na kasing gagawin but to just act like the fake wife that you are", His words as usual cuts, kaya dapat naman na siguro akong masanay. Isang dabog ng pinto lang ang aking narinig at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Sabay kaming kumain ng gabing iyon, but the meal was silent. Hindi rin ito kumatok man lang sa kwarto ko ng gabing iyon. Kinabukasan ay nagising na ako sa isang bagong kwarto, kamuntik pa akong magulat, pero naalala kong ito na nga pala ang bagong tahanan ko. At ang sitwasyon namin ngayon ni Donovan ang magiging new normal namin. Nag text muna ako kay Dad, after a week or two kasi ay sasamahan ko na ito para i-schedule ang operation niya. Matapos ay naghanda na ako sa aking araw ngayon at nang bumaba na para sa umagahan ay pansin kong wala si Donovan. "Bumaba na ho ba si Don?", tanong ko kay Ann na naghahanda ng mesa. "Kanina pa ho nakaalis si Sir Don, Maam. May trip daw ho siya sa Mindanao kaya wala siya rito ng mga isang linggo. Hindi ho ba siya nakapag-paalam sa inyo?", Wala itong sinabi, at iiwanan talaga ako nito ng isang linggo magalos ang kasal? "Ah oo nga pala nakalimutan ko may business trip siya", pagsisinungaling ko nalang. Ayokong isipin nila that that I'm a push over of a wife. Ipinokus ko nalang ang atensyon ko sa pag-check ng mga Emails ng cafe'. May plano kasi kaming mag all out dito at kumuha ng mga influencer upang i-endores ang mga baked goods. I'm planning on widening my scope at dito ako magsisimula. Nang mapansin kong wala na akong tubig ay bumaba na muna ako, and for awhile ay napahinto ako sa hagdanan, pinatong ang aking kamay sa aking baba at napansin ang mga pwede pang improve na i-decorate sa bahay, wala kasing ka laman laman iyon bukod sa mga furnitures. I know it already looks homey but it can also be vibrant that when you come home to it your mood just lights up. Kinausap ko muna si Manang Eva, mukhang nagdadalawang-isip pa nga ito pero sinabihan lang niya akong ako ang masusunod sa nais ko dahil ako ang asawa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, knowing this is only a fake marriage. Nagsimula ako sa paglalagay ng mga bulaklak, lahat iyon ay kung maari ay fresh. Sa bawat sulok ng bahay ay nilagyan ko nun. Ibinababa ko na ang huling vase sa gitna ng table ng sala nang mapansin ko ang isang batang lalaki. Nasa may dining area ito, at sumisilip sa akin. Akala siguro nito ay di ko siya napapansin, kapag kasi nahaharap ako sa direksyon niya ay natatago ito. "Hi, gusto mo ako tulungan?", tawag ko rito, hindi agad ito nagpakita at dahan-dahang inilabas ang ulo niya habang nakahawak sa pader na pinagtataguan. Tinuro pa nito ang sarili. Alam kong ito ang tumutulong sa akin, kapag kasi may hinahanap akong tools ay pansin kong may naglalagay nalang nun sa tabi ko, at nakikita ko rin siyang tumatakbo pabalik sa pwesto niya. Hinayaan ko lang siya, ang cute kasi. "Pansin kita, kaya lang tinataguan mo ako eh. Lumapit ka; anong pangalan mo?" Mukhang nagdadalawang-isip pa itong humakbang palapit sa akin ng biglang may humila rito. "Zeke, anong ginagawa mo dito?", isang dalagang babae, suot pa nito ang school uniform niya. Hinila nito ang batang lalaki paharap sa kanya at laking gulat ko ng mag sign language ito sa babae. Itinago nito ang batang lalaki sa kanyang likod bago ako naman ang kinausap. "Pasensya na ho, Maam. Hindi po kami dapat narito, sadyang matigas lang ang ulo nitong kapatid ko. Kanina ko pa ho siya hinahanap", nag-aalalang wika nito. "Hindi ko kayo nakita ng dumating ako rito, hindi ko akalaing may isang dalaga at bata pala sa bahay" "Dahil hindi ho kami pwede dito, Ma'am" "Hindi, ayos lang. Hayaan mo siya at wag nang Ma'am, tawagin niyo nalang akong Ate Kari. Anong pangalan mo?", malawak na nangiti ito at pumalakpak pa ang mga bilugang mata naman nito ay halatang excited nang pigilan ng Ate nito ang kanyang mga kamay. "Leila ho, siya naman si Zeke", I smiled at them. "Gusto niya lang akong tulungan" "Pero hindi ho pwede at mapapagalitan kami" "Kung ganun ay ipapaalam ko kayo sa Nanay ninyo" "Leila! Zeke!", siya namang sigaw ng mayordomang si Eva. So siya ang Nanay ng dalawang ito? "Please, wag niyo ho silang pagalitan. Wala ho silang ginagawang masama. Nag-uusap lang kami and I want them to help me", inunahan ko na ito pero mukhang mas lalo lang itong nagalit sa mga bata at sinabihan si Leila na dalhin na sa likod si Zeke, nalungkot naman ang huli na nasa akin lang ang tingin habang hinihila ni Leila paalis. "Pasensya na ho pero ako nalang ang tutulong sa inyo" "Maliit na bagay lang naman, sana ay pumayag --" "Mawalang galang na ho Maam Akari pero may mga panuntunan hong sinusunod ang mga batang iyon at hindi ho sila pwede rito kaya sana ay maunawaan ninyo iyon" "Oh, pasensya na ho. I just thought Zeke is quite cute at hindi naman siguro masama kung isang kagaya niya ang tutulong sa akin" "Pasensya na ho pero hindi pwede. Ako nalang ho ang tutulong sa inyo", iniligpit na nito ang mga basurang anduon. Di na ako nagpumilit, gaya ng sabi nito may alituntunin silang sinusunod. Ilang araw ang lumipas ay nalibot ko na yata ang buong bahay bukod sa labas nito kaya lumabas ako at nag-iikot doon. Malawak, pero maganda ang tanawin. Maraming mga puno at sariwa ang hangin dito. Mayroon din palng isang malaking pool sa likod. Sa dulo pa kung saan may mga puno ay may malaking tree house at bench sa ibaba doon kung saan ako naupo nang mapansin kong may sa tingin kong isang bodega, nang suriin ko ay bukas naman iyon at may kalakihan na parang garahe. May napansin akong isang velvet box. Napakaganda niyon para itambak lang dito. Binuksan ko iyon at tiningnan kong anong laman. To my surprise isa iyong costume ng prinsesa pero hindi pambata, nang aking iangat ay malaki iyon at siguradong kakasya sa akin. Sa ilalim pa nito ay ang kasuotan rin ng prinsepe. Sa gilid naman ng kahon na iyon ay ang mga props na kasama doon. "Ang ganda nito ah, bakit pinapaalikabukan lang ito dito? Pwede toh kung may costume parties" Kinuha ko ang box, inilabas saka pinagpag ang alikabok nang may katulong na lumapit sa akin ay sinasabing may delivery daw para sa bahay. Nang aking puntahan ay isa-isa nang ipinapasok ang iilang mga wedding gifts na ibinigay sa amin ng bawat pamilya, hindi lang iyon kahit ang mga kalapit nitong kaibigan at businey partners ay nagpadala rin, alam nilang kinasal si Donovan. Napuno tuloy ang salas dahil doon ko na muna pinalagay ang mga iyon pero ang nakakuha ng aking atensyon ang huling inilabas na nasa ibang delivery truck pa, isa yata iyong malaking portrait, mas malaki pa kasi sa akin. Binuksan na namin iyon at laking tuwa ko ng makitang portrait nga naming dalawa ni Donovan in our all white wedding attire. We are looking at each other holding hands, nakangiti ako habang ito ay nakatingin lang sa akin. May note na naka-attach doon, galing iyon sa Mom at Dad niya. Saktong-sakto ito sa malaking space, sa harap ng sala. Agad akong nagpatulong sa mga handy men, at madaling ikinabit ang malaking frame na iyon. I felt mesmerized after, napaupo lang ako sa coach na nakaharap rito, at yapos ang dalawang paa, di Pinipigil ang sarili sa kilig na nararamdaman; ang ganda at ang gwapo kasi namin sa portrait, di ako makapaniwala. I was smiling from ear to ear ng makita ko sa aking peripheral vision ang sa tingin kong si Zeke at nang aking balingan ay nakasuot ito ng laylay sa kanyang costume, iyong costume ng prinsipe na nakita ko sa may bodega ng bahay. Bahagyang nakangangang natingin sa portrait, dahil narin siguro sa laki nito, napapaliyad siya. "Zeke, ano iyang suot mo?!", natatawa kong tanong rito. Tinaas nito ang dalawang kamay at pikit matang nakangiti. Hawak tiyan akong natawa ng maka-isip ako ng isang ideya. Kinuha ko ang princess costume isinuot iyon ng may damit pa rin sa ilalim, pati wig at ibang props na anduon ay ginamit ko, ibinigay ko pa kay Zeke ang isang standee ng maliit na kabayo. "Oh Prince Charming, here you are! Narito ka ba upang iligtas ako?", I gestured to Zeke at natayo sa Cleopatra na anduon. Mukhang naintindihan naman nito ang sinasabi ko at nakangising kinuha ang aking kamay at nahihirapan man sa suot nito ay tumayo sa tabi ko at nakatungtong na rin sa Cleopatra. We are goofing around! Palipat lipat pa sa ibang upuan si Zeke, I don't mind it, mabuti narin ito kesa ano-anong isipin ko. A little laugh won't hurt naman siguro. "What the actual f**k is this?!" Dumagundong ang boses sa buong kabahayan, at sa gulat ay pati si Zeke ay na out balance at nasalampak sa sahig, ang damit nitong suot ay napunit. Si Donovan! Nanginginig ang mga labi at nagtatagis ang mga bagang nitong nakatingin lang sa bata. Nakasukbit sa kamay nito ang kanyang coat, bukas ang shirt at nakarolyo ang sleeves nito, dumating na ito galing sa business trip niya, at ganito ang kanyang nadatnan. Umilang hakbang itong lumapit sa bata pero agad ko itong itinulak palayo kay Zeke. "Umalis ka na, Zeke!", madaling tumakbo ang bata at iniwan ang punit na damit na anduon. "Don please, bata iyon...", hindi ito sumagot at tiningnan lang ako. Sabay malakas nitong hinila ang kwelyo ng aking damit, umangat ang aking katawan, di ko na halos maapakan ang sahig. "Why are you wearing this?" "Ah ano, k-kasi, nakita ko sa bodega. Don, nasasaktan a-ako, bitiwan mo ako!", pakiusap ko rito pero hindi ito nakikjnig. "Sinong nagsabi sayong makialam ka sa mga gamit ko?" "I-I was just...", napakapit na ako sa balikat nito. "I just want to please you-- argh!" Bagsak ang katawang halos ihambalos ako sa sahig. "Tanggalin mo..." "Donovan...", Gumagapang ako papalayo rito ngunit hinila nito ang paa ko saka ako, itinayo at walang habas na pinagpipirasong, pinunit ang suot kong costume na para bang napakasama ng ginawa kong pagsuot dito. "Know your place. Wala kang karapatang pakialaman ang mga gamit bagay sa bahay na ito", naglakad na itong palayo at di pa man, ay huminto ito at tiningnan ang malaking portrait na nasa dingding ng sala. He scoffed, like he is mocking the portrait, or more likely, me. "You are really one delusional, b***h" Dilat na dilat ang mga mata nitong wika sa akin bago tuluyang naglakad na patungo sa itaas. Doon ko lang napansin ang mga katulong na nakatingin sa akin. Tinulungan ako nitong matayo, may mga galos ang aking mga kamay dahil sa ginawa nito at habang nilalagyan nila ito ngayon ng paunang lunas, wala akong ibang maramdaman. "Anong...", tumigil ang mga kasambahay sa paggamot sa akin. "Anong mayroon sa mga costume na iyon?", patay ang boses kong wika. Nagsi-tinginan lang ang mga ito. I feel pathetic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD