Capitulo Doce

2582 Words
Akari's Oo, totoo, nagseselos ako, kahit iyon ba ay wala akong karapatan? Napaisip ako ng nakapangalumbabang nakatingin sa maliit na papel kung saan isusulat namin ang mga pangalang nais namin para sa bata, pink para sa babae at blue para sa lalaki. Ikalawang araw na namin dito, bukas na ang gender reveal ni Ate Adriana, sa anim na buwan na nitong tiyan. Kahapon ay namasyal lang muna kami. Masaya ako para dito, pero sa kabilang banda ay malungkot, para sa sarili, sa batang nawala sa akin. If only I didn't lost monggo. Isinulat ko na ang mga pangalang napili ko, ang mga pangalang ikinonsedera ko ng malaman kong buntis ako, pero ngayon, malabo na iyon mangyari so might as well let go of these names. "Meraki and Aster; those are beautiful names", nagulat ako ng biglang may magsalita sa aking likuran, si Benille iyon. Nakahoodie top at jogger shorts at may suot na sunglasses, may kaputian pa ang mukha nito na sa tingin ko ay sunscreen na bastang nilagyan lang yata nito sa mukha at di na ang-effort na ikalat sa mukha ng maayos. May nakasukbit sa leeg nitong DSLR. Handa na ito sa trekking namin mamaya. Kaming apat lang ang pupunta nina Ben, Mindy at Eloise dahil may lakad sin Don at ang asawa ni Ate Adriana. Si Ate Adriana naman ay busy sa mga kaibigan nitong kakarating lang at syempre buntis kaya hindi pupwede. "Anong mga pangalang naisip mo, Ben?" "Dether and Lola" "Maganda rin naman ang mga pangalang napili mo" "Yeah, my anacondas have pretty names" "An-anaconda's?", ibig ba nitong sabihin ay pangalan iyon ng mga alagang hayop niya? at Anacondas? "So, tapos ka na? Aalis na tayo, kanina ka pa hinahanap ni Mindy", tanong nito na parang di narinig ang sinabi ko. Inangat nito ang sunglass at iniangat sa ibabaw ng hoodie nya bago nangalumbaba. "Ah, ganun ba, pasensya na", kinuha ko na ang bag ko. Kinuha nito ang papel na hawak ko at naglakad na kami kung asaan sin Mindy, kasama nito sina Eloise at Ate Adriana sa isang mesa kasama ang ilang kaibigan nito. Busangot ang mukha ni Mindy na nakatingin sa akin. Nag-spray nalang ito ng sunblock, ningitian naman ako ni Eloise, at ako din sa kanya. Ibinigay na din ni Benille ang mga papers at dumating na ang guide na makakasama namin. "Parang makulilim ang panahon. Sigurado bang ayos lang na mag-trekking tayo ngayon?", nag-aalalang tanong ni Eloise. "Of course Ate, I've trek before, ayos lang iyan, hindi uulan. Now, let's go, excited na ako mag vlog!",itinaas pa nito ang kamay hawak ang video cam at tripod nito. Nagpaalam na kaming aalis at sa mallit na sasakyang magdadala sa amin doon. Pagkarating ay di ko mapigilang di mapalunok. Trekking nga talaga, napakamasukal kasi ng dadaanan namin pero napakaganda naman daw ng view at worth it. "Dito ho tayo dadaan mga ma'am. Sumunod lang ho kayo sa amin para hindi kayo maligaw" Nagsimula na kami umakyat paitaas habang naglalakad kami ay panay lang naka-video si Mindy. Mataas taas din ang lakaran namin at talagang masukal papunta doon mga forty minutes rin ang tinagal bago namin naabot ang toktok. At nang maabot na namin ang ibabaw ng bundok na iyon napakagandang tanawin ang agad na bimungad sa amin. "See guys? From this view makikita niyo ang kabuuan ng private island namin. Breathtaking right?", wika ni Mindy sa camera na hawak hawak ngayon nito at iniikot iyon sa kabuuan. "It would be nice kung andito si Don", rinig kong wika ni Eloise. "Oo nga", puno ko. "He actually has never been up here. Ayaw kasi nung pinagpapawisan siya" "Kilala mo talaga si Don" "Hm, he's a dear friend; you're one lucky girl" "Ate Eloise, dito", tawag ni Mindy, nagpaalam na ito at nagpunta sa kabilang dako. Nilapitan ko naman si Benille na kanina pa kumukuha ng litrato. May kinukuhanan ito ng biglang iniharap sa akin ang kuha, ni-click iyon ng biglaan, na siyang kinagulat ko. "Benille!", mahinang hinampas ko ang braso nito. Tiningnan nito ang kuha. "Wow! You're quite a photogenic. Pose ka ulit", nanunudyo ang boses nito. "Ewan ko sayo", nagtawanan lang kaminh dalawa ng mapandin naming lumalakas na ang hangin at makulimlim pa rin ang langit. Napa-indian seat lang ako sa bandang gilid at nainom sa dala kong tubig. Hindi ako nagdala ng phone, I was just enjoying the view; I needed this. Kahit papaano the view makes it all worthwilhile to come here. Di rin kami doon nagtagal dahil nga sa panahon. At nagsimula na nga kami maglakad pababa. Nauna si Mindy, kasunod si Eloise alo at sa huli ay si Benille, na busy pa rin sa camera nito kahit na pababa na kami. "Medyo masukal ho ang daan sa pagbaba dahil sa kabilang parte tayo ng bundok dadaan kaya mag-ingat ho kayo nga Ma'am at Sir" Sa pagbaba namin ay biglang kumulog na may kasamang kidlat dahilan para mapahinto si Mindy saka tumakbo sa gilid ni Benille at niyakap ito. "Come on, it's just thunder", "Paano kung mahuli ako nun, I'd be toast!", Naiiyak nitong sabi kaya nauna na silang dalawa ni Benille sa harap at ako na ang nasunod dito. Nagpatuloy kamo sa paglalakad pababa, hindi na tansya ni Mindy abg panahon dahil inulan kami pababa. Ang nilalakaran namin ngayon na putik ay nanlalagkit na. Dahan dahan na kaming pababa at mas lalong lumakas ang ulan at basangbasa na kaming lahat ng nakakalahati na kami pababa ay nilingon ko si Eloise upang kumustahin ito, ngunit wala na ito doon. Bumagsak ang aking puso at bigla akong kinabahan. "Eloise?!", sigaw ko nakoluha nun ang atensyon ng iba pa. "Kari, bakit? Oh, asaan si Eloise?" "Hindi ko alam. Kanina rinig ko pa ang mga yapak niya, nang mapansin kong wala na kaya nilingon ko siya pero wala nang talaga" "Manong, paano ito, asaan ang Ate?" "Nako Ma'am, baka nalaglag siya sa bangin" "Manong!", sigaw ni Mindy. "Mababaw lang naman ang mga bangin dito siguradong makikita pa natin siya kung babalikan lang natin ang nadaanan natin pero ngayon mas kailangan niyo munang makababa at baka kayo naman ang mahulog" Patuloy ang mga ito sa pagdedeskusyon ng tumalikod na ako at bumalik sa nilakaran namin ng pigilin ako ni Benille. "Kari, narinig mo di ba? Bumaba na muna tayo" "Ayos lang, kailangan kayong ibaba ni Manong kaya ako na ang babalik. Gaya ng sabi ni Manong ay mababa lang naman ang bangin" "Bangin pa rin iyon!" "Kahit na...", ibinaba ko ang kamay nito. "Masasaktan si Don kapag nalaman niyang nasa peligro si Eloise, we can't have that", nalilito na nagtatanong akong tiningnan ni Benille pero hindi ko na iyon pinanasin. "Mauna na kayo, ako na ang babalik", at iniwan ko na nga ang ito doon. I have been hiking and trekking with my older brother, alam ko ang mga does and dont's sa mga ganitong sitwasyon. Hindi naman ito kalaking bundok, I know I can manage to find her. "Eloise!... Eloise!!!", tawag ko rito. Na sana ay marinig nito kahit napakalakas nang ulan. Napapatingin rin ako sa baba at baka malapit lang naman siya ng makarinig ako ng paggalaw ng tingin ko ay mga basang dahon. "Akari! Akari! It's me, Eloise. Nasa baba ako, help me!", sigaw nito. "Keep on talking Eloise, hinahanap ko ang location mo!", balik kong pasigaw na sabi. Patuloy lang ito sa pagsasalita gaya ng sabi ko hanggang sa mahanap ko kung asaan ito ngayon. Nasa ibaba, nakasandal lang sa malaking kahoy. Hawak nito ang kanang paa, siguro ay natapilok. Dahan dahan akong bumaba pero sa lagkit ng putik ay gumulong rin ako pababa at naitukod ang aking kamay dahilan para bahagyang maikot iyon, lihim akong napadaing. "I'm okay, ikaw?" Tiningnan ko si Eloise, hawak nito ang kanang paa, mukhang natapilok nga. "Paano ka napunta dito?", tanong ko sa kanya. "May dumaan na ahas sa harap ko, nagulat ako at di na nakasigaw ng paatras na nahulog ako at nagpagulong-gulong dito, mabuti nalang at mababaw ito kundi..." "It's okay, andito na ako, I'll help you" "Pero ngayon, we both need help" "Alam ko, andito ako para samahan ka. Malapit na silang makababa they will ask for help don't worry" Wala na ang dala nitong bag kanina siguro ay mawala iyon ng malaglag ito. Binuksan ko ng bag at naglabas ng payong, mabuti nalang at malaki iyon at kumasya kaming dalawa. "Maghintay lang tayo, help will come" Isa Dalawa Tatlo Di ko na alam kong ilang oras na ang lumipas, pero wala pa rin ang mga ito. Mabuti nalang talaga at tumitila na ang ulan. "Please Don, please find us", I was hoping for him, that he would find us at tila dininig ang dalangin ko ng makarinig kami ng boses ng isang lalaki, and I immediately knew whose voice it was. "Eloise!...Akari!!!" Si Donovan, kay Donovan ang boses na iyon. "Don!... Donovan!!!", malakas kung sigaw dahil hindi na iyon magawa ni Eloise sa ginawa na nararamdaman nito at sakit ng paa niya. Nahihirapan man ay sinubukan kong tumayo at muli itong tinawag, at ilang minuto lang ay nakita ako nito, nasa kabilang dako siya sa kung asaan kami. Gaya namin ay basa na rin ang puting polo nito na nakabukas na ang mga butones, hingal na hingal at dahan dahan na bumaba. And as he looks at me, it somehow put intensity towards us. Ngayon ko lang nakitang ganito si Donovan, kanina pa siguro kami nito hinahanap dahil sa bilis ng paghinga nito na kahit ang suot nitong itim na slack ay puno na rin ng putik. Takbong palapit na ito sa akin, naitaas ko pa ang aking kamay na para bang automatiko na iyon at handang yakapin siya ng marinig kong magsalita si Eloise. "Donovan..." tinawag nito ito, na dali namang niyang dinaluhan at nilagpasan lang ako. Sa pagmamadali nito ay nasagi niya ako at kamuntik ng mapaupo mabuti nalang at hindi. "Eloise, please, tell me you're okay" "Ayos lang ako Don, namali lang ako ng hakbang at natapilok kaya hindi ako makakalalad ng maayos" Nilingon ko ang mga ito, tinutulungan ngayon ni Don si Eloise at tinggal ang sapatos nito. Nakatunghay lang ako sa kanila sabay na napahawak sa masakit ko ring kamay, may dugo pa ngang umaagos doon, di ko alam kung paano ko nakuha, maaring sa paggulong ko, hindi ko na alam. Pinahid ko nalang iyon. Nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa amin. Si Benille, nasa likod ko at hinahawakan ang aking mga balikat. "Akari, finally nakita rin namin kayo. Don, ako na diyan--", hindi pa man natapos sa pagsasalita ay kinarga na nito bridal style si Eloise. "Ako na ang bahala kay Eloise; help Akari for me, Benille", taas pababa ako nitong tininganan. " Mukhang wala naman siyang sugat na natamo" Nilagpasan na kaming tuluyan ng mga ito, may mga nakasunod na ring mga natulong sa pag-akyat ng dalawa. Tila nawalan ako ng buhay sa natutunghayan; pero palagi kong pinapaalala sa sarili. Wala akong karapatan. "Aba ay--", magsasalita pa sana si Ben pero hinawakan ko ito. "Tulungan mo ako sa bag ko, Ben pwede? Hayaan mo na si Don" "I could carry Eloise, ang gagong iyon iniwan ka pa talaga dito. Eh, ikaw itong asawa niya" "Hindi, ayos lang. Mas importante si Eloise, kailangan mapa check agad ang paa niya, natural na impulse lang iyon ni Don. She needed extra attention kesa sa akin, ayos lang" "Pero kahit na, hindi dapat ganun. Saka akala mo ba hindi ko napaghahalataan, kanina mo pa hawak iyang kamay mo, you twisted it, I know" "Hilot lang ito, Ben. Halika na, please?", hindi na ito nakipagdiskusyon at sinunod nalang ang nais ko. Sana talaga ay nahihilot lang ang sugat na natatamo ng puso. Pagkababa namin ay sinalubong kami ng umiiyak na Ate Adriana na matagal din naming inaalo dahil sa sinisisi nitonang sarili. Pero kagustunan naman kasi iyon ng lahat at ayos na, wala namang grabeng nangyari. Muntik pa nitong itigil ang gender reveal pero napilit namin na big day niya rin at ng bata bukas at napapayag na rin namin ito. The whole night, hindi ako natulog sa villa namin si Don, alam ko naman na, hinayaan ko nalang. Kinabukasan ay ang araw ng gender reveal. It's a boy! Tuwang-tuwa ang lahat lalo na ng parents nito, na hindi na namin pina-alam sa nangyari. Nakita kong masaya si Don katabi ng Ate niya, buong araw kaming hindi nagkita nito at ngayong night party nalang. Nagkatabi na din kami dahil sa family picture matapos iyon ay para lang akong damo sa isang tabi dahil busy ito sa pakikipaghalubilo ng lumapit sa akin si Mindy. "Ate Kari..." "Salamat, tinulungan mo si Ate Eloise, knowing how masukal it is pinilit mo pa ring hanapin siya" "Ayos lang, "So what can I do for you?" "Sa akin?" "Hm, ayoko magka-utang na loob kahit kanino kaya" "Okay sige, be my cafe's endorser. I heard five hundred followers ka na di ba? Malaking tulong ka kung ganun" "Okay then, after this trip. I will tell you my info, sisiguraduhin kong sisikat pang lalo iyang cafe' mo" Sa pag-uusap naming iyon ni Mindy ay pakiramdamn ko nago-open up na ito and that makes me happy. Kaya ng makita ko si Don at Benille na nag-uusap ay lalapitan ko sana ang mga ito ng marinig ko ang usapan nila. "Kayo ni Kari, kailan?" "No, we will never have kids" "Ha? bakit naman. Ayaw mo ba ng mga maliliit na Don iyong magtatakbo sa garden?", "No, never, we agreed to it; at ayokong magka-anak sa kanya so stop with the little Don's cause it will never happen" "What do you mean ataw magka-anak sa kanya, eh asawa mo naman siya?" "Nothing, kalimutan mo na lang", at naglakad na ito paalis doon. Sa gitna ng kasiyahan, puno ng kainan at kalakhakan ay napuno ng bigat ang aking kalooban. At ng masakit pa doon, ay wala naman akong karapatan. Paulit-ulit ko nang sinasabi iyon pero bakit di pa rin ako nagtatanda. Si Donovan, he is entitled kung sinuman ang nais niyang mahalin at hindi ko siya magagawang pigilan, na kahit anong gawin ko ay hindi ko malalamangan ang mga taong pinagsamahan nila ni Eloise. At kailangan kong tanggapin iyon sa sarili ko at puksain na ang kaunting pag-asang mayroon ako, na ako, ang pipiliin sa huli. Umalis ako saglit sa pagtitipong iton, ni hindi nga ako nakapagpaalam. Di ko na rin nakita kung asaan si Donovan, I doubt he even cares where I am at this moment. Nagtungo ako sa parte ng resort kung saan malayo sa selebrasyon. Yakap ang sariling nakaupo sa buhangin at nakatunghay lang sa buwan ng makarinig ako ng mga yapak at mga taong tila nagtatalo. Madali akong tumayo at nagtago sa ilang mga bangkang anduon. "Totoo lahat ng sinasabi ko sayo, Eloise. Walang kami ni Akari, ni hindi kami kasal. We had wasted so many years, can't you be open to me this time, just this once?" Si Donovan at Eloise! Itinakip ko ang aking mga kamay sa aking bibig. Di makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Dahan dahan ay iniangat ko ang aking ulo upang tingnan ang nangyayari. "Di ko alam anong nangyari noon pero Oo, Don. Noon pa man, gusto na kita!" Lumapit si Donovan dito at hinawakan ang kanyang mukha, maingat na parang isang babasaging bagay. Hanggang sa inilapat nito ang mga labi kay Eloise at doon ay tuluyan na ngang nawalan ng lakas ang aking mga paa at naupo sa buhangin at lihim na napaiyak. Walang ibang magawa kundi ang umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD