Capitulo Catorce

2671 Words
Donovan's Lumusong na ako sa malamig na tubig, I took myself for a dip, no, a swim. Kanina pa ako pabalik-balik ng laps sa bawat sides ng pool. Nasa Hotel ako ngayon ni Eloise, umaga na, pero dito ako nagpalipas ng gabi. Naging routine ko na iyon almost five days a week. Hindi naman na ako kinu-kwestyon ni Akari. Isang beses nga ay naabutan ko itong palabas ng kusina na may dalang basong tubig sa madaling araw, habang ako naman ay kakauwi lang, she just simply nodded at me. Wala kaming nagiging outrageous interactions, we're just civil. Even in family gatherings, she always smiles the widest, at sinisigurong katabi ko siya lage but when the day with our family is done ay lalayo na naman siya sa akin like how Cinderella's fantasy run out after midnight. Ni hindi ito nakikipag-usap sa akin kung di tungkol sa family at living matters namin. She doesn't give lunches at the office anymore. Lahat halos ng oras nito ay nakatuon sa cafe' niya, mas nakakasama pa nga nito ng mas madalas si Mindy kesa sa akin, it's not that I'm complaining but still... I found it odd to me. Kung paanong napakalapit niya sa akin pero napakalayo, cliche as it may sound pero pakiramdam ko ay nilalayo talaga nitong sadya ang sarili sa akin. "Haaa!", isang malakas na buntong hininga ang kinawala ko ng iningat na ang ulo sa tubig. "Kanina ka pa diyan, have your breakfast first", ani ni Eloise. May dala itong tuwalya na ibinibigay sa akin. Kinuha ko naman iyon at umahon na saka ako bumalik sa room na inookupa ko. Nothing yet is happening sa aming dalawa ni Eloise. We just spent the night talking and catching up at Eloise is not that kind of girl, I respect her. Hanggang sa hindi naayos ang sa amin ni Akari ay hindi ako gagawa ng ikakadismaya ni Eloise. Nagpapalit na ako ng damit ng mabalis pa sa alas kwatrong pumasok si Eloise sa kwarto ko, na aking kinagulat. May dala dala itong tablet. "How can they get to it so quick?", kalmado ngunit kinakabahan nitong tanong sa akin, inilalahad nito ang nasa screen ng tablet. "What is it?", ng kunin ko sa kanya ay laking gulat ko sa titulo ng artikulong iyon. Anduon lang naman ang pangalan ko at na may kalaguyo daw ako. Thankfully, Eloise face is bkuryred out pero it will be a matter of time para malaman nila kung sino. "s**t!" "Kung malaman nila na ako ang kasama mo Don. Siguradong pupuntiryahin nila ang Hotel ko. I can't be going down just like that!", tuluyan na itong naiyak. Ibinaba ko ang tablet at niyakap ito. "I'll do something, about it. Hindi nila malalaman, I will see to it" Umalis na ako ng Hotel room, at sa private elevator ako dumaan kung saan mga VVIP's lang ang pupwede. At madaling nagmaneho patungo sa bahay habang tinatawagan si Xeno and Luka to look after Eloise at baka may mga mang-harass sa kanya habang wala ako. "Asaan ang ma'am mo?", bungad ko agad sa katulong na una kong nakita. "Nasa sala ho, nanunood yata ng balita" Ang lakad ko ay naging takbo, pinuntahan ko kung asaan si Akari. Nakatayo ito sa harap ng malaking telebisyon, hawak nito ang remote. Pinapanood ang balita tungkol sa amin ni Eloise. Walang makikitang emosyon sa mukha nito, nakatingin lang ito sa T.V sabay tingala sa malaking wedding portrait namin na nasa ibabaw nito at balik muli sa T.V. Hindi iyon nagkulang sa reaksyon, alam na niya, hindi ito nag hysterical o ano, dahil expected na niya, tama si Benille. Matagal na nitong alam, hinayaan ko iyon dahil sa tingin ko ay wala akong dapat na ipagpaliwanag sa kanya pero ngayon... Ngayong harap-harapan kong nakita ang mukha niya tila may kung ano sa loob ko ang nagsasabing, she deserves the truth; an explanation the very least. Di na ako nakatiis at lumapit na ako dito. "Akari...", tawag ko sa kanya na agad naman akong hinarap. Naka-on pa rin ang balita at tungkol pa rin iyon sa akin. "Let me explain this-- it's", humakbang ako papalapit dito na siyang paghakbang rin nito patalikod. "Wala kang dapat na-i-explain; matagal ko naman nang alam", wika sa boses na parang nadidismaya dahil sa ganito pa kami nagak-usap tungkol dito. Like I, again, disappointed her. But.. The hell I care! I shouldn't care! Kapakanan ni Eloise ang higit kong concern ngayon. Pinatay na din nito ang T.V. "Ganun ba, since that's the case I have less to worry. Wala naman kasi akong dapat ipaliwanang sayo" "Alam ko, binasa ko lahat ng laman ng kontrata. At alam ko naman kung sino at ano si Eloise sa buhay mo. Pero hindi iyan ang problema natin kundi ang mga malisyosong balita at articles na kumakalat ngayon. Ang alam ng lahat ay ako ang asawa mo" "Kung ganun, aalis ka, iiwan mo na ako?", hindi ko alam kung bakit sinabi ko iyon, pero tingin ko kasi iyon ang mas mabuting gagawin nito; ang hindi ma-involve. Kunot ang mga noo nitong natingin. "Hindi", deritsang sabi nito. "Ayokong masaktan ang Mom at dahil hindi pa fully healed ang Dad. I will still be your fake wife. Kailangan lang natin mag-isip ng paraan para masolusyonan ang problema lalo na after nito ay uulanin na tayo ng mga tawag ng family natin at sunod ng media", napabuntong-hininga na lang ito Sa gitna ng pag-iisip ay biglang tumunog ang phone ko. "Hello, I see... No, I'll be there" "Sino ang tumawag?" "My secretary, may importante akong meeting ngayon, shoot! I almost forgot about it. Hindi pa naman sana ako papasok ngayon, reporters may be outside my building" We went silent for a while; naupo si Akari at tila nag-iisip. I was just eyeing her hanggang sa humarap ito sa akin. "Pumunta ka, Don. May plano ako, kung may mga reporters nga. At least we can lessen the problem" Agad itong tumayo at may kung anong kinuha sa kusina. Naglakad paalis at sumunod na rin ako. "Sasama ka sa akin?" "Kung may reporters talaga na anduon, hindi ko hahayaang lunurin ka nila ng mga katanungang wala kang obligasyon na sagutin sa kanila. I'm your fake wife remember? I will protect this fake marriage. Bilis na!", Lihim akong napangisi rito, I can't help but be amazed by this woman, a woman who looks naive and innocent sure does have her bravery within her. Hindi talaga ito nagmimintis na i-surprisa ako palagi. Nang makarating kami ay nauna na akong bumaba at naglakad papasok ng opisina. Walang mga reporters kaya siguro ayos lng, hindi ko na kailangang tawagan sina Xeno and Luka; but not, saktong ilang hakbang nalang ay dinumog ako nga mga reporters trying to get statement from me. "Mr. Maderazo, what can you say about the news circulating?" "Mr. Maderazo, you married in haze, now the people wants to know if it was just for show? Is that the reason why you have your mistress now?" "Mr. Maderazo, is it true that you also cheated with your ex-girlfriend, Celyn that's why she left you?" "Mr. Maderazo, does your wife new about this? I heard she's not of high status, nothing compare to your exes. Akari Veluz right? why pick someone like--aah!", kinuwelyohan ko agad ang kalbong reporter at inangat ito sa ere dahilan para biglang lumayo sa akin ang iilan pang mga reporter. At kinuhanan ako ng litarato pero wala akong pakialam, wala silang karapatang pagsalitaan ng ganun si Akari dahil wala silang alam. "Keep my wife's name away from that filthy, gossip sucking mouth of yours", hinawakan nito ang kamay ko at pilit kumakawala pero hindi ko ito binibitiwan hanggang sa isang boses ng aming narinig "Lovey?", kita ko ngayon si Akari, kumakaway-kaway ito sa akin at may hawak na bento box, na secure ng tela. Tinakbo nito ang distansya namin na para bang asawanh sabik makita ang asawa niya. At nang makalapit sa akin ay tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa reporter at agad na sinunggaban ang aking mga labi. Rinig ko ang mga ingay at higit hiningang ginawa ng mga reporter sabay ang sunod sunod na kuha ng mga larawan. "Miss Akari, asawa kayo ni Don di ba? Anong masasabi niyo sa issue, that he's cheating on you?" Bago sumagot ay pinagdaop nito ang mga kamay namin, at sa ilang minuto ay nagtama ang wedding rings namin. Mahigpit iyong hinawakan like she's telling me she need me in order to do this, so I did hold her with my all. Nang humakbang ito paharap na parang pinoprotektahan ako sa media. "Ang totoo ay our marriage was never perfect, we have been through a lot but we always have each other backs kaya hayaan niyo akong magsalita para sa asawa ko, and that no, walang cheating na nangyayari, kilala ko ang babaeng nasa mga litrato at I will confirm na lahat lang iyon ay gossips; but we, we know our truth. I love my husband and so is he to me, I feel it; every waking day with him. Kaya sana respetuhin ninyo ang privacy namin. Iyon lang, salamat" Hinila na ako nito papasok sa loob ng building like I'm some damsel in distress and he's my shining armore. Kamuntik na akong mapatawa pero ng nasa taas na kami, walang ibang tao at kami lang dalawa, muli, ay bumitaw at lumayo na naman ito sa akin. I found myself looking at the hand she was once holding and as she was dragging me ay naka-isip rin ako ng ideya upang tuluyang mawala mga mga balitang iyon. "Pasensya na sa ginawa ko, iyon lang ang naisip ko" her arms now crossed. "Hindi, ginawa mo ang makakaya mo. Thank you", hindi ako makapaniwalang nagpapasalamat ako rito. "The interview isn't enough, kailangan natin mag-isip ng ibang paraan para tuluyang mawala ang mga malisyosong balita tungkol sa atin", pag-aalala ni Akari. "May plano ako, it's that we just have to feed them...", I blurted. "Feed them, ng ano?" "That we really are a couple in love. Make them believe that we really love each other. At for the mean time, hindi muna ako makikipagkita kay Eloise", tango lang ang naging tugon nito. "Pwede rin iyon" "But at the same time, ayokong nakikipagkita ka kay Kerin" "Walang kinalaman si Kerin dito" "You went out with him to watch a play. Di mo ba naisip na baka iyon din ang dahilan kaya nagspark ang balitang ito?" "So I'll say it is best na walang mamagitang kahit sino sa atin at tayong dalawa lang. Do you understand me?", "Okay, naiintidihan ko", napangisi ako rito. Sinong mag-aakalang I can get rid of Kerin sa ganitong paraan. ~~~ "Where is she?!" Nakapameywang na wika ko, sa ibabaw ng rooftop, kanina pa hinihintay si Akari, sinabihan ko na ito sa plano kong dinner ngayon. I even hired a payed photographer to take our pictures, so that we can spread it online kung paanong wholesome kaming dalawa as a couple; but she's nowhere! Mula ng nangyari ay wala kaming ginawa ni Akari kundi ang magpaliwanag sa mga fanilies namin, mabuti nalang talaga at mas naniniwala ang mga ito sa amin. I was enough almost got punch by Dad as soon as I got inside the house; it was stressing! Nasuklay ko ang kamay sa aking buhok. Kinuha muli ang phone at ni-dial ang number nito pero wala talaga sumasagot, naibato ko iyon sa inis na siyang kinagukat ng photographer, napa-sorry pa ako ng wala sa oras. Quarter to nine na at isang oras na akong naghihintay. Kung tama ako ay dapat nasa bahay na ito ngayon. Talaga bang kinalimutan nito ang usapan namin? Hindi na ako nagtagal pa doon at umuwi na ng bahay. Tahimik ang loob, nagounta alo sa silid nito pero walang tao doon kaya inikot ko ang kabahayan until I saw her there at the pool side. Ang buhok nito ay naka clip sa likod, may ilang buhok sa isang parte ng mukha at nakasalamin habang babad sa kanyang laptop. Is she still working this late? May mas importante pa ba itong ginagawa, para makalimutan akong siputin sa usapan namin? Mas tumindi pa ang aking galit ng lumapit ang aso nitong bigay sa kanya ng lalaking iyon at hindi ito nagdalawang-isip na ikandong ito at isarado ang laptop niya. I gasped in frustration, she can spend time with that animal but not with me?! "Akari!", nagulat ito sa tawag ko. Papalapit ako ngayon sa kanya. Pinanlakihan ako nito ng mga mata na para bang nabiglang andito ako ngayon nang nabago ang ekspresyon nito na tila may naalala at daling ibinaba ang aso, natayo at itinakip ang kanyang dalawang kamay sa bibig. "Don, I'm sorry, nakalimutan ko" "Ngayon naalala mo na ako. Alam mo bang oras ang hinintay ko sayo? The photographer even waited" "Pasensya na talaga, may new launch kasi kami ng mini cookies bukas. Ni-check ko lang at baka--" "Cookies or Husband?", "Ha?" "Simple sino ang mas matimbang; me or the cookies?", nakagaat nito ang ibabang labi at nag-iisip, hindi ko mapigilang hindi mapatingin doon lalo pa at matagal na rin ng huli kong iyong mahagkan. "Cookies...", walang kaabog-abog nitong sagot. "Ano?!", sa lakas ng sigaw ko ay napa-urong ito. "Pag tapos naman na tayo. Negosyo ko nalang matitira sa akin. Atskaa di kita totoong asawa" "Are you for real?" "Pasensya na talaga, Don. Wag kang mag-alala bukas ako mismo magpapa-reserve", Alam ba nitong I spent my precious time planning that date, and not to mention the time that you-- argh, ayokong magbunganga rito na parang isang teenager girl throwing tantrums, napatalikod sa inis ng harapin ko ito ay inaayos na nito ang mga gamit. "Pangako, bukas", "How can I be sure na hindi mo na naman ako i-indianin?", nag-isip pa ito bago kinuha ang kamay ko at hinuli ng hinliliit ko ng hinliliit niya. "Kailanman, I never broke a pinky promise", "Have a good night, Donovan", ibaba na sana nito ang kamay pero hinigpitan ko ang hawak doon at hinatak ito papalapit sa akin; not breaking the pinky promise. "And who says you can simply get away with it?", "Donovan, anong gagawin mo?!", I smirked at her as I had the playful idea playing in my head. At dahan dahang inilapit ang mukha sa tenga nito sabay bulong. "Make you wet", ipinulupot ang kamay sa bewang nito at inilang hakbang na binagsak ang aming mga katawan sa pool. "Aah diyos ko ahk! Aahk!", di ito mapakali ng tuluyan na kaming umahon. Not what I was expecting, abot naman ng mga paa ko ang pool dahil wala pa iyon five feet pero akala mo ay malulunod na siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat, "Stop it! Ang babaw lang ng pool", inayos nito ang magulong buhok at kinalma ang sarili. "How's that, Lovey?!", panunudyo ko rito. Hinampas nito ang balikat ko at tiningnan ako ng masama bago naglakad palayo sa akin. Not again. Nilakihan ko ang aking hakbang hanggang sa naabutan ko na ito and I pinned her to the side of the pool. "Tatakasan mo na naman ako. Well, hindi kita hahayaan, pay for what you did first" At inilapat ko na nga ang aking bibig sa kanya. Kinagat ang ibabang labi nito upang mas ibuka ang bibig niya. Idinidikit pang lalo ang sarili sa kanya. She's in pleasure and just as I thought she's going to respond to my kisses, itinulak na naman ako nito, at sa pagkakataong ito, pansin ko ang pangingilid ng mga luha niya. "Ano nalang sa tingin mo ang sasabihin ni Eloise?", hindi ako nagsalita. "Oo pumayag ako pero hindi ibig sabihin nun FuBu mo na ako ulit at basta basta mo nalang gagawin ang nais mo sa akin ng hindi ikinonsidera ang mararamdaman ko. May boundaries tayo di ba? Mag stick tayo doon" Kusa kong inalis ang aking kamay, tuluyan na itong umahon sa tubig at kinuha ang aso at ang mga gamit, at wala akong nagawa kundi ang ihatid ito ng tingin papasok hanggang sa di ko na ito tanaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD