CHAPTER 74 “PAANO nangyari ‘yon? Hindi ako makapaniwala, napaka-imposible kung iisipin...” usal ko, hindi para kay Angelo kundi para sa sarili ko, habang narito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya. Kanina ko pa iniisip kung paanong... paanong si Honey... siya ang pinakamalapit ngayon kay Kaijin. Naalala kong pinagselosan ko pa nga ito sa sobrang close niya ro’n sa tao. Kung ganoon, matagal nang nasa panganib si Kai?! Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ulit ang aking phone para magtangkang tawagan ang numero na huling ginamit ni Kai... pero gaya noong mga nakaraang araw, hindi pa rin nito sinasagot ang kahit anong text o tawag mula sa ‘kin. Patungo kami ngayon ni Angelo sa location at address na ibinigay ni Detective Ramos habang ang huli naman ay binigyan ko ng suhestyon na sabi

