CHAPTER 40 PAGKARATING NAMIN sa building niya ay kahit papaano naging pormal at seryoso naman siya ulit. Napapalibutan na kami ng mga tauhan niya sa paligid kaya siguro nahiya na siyang maging walangya. “Oh.” Pabagsak na ibinaba ni Honey ang dalawang folder sa ibabaw ng mesa ko pagkapasok niya. Narito na ako ngayon sa opisina ko habang nilubayan naman ako ni Kaijin nang magtungo ito sa mga tauhan niya para makipagmeeting. “Background check sa taong nakalagay sa papel nito at aralin mo na rin ang magiging mga pwesto at silbi mo sa susunod na operation. Unfortunately, kasama ka pa rin. Paniguradong makakasira ka lang ng plano, ayaw maniwala ni Jin.” Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at dismayadong umiling. Nag-angat ako ng kilay at kunwa’y ngumiti. “Ay, Honey, siyempre kasama ako riy

