CHAPTER 77

2264 Words

CHAPTER 77 HINDI ko na tinanong pa ang patungkol sa litrato at hinayaan na lang itong mag-umpisa sa ikukuwento niya buong byahe namin. Nanatili akong tahimik, nakikinig at napapaisip sa mga bagay-bagay. “Naalala kong sobrang saya pa namin ng pamilya ko noon. Kumpleto kami, masaya, nakukuha ang lahat ng gusto at mahal din kami ng maraming tao sa paligid namin.” Nakangiting pagkukuwento ni Angelo. “Parang idol ang tingin ko sa kanila, ganoon kataas.” Tipid na napangiti ako, nakaramdam ng lungkot. Kaya rin siguro hindi ako makaimik ay dahil kanina niya pa binibida ang pamilya niya na masayang-masaya. Bagay na hindi ko naranasan sa totoo kong mga magulang. Ngumingiti at nakikituwa na lang ako kapag nagkukuwento pa ito tungkol sa parang malapit sa perpektong buhay na naranasan niya ayon sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD