CHAPTER 2

1297 Words
 CHAPTER 2: Come With Me “TRABAHO ang turing mo rito?!” Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Kai matapos kong aminin sa kaniya na ang lahat ng hinala niya ay tama. Ayaw kasi akong tigilan hangga’t hindi ko pinapaliwanag ang lahat! Mahigpit na hinawakan nito ang braso ko at marahas na inilapit ako sa kaniya. Kumalabog ang aking dibdib lalo na nang makita ko na ngayon ang kabuuan ng kaniyang mukha at makilalang siya nga itong kaharap ko. Ilang taon na rin ang lumilipas... magmula noong huli kaming magkita. Tuluy-tuloy lang ang pag-iingay ng dibdib ko habang pahigpit nang pahigpit ang hawak nito sa ‘kin. Ngayon ko lang napatunayan... buhay pa rin pala ang parehong epekto na ibinibigay nito sa ‘kin mula pa noon. “Quit working for this company, Eicine. Ngayon mismo.” Mariin niyang sambit, halos kulang na lang ay magliyab ang mga mata nito sa sobrang galit at hindi mapaghiwalay na mga kilay. Nilikom ko lahat ng lakas ng loob at tinapangan ang ekspresyon. “Bitiwan mo nga ako, Kai! Ano bang mali rito? Hindi naman ‘to illegal!” Giit ko, binabawi ang braso mula sa kaniya. “Palagi mo na lang pinapakialamanan ang mga ginagawa ko, hindi na tayo bata. Hindi mo na rin ako kailangang sigaw-sigawan gaya ng palagi mong ginagawa dahil alam ko na ang mga ginagawa ko!” Wala na yatang araw na hindi nagalit ang lalaking ‘to sa ‘kin, puro na lang kami away araw-araw noon pa lang noong mga bata kami at nakatira pa sa iisang bahay. Kaya mabuti na lang talaga at hindi na ako nakatira sa loob ng bahay na kasama siya. Nagpapasalamat ako sa mga magulang niyang nag-aruga sa ‘kin magmula noong bata pa lang ako, lahat ng tulong pinansyal at pagmamahal bilang tunay na rin na anak at pamilya ay naramdaman ko naman mula sa kanila... kung pwede nga lang na doon na lang ako kaso hindi. Dahil hindi ko naman sila totoong pamilya at inampon lang nila ako nang maawa sa ‘kin at makita ako na palaboy-laboy mula sa kalsada. Sarkastikong umismid ito, nag-angat ng noo at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin. “Alam mo na ang ginagawa mo? Nagpapabayad ka mula sa mga taong gustong sirain ang sarili nilang relasyon? Ni hindi mo nga alam kung anong uri ng mga tao ang nakakasama mo!” Marahas na napabuga ako ng hangin nang marinig ang sinabi nito. Mali siya! Ang hirap talaga paliwanagan ng lalaking ‘to mula pa noon! “Correction! Hindi sirain, gusto lang nilang subukan at malaman kung niloloko talaga sila ng mga karelasyon nila! Wala namang masama do’n ha? Gumamit ba ‘ko ng pinagbabawal na gamot dito? Nakapatay ba ‘ko ng ibang tao? Wala, okay?!” Mariing depensa ko. Sila pa nga ‘tong nagbabayad sa ‘kin. I’m just doing my job! At ang trabaho sa ‘kin ay trabaho lang!  “This whole damn job is just obviously a pure bullshit! At kung kumagat sa trabahong mong ‘to ang mga lalaking nagiging customer mo na ‘yon? What now?” Frustrated na hinilamos niya ng palad ang kaniyang mukha at nagtitimpi ng galit na hinarap muli ako. “Ano na ang mangyayari sa ‘yo, sa inyo?!” “Hindi aabot sa gano’n, alam ko ang ginagawa ko, alam ko ang trabahong pinasok ko. Huwag ka na ngang makulit diyan!” Singhal ko sa kaniya saka hinatak ang braso ko mula sa kaniya at naglakad na palabas ng hotel suite. Napabuga ako ng hangin. Mula sa bar ay mali pala kasi ako ng nakuhang customer. Hindi si Kai ang dapat na pakay ko ngayong gabi kung hindi ‘yung kasama nito sa table na isa pang lalaki na ayon dito sa pinasa sa ‘kin na card ng organization namin ay Edward ang pangalan. May name at picture ng Edward na iyon dito sa card at malabong si Kai ‘to. Kaya malaking pagkakamali talaga ang nangyari! Malas lang dahil magkaibigan pala sila at isa pang kamalasan... dulot ng labo ng mga mata ko at kaunting pagka-tipsy ay mali ang lalaking na-entertain ko, walang iba kung hindi itong si Kaijin! Kung alam ko lang na makikita ko siya rito at related siya sa pakay kong customer ngayong gabi! E ‘di sana ay inatrasan ko agad ang appointment at lakad na ‘to at ipinasa na lang sa ibang katrabaho ko! Narito na kami ngayon sa loob ng mismong hotel suite niya at late ko na napansin ang hitsura niya na siya pala ‘to dahil madilim kanina sa bar na pinanggalingan namin, walking distance malapit dito sa grand hotel at medyo tipsy na ako sa mojito na iniinom ko. Idagdag pa na hindi ko suot ang contact lenses ko na may grado. Ngayon nga lang ako natauhan! Noong hinahalikan ko na ang labi niya! It felt... familiar. Hinawakan ko ang dibdib ko nang magwala muli ito. Gaya ng palaging nangyayari noon sa tuwing... magkikita kami. Marangya rin ang buhay nila. Nakakalula sa sobrang yaman, nakukuha nila ang lahat ng gusto nila at nabibili nila kung kailan nila gustuhin. Bagay na nakasanayan ko at nahirapang ialis sa sistema ko lalo na noong kinuha na ako ng totoong pamilya ko nang mag-20 years old ako. Mula sa marangyang paligid ay bumalik ako sa pamilya na kapos pagdating sa pinansyal. At mula sa mga mapagmahal na magulang, bumalik ako sa palaging nagkakagulo at nag-aaway away na mga magulang. Na kahit yata ang existence ko ay pinagsisisihan nila. Isa pa, sanay sa mga illegal na modus ang pamilya ko ngayon para lang kumita, kaya naman lahat din ng mga gawain nito ay napipilitan akong salihan. Nakakahiya naman kung palagi akong lalapit sa mga Valencia para lang humingi ng tulong pinansyal, kaya naghanap na lang ako ng mapagkakakitaang trabaho bukod sa mga illegal na pinaggagawa ng pamilya ko ngayon. Hanggang sa matagpuan ko ang kakaibang uri ng trabahong ito. Ang kumpanya namin ay tinatawag na Secret Help Hotline. Pribado at kakaunti lang ang nakakaalam, iyong mga grupo lang ng mga elite na tao sa lipunan at willing magbayad ng malaki kapalit ng tulong namin. Or siguro tama si Kai. Iyong mga taong bukod sa elite, eh mga baliw na rin sa kakahinala sa ka-partner nila at kinakailangan pang i-test gamit ang mga babaeng kagaya namin malaman lang nilang faithful at loyal sa kanila ang mga ito. Simple lang naman ang mangyayari. Babayaran nila kami kung sa tingin nila may ginagawang kakaiba sa likuran nila ang karelasyon nila, we’ll test their partners even more at the bar o kung saan mang lugar namin ito mami-meet, depende sa sitwasyon nila, habang may naka-video sa ‘min bilang proof para roon sa nagbayad na partner nila sa ‘min. Kakausapin nang kaunti at lalandiin. An ironic test for faithfulness. Hanggang kama nga ang acting na ‘to kung hanggang doon ay mapupunta kami, saka lang kami titigil kapag sapat na ang evidence ng pagiging unfaithful ng mga ganoong partner na makukuhanan sa video, o titigil lang kami kapag ayaw na rin ng paying partner nila. At ang video na ‘yon... ibibigay namin sa paying customer o ‘yung isa nilang partner. Sa tagal ko rito, marami na kaming natulungan na babae. Puro babaero ang mga partner nila na dito lang nila napatunayan. Nakakasuka. At masasabi kong okay na ako sa job ko na ‘to... sinong hindi? Kada appointment ay 10k ba naman ang sahod! Unang tapak ko pa lang sa floor sa labas mismo ng hotel nang may lalaking sumabay sa paglalakad ko sa ‘king kaliwa at mabilis na hinawakan ako sa braso saka hinila sa kung saan. “Sumama ka muna sa ‘kin.” “Kai!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD