IT'S already past three in the morning. Nakaalis na ang kanilang mga kaibigan at nakapagligpit at linis na rin sila ni Kian ng condo. Matapos ilagay sa refrigerator ang mga beer na hindi na nainom ay saka niya pinatay ang ilaw sa sala. Papatayin na sana niya ang ilaw sa kusina nang biglang lumabas si Kian sa silid nito. Sa ayos ay mukhang tapos na itong mag-shower. He's only wearing his shorts and nothing on top. Natigilan silang dalawa nang magkatinginan. Simula nang nangyari ang dare na iyon kanina sa game ay hindi pa sila nakakapag-usap. Her heart started pounding when Kian continue to stare at her. Parang hinahalukay ng tingin nito ang kanyang puso. "Ah... i-ikaw na ang mag-off ng ilaw dito sa kitchen mamaya kung may gagawin ka pa," basag niya sa katahimikan. Nang hindi ito sumagot

