"SO, kumusta naman ang unang umaga bilang Kian's official girlfriend?" nakangiting tanong ni Zuri. Nakangiting lumingon si Kira sa mga kaibigan habang naglalakad sila sa dalampasigan. "Ganoon pala 'yon, no? Alam n'yo 'yong kahit na nagkakaintindihan naman na kami tungkol sa feelings namin. At first, I didn't give much thought about it, pero iba pa rin 'yong peace kapag nagkaroon na kayo ng label." "Alam mo, agree ako diyan," sagot ni Zuri. "Bilang isa sa nakasubaybay sa love story n'yo since high school. Girl, isa ako sa unang happy para sa inyo," sabi naman ni Sami. "You look happy together. Nakikita ko kayo na palaging magkasama at masaya pero iba 'yong spark sa mga mata n'yo lalo na si Kian," wika ni Chloe. Napahinto sila sa paglalakad nang makita ang mga kasama nilang lalaki na n

