MAG-AALAS dose na ng hatinggabi. Katatapos lang ni Kira na gawin ang ilang gawain bahay. Nagsalang siya ng mga maruming damit sa washing machine nilang mag-ina at sinampay iyon. Bukod doon ay naghanda din siya ng mga snacks na kakainin ni Kianna bukas habang nasa trabaho siya. Papatayin na sana niya ang ilaw sa sala nang biglang tumunog ang kanyang phone. Kinuha niya iyon at binuksan ang inbox. Ganoon na lang ang pagtataka niya nang makitang galing kay Kian ang mensahe. "Come out," sabi nito. "Lian, lalabas lang ako ha?" paalam niya sa kapatid na nasa kuwarto nito. "Gabi na ate, saan ka pupunta?" "Sa kabila, nagtext si Kian." Isang nakakatuksong ngiti ang sinagot nito. "Sige ate, take your time. Tulog na naman si Kianna." Pagbukas niya ng pinto ay nagulat pa siya nang makitang naghi

