HABANG tulog ang anak ay naglinis si Kira doon sa condo ni Kian. Habang ginagawa ang mga iyon ay hindi niya maiwasan mapangiti. Sa nakalipas na tatlong taon ay walang pinagbago doon. Walang binago si Kian sa kahit saan sulok. Maging ang mga naiwan niyang damit ay naroon pa rin. Hindi lang siya kumikibo pero nagulat pa siya noong una dahil pati ang mga pictures nila noon ay naka-display pa rin hanggang ngayon. Tama si Kian sa sinabi. Walang nagbago doon maliban sa kanya. Matapos ang gawain bahay ay nagluto na siya ng gabihan. She cooked pork adobo and chop suey. Nang magising si Kianna ay nakipaglaro na rin siya dito. Nang mapagod sa paglalaro ay nanood ito ng favorite nitong cartoons. Natatawa si Kira nang sabayan ni Kianna ang kumakanta sa pinapanood. Dahil paulit-ulit na nitong napanoo

