PASADO alas-dos na ng madaling araw nang makauwi ang dalawa. Mas maraming nainom si Kian kaya si Kira na ang nagmaneho ng kotse pauwi. Hanggang sa makababa ay inalalayan niya ito. "Are you okay?" tanong pa niya nang makarating sila sa tapat ng kani-kanilang bahay. Marahan itong tumango. "Matulog ka na ha? Dito na ako matutulog," sabi pa niya. Hindi sumagot si Kian kaya tumalikod na lang siya. Hawak na ni Kira ang doorknob nang bigla siyang hawakan nito ang braso niya. Hinila siya ni Kian nang buksan nito ang pinto at sinama siya sa loob. Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang isandal siya ni Kian sa likod ng pinto nang maisara iyon. Placing his hands on that closed door, trapping her in between his arms. "Kian..." "You haven't been paying attention to me all night. Dumating lang an

