Chapter 5−Savagely Kissed Her
ANG kasiyahan kanina nina Rui, Zhen, at Ran ay tuluyang naputol. Nakatutok na sila ngayon sa kanilang kaibigan na pawang mayroong mga ang seryosong mukha. Bumalik ang mga ito sa upuan, at sa isang tingin na may halong pagdududa at pangunguwestiyon, pinagmamasdan si McKenzie.
“Bro, chill. You’ve got a real talent for shocking people,” Zhen said with a grin. Dinampot ni Zhen ang bote ng alak at dahan-dahang sinalinan ang walang laman na baso na pinagtunggaan ni McKenzie.
"Go on, drink a little more, bro,” wika naman ni Rui. “Hindi iyong mambibigla ka na lang gayung kauupo mo nga lang.”
There was always a stillness to McKenzie’s face, a quiet gravity that made it impossible to read his thoughts, yet impossible to ignore.
“I’m not staying long. Napadaan lang ako,” McKenzie said.
Umiling si Ran. "Ang daya. Mahigit isang buwan ka nang hindi sumasama sa kahit anong lakad ng barkada. Naiintindihan naman namin, Zie, pero kahit ngayong gabi lang, join us. This is my little celebration for taking over this club. So, what’s your take on this club, bro?”
Walang emosyon, pinasadahan ni McKenzie ng tingin ang loob ng club, parang sinusuri ang bawat sulok at bawat tao sa paligid. “My honest take? Well… This club’s bleeding money. At this point, pouring more resources in won’t save it or anyone depending on it. It’s time to cut losses habang maaga pa at hindi ka pa masyadong nakakapag-invest. It’s not wise. A failing business with no chance of recovery isn’t worth saving. As I was saying, you’d only be wasting time and resources, Haoran. It’s better to invest in virtual worlds and the metaverse.”
Ran just stared, overwhelmed by McKenzie’s lengthy explanation.
“Pero, bro, pang-balanse rin ito sa nakakasakal na mundo sa corporate. Puro na lang tayo sa seryosong negosyo. I’ll support Haoran in this. Let’s make this club our comfort zone, our place to relax.” Rui said.
McKenzie’s brow furrowed, a shadow of irritation crossing his face. “Kung pahinga lang naman pala ang habol mo, e ‘di pasukin mo ang negosyo ng punerarya.” Walang kabiru-birong saad ni McKenzie.
“Gago!” Muntik nang maibuga ni Rui ang alak na ininom.
Binalikan ni McKenzie ang tunay na pakay. “Seryoso ako sa sinabi ko tungkol sa pustahan.”
“Zie, we already set that aside since your fiancée had an accident.” Maingat ang tono ni Zhen. “Alam naming lahat ay seryoso pagdating saiyo but we’ve decided to make that game over para na rin saiyo bilang konsiderasyon namin sa nangyari kay Gwen.”
Dalawang buwan na ang nakalilipas nang magkasundo silang apat na gumawa ng pustahan. At sa kanilang pustahan, ang mananalo ay kung sino sa kanilang apat ang unang magkakaroon ng anak at ang magiging kanilang tagapagmana.
Somehow, that bet sounded childish, shallow, even like a joke but to them, it wasn’t. Especially when the stakes involved business, the expansion of their wealth, and the extension of their power. It was deadly serious
“Kalimutan na natin ‘yong pustahan na ‘yon, dude.” Ran said. “‘Cause to be fair with you, Zie, we stopped doing action how to conceive a child. Dahil sa pustahang ‘yon naging desperado kaming pumayag sa arranged marriage e. Buti at hindi natuloy because we considered it over when your fiancée went to coma.”
McKenzie smirked. “It’s obvious you’ve unofficially called the game off. I disagree and tonight, let’s make it clear. The bet is still on.”
“Dude, naman.” Umalma ang lahat.
“Work your asses off and focus back on our game.” Tumayo na si McKenzie, naghahandang umalis, na may malamig at matatag na aura. “And just a reminder about the bets you’ve made. There’s no taking them back, and no changing your stakes. Mine’s all set.”
Kampante si McKenzie at walang ni katiting na aninong pag-aalinlangan sa pagkapanalo sa pustahan laban sa tatlong kaibigan. Sa katunayan, itinuturing na niya ang sarili niyang panalo bago pa man magsimula. Kahit na hindi natuloy ang plano niyang isailalim sa In Vitro Fertilization ang fiancée niyang si Gwen dahil sa aksidenteng tinamo nito, tila pumanig pa rin sa kanya ang tadhana. Ang langit mismo ang gumawa ng paraan upang magkaroon siya ng anak, na magpapatibay sa kanyang tagumpay at posisyon.
He knew with absolute certainty that whichever IVF patient had been implanted with his semen, at that very moment, she is already carrying his child. He could already smell his victory mula sa pustahan nilang magkakaibigan. Sa wakas ay malaki na ang pag-asa niyang makapasok sa Slovax Global Banking Group. Kapag natalo niya si Zhen at Rui ay makukuha na niya ang mga share ng dalawa sa nasabing Global bank na ang kasalukuyang CEO ay walang iba kundi ang iresponsable niyang ama na matagal na niyang gustong pabagsakin.
McKenzie rose from his seat, adjusting the front of his coat with meticulous care, then flicked a glance at his wristwatch.
“I’ll be leaving now, gentlemen. Take care of yourselves.”
“Have a last shot, dude. Mukhang hindi ka naman namin mapipigilang umalis.” Zhen offered a glass of scotch to him.
Kinuha ni McKenzie ang huling shot ng scotch at kusang napadako ang kanyang tingin sa babaeng nag-iisang sumasayaw sa isang sulok malapit sa entablado, tila ginagaya ang bawat galaw ng mga stripteaser sa itaas nito. Napahinto si McKenzie sa pagtungga ng alak.
Hindi niya namamalayan na pinapanood na niya ang naturang babae. Bawat galaw nito, ang ikot ng balikat, ang pagkikilos ng paa at balakang ay tila eksaktong ginagaya ang mga malalaswang stripteaser sa entablado, ngunit may kakaibang ritmo ang galaw ng babae at misteryo na nakapupukaw ng pansin. Para bang bawat kilos nito ay sinadya upang makita lamang ng iisang mata—ang mata ni McKenzie.
Napukaw lamang si McKenzie nang maramdaman ang tapik sa kanyang balikat. Si Rui iyon, na ngayon ay nasa tabi niya, at may kasamang malikot na ngiti, ay itinuro ang mismong babae na nakaagaw sa atensiyon niya ng ilang sandali.
“Seems we’ve got the same taste in women, Zie pare. Been eyeing that girl for some time now. She’s something else. But hey, if you want, I can hand her over to you.”
Hindi pa man nakakapag-react si McKenzie ay mabilis nang kumilos si Rui at umalis sa kanilang VIP section para lapitan ang naturang babae.
McKenzie should have left. Wala siyang panahon sa mga ganitong bagay, sa ganoong club na dinadayo ng mga lalaking uhaw sa mga babae at lalo na't walang siyang panahon sa ibang babae pero hindi niya alam sa sarili kung bakit napabalik siya sa upuan niya at naghintay sa pagbalik ni Rui.
“Hindi ka nga interesado, bro.”
“Huwag mo na kasing pigilan ang sarili mo, Zie. Stay as long as you want. Masaya rito sa Black Dahlia. Maraming baby dolls.”
Kumunot ang noo ni McKenzie nang makita ang nanunuksong ngisi nina Zhen at Ran. Kaagad niyang itinutok ang tingin sa kanila, naninita hanggang sa pinilit niya ang sarili na tuluyan nang umalis.
The teasing smiles of his friends irritated him, but what irritated him even more was that a complete stranger had caught his attention. That hardly ever happened.
“I really should be going,” McKenzie said, his voice cold.
Hindi na nga siya nagpapigil at naglakad na siya palayo. Darkness clouded his expression, and he swore under his breath the moment Rui appeared in a flash, trapping him in the corner. Lumagpas ang titig ni McKenzie sa babaeng naglalakad sa likuran ni Rui.
It was the girl he was interestingly watching a while ago! Nadala nga ito ng kaibigan niya.
“Brother, here she is.” Excited na wika ni Rui at tinapik ang ibabaw ng balikat niya. “Man, she’s even more beautiful up close,” Rui murmured.
McKenzie restrained the urge to study the woman’s face closely, choosing instead to appear uninterested and bored. “I’m going. She’s all yours if you like her.”
“But, dude—”
“Hey! Excuse me!” the woman snapped, her voice sharp and fierce. Narinig pala nito ang sinabi niya kay Rui na hindi siya interesado. Tinabig nito si Rui at tumingala sa kanya nang nakataas ang kilay.
McKenzie stepped back because the woman was standing too close. That’s when he finally got a good look at her face. Damn… Rui was right. She was stunning. Her face was angelic, with gentle eyes and a serene expression that could calm even the most restless heart. Even in her drunken state, she was undeniably beautiful, her features softening yet somehow more captivating.
“Hoy, lalaki! Pagmamay-ari mo ba ako at ganoon na lang kadali saiyo na ipamigay ako? Ayos ka ha!” singhal ng babae sa kanya.
And McKenzie hadn’t expected her to snap at him like that. He was McKenzie Drew Yapchingco—no sane person who knew him would have dared speak to him that way.
“At ikaw, sinungaling ka ring lalaki ka. Akala ko ba interesado akong makilala nitong kaibigan mo? ‘Di naman pala!” asik din nito kay Rui na napaatras din na tila nabahag ang buntot.
The woman turned her sharp gaze back to McKenzie. He simply frowned as she swiftly scanned him from head to toe, then followed it with a mocking grin.
“Hoy, para sabihin ko saiyo. Hindi rin ako interesado saiyo. Hindi kita type! Guwapo ka nga, pero mukhang matanda ka na para sa akin. At mukha kang pinagdamutan ng kaligayahan ng mundo—ang mukha mo, parang walang liwanag. Atsaka, hello… nasa club ka pero ang get-up mo, para kang dadalo sa hearing sa Senado. Sa tingin ko, tatanda kang binata, o baka yung kunwaring seryoso mong style at kayabangan, maskara mo lang yata ‘yan… kasi ang totoo, bakla ka!" Walang kapreno-prenong litanya ni Andrea. Hindi nito mapigil ang bibig dahil nauna na siyang nainsulto sa lalaking kaharap na hindi pa siya ipinapakilala ay pinagtabuyan na siya.
Rage bubbled within her. Was it true that every man she encountered would simply reject her? First was her husband and now this strange handsome man? Lahat na lang!
“Diyan na nga kayo! Tse! Mga bakla!” Inirapan ni Andrea si McKenzie habang si Rui ay laglag ang panga sa katapangan ng babae na pagsalitaan ng ganoon ang pinangingilagang si McKenzie Yapchingco.
“I won’t let you off that easy after accusing me of being gay,” McKenzie said with a smirk. Mabilis na hinaklit ni McKenzie ang braso ni Andrea at hinila ito. With a swift movement, McKenzie closed the space between them, his eyes locking onto hers.
“With that accusation? You’re not off the hook yet,” he murmured, a teasing spark in his voice. He kept her cornered, letting the tension hang thick in the air, then he savagely claimed the woman’s lips. Hindi pa siya nakuntento at pinisil pa ng isang kamay niya ang puwit nito at napaungol ito sa loob ng kanyang bibig.