Kabanata 12 K I M “Ang gwapo talaga ni Stephen, ‘no? Tapos ang bait pa at matalino. Walang panama ‘yong apat niyang kaibigan na puro kayabangan lang ang mayroon,” nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang limang lalaking nakaupo sa lamesang madalas nilang upuan kapag narito sila sa cafeteria. Sina Stephen, Zachary, Caleb, Sander at… Ethan. Sila ang mga lalaking sobrang pinagkakaguluhan dito sa school namin. Paano naman kasi pareparehong gwapo at mayaman ang mga unggoy na ito. ‘Yon nga lang parepareho ding mayabang at bulakbol, pwera lang syempre kay Stephen. Siya lang ang masipag mag-aral at nagseseryoso sa kanilang lima. Hindi siya mayabang tulad ng lima. Tahimik at seryosong tao kasi si Stephen. May mga nagiging babae si Stephen pero hindi naman siya katulad nung apat na kung sino-

