Kabanata 34 K I M Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Ethan sa tabi ko. Bahagya akong nakaramdam ng kurot sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. O alam ko naman talaga ang dahilan, hindi ko lang talaga matanggap. Bakit ako masasaktan kung umalis na siya? Hindi naman ako nag-eexpect ng kung ano sa kanya, kaya ano naman ngayon kung umalis siya ng hindi manlang nagpapaalam pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi. Mas mabuti na nga iyon dahil baka may makakita nanaman sa kanyang lumalabas ng kwarto ko. Nahuli na pala siya ng pinsan ko kahapon, hindi manlang niya sinabi sa akin. Kung sa bagay, hindi nga pala kami halos nakapag-usap kahapon. Noong gabi lang, tapos hindi naman pag-uusap ang ginawa namin. Sagutan lang ng ungol iyong ginawa namin. Buti hindi na siya masyadong gigil k

