Kabanata 38 K I M Matagal bago siya nakapagsalitang muli. Titig na titig ako sa kanya. May kung anong bagay ang nagpapabilis ng pintig ng puso ko. Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang ekspresyon niyang hindi ko naman mabasa. “Uuwi na din ako kaya magsabay na tayo,” aniya pagkaraan ng ilang sandaling pananahimik. Tumango ako at nagsimula nang maglakad palayo sa lamesa namin. Narinig ko pa ang pagpapaalam niya sa mga kaibigan ko at ang bilin niya sa mga tauhan na huwag nang pagbayarin ang mga ito. Nakakahiya talaga. Ang dami pa naman naming in-order at baka mas marami pa silang order-in pagkaalis namin. Idinaan ko na lang sa pagbubuntong hininga ang kahihiyang nararamdaman ko para sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang kukuripot nila gayong malaki naman ang sinasahod namin

