Chapter 22 Kinabukasan ay sabay sabay ulit kami nag-lunch. Dun din kami sa usual namin na table. Okay narin naman si Siren. Akala ko nga hindi siya papasok ngayon dahil masakit daw yung ulo niya kagabi pero okay naman na daw pagkagising niya. Hindi ko alam pero parang may nakakalimutan ako. Hindi ko alam kung tao ba o bagay pero I think tao eh. Napatigil ako nung mag-ring yung cellphone ko. Tinignan ko naman kung sino yung tumatawag. Si Nathan. Teka lang, si Nathan?! Ngayon nga pala siya papasok dito sa college namin! "Asan ka na?! Di ba sabi mo susunduin mo ako sa gate!" Sigaw niya sakin mula sa kabilang linya. "Sorry, nakalimutan ko! Ito na papunta na." Sabi ko sa kanya at binaba na niya yung telepono. "Sino yun?" Tanong ni Tyler. "Si Nathan. Nakalimutan ko na susunduin ko pala si

