Chapter 13 Phanes' POV "Napagdesisyunan namin na isali kayo sa Pageant." Nakangiting sabi ng adviser naming na parang sinasabi niya na wala kaming karapatang tumanggi. "I can't, Ma'am." Sabi ni Athena. "Sorry, Athena pero nailagay na naming ang pangalan niyo ni Phanes sa list of candidates. At isa pa, madaming nagsasabi na maganda ang relationship ninyong dalawa kaya malaki ang chance na manalo kayo." Sagot ni Ma'am. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ma'am. Ibig sabihin all this time, ang tingin ng ibang estudyante samin ni Athena at nagliligawan? "Di na po ba talaga pwedeng mag back-out?" Tanong ulit ni Athena. "I'm sorry, Athena. Di na talaga pwede. Bakit may problem ba?" "W-wala po." Mukhang napapayag na ni Ma'am si Athena. Ako naman kahit ano lang payag ako. Basta kung san s

